2nd Day of Foundation day.
Excited na kami dahil hindi sa school gaganapin ang 2nd day kundi sa Limketkai Atrium. For sure marami na namang mga gwapo't magaganda dun. :3
1 pm narin kaya sabay na kami na Jonalyn na pumuntang Ketkai, dun na namin kikitain si Jay.
*Limketkai
Nandito na kami sa harap ng Atrium, dito kami maghihintay kay Jay. Makalipas ang ilang minuto dumating narin naman sya kaya pumasok na kami.
Ang rami ng tao sa loob ng Atrium. Dito kasi gaganapin ang Mr. and Miss MOGCHS (name po ng school namin) at ang Teachers showdown kaya for sure masaya to. Naka suporta rin kami sa year level namin na candidate.
Unang nag perform ang mga SPA students at isa lang ang masasabi ko. 'WOW' they are the best, ang galing.
Nagsimula narin ang Mr. and Miss, tili naman kami ng tili pag 4th year ang rumarampa. Wohoo! The best talaga ang year namin. Haha
Tumitili parin ako ng biglang dumaan ang ex-crush ko. Tsk! That jerk.
Tinuro naman ako ng kabarkada nya kay tumingin siya sakin. Tss! Di ko nalang sila pinansin.
Seryoso kami nanunuod ng kalabitin ako ni Jessah, "Oy bes, si Louie oh"
"H-ha? Saan?"
"Yun oh." sabay turo at si Louie nga.
Ba't ang gwapo nya sa suot nya! Huhu Di ba nya alam na nag co-compliment ang skin nya sa suot nya kaya kitang kita na ang puti nya?
Dumaan sila sa harap namin nga biglang tawagin ni Jonalyn si Louie.
"Psst! Louie?"
Tumingin naman si Louie.
"She wants me to send you her regards." sh*t Lyn.
Tumingin sa akin si Louie. "Okay." half-smile lang ang binigay nya. Umalis narin sila agad.
"Yaaaah Lyn. Nakakahiya." pero deep inside kinikilig ako.
"Wel, okay raw. Wow di sya snob ha." Zyke.
"Nakakahiya parin pero kinikilig ako." hahaha :D
"Ooooy, si Jewel nag bu-blush. Hahaha"
"K fine. Hahaha" kaya ayun tawa lang kami ng tawa.
*Question and Answer*
Natahimik sandali ang Atrium dahil question and answer portion na.
Okay naman ang mga lower grades sa mga sagot nila. Pero kung iintindihin ang question mas maganda talaga ang sagot ng 4th year. I'm so proud. :)
Inanounce narin ang mga nanalo at ano pa nga ba kundi 4th year ang nag wagi kaya ang ingay na ng Atrium. Umalis naman kami agad nina Jay at Jonalyn dahil kakain pa kami. Yehey foods. Haha :D
"Bye guys. Kita nalang tayo." paalam ko sa mga classmate ko.
*Jollibee
Sa jollibee na namin naisipan kumain. Si Jonalyn narin ang nag order.
Naglabasan narin ang mga ibang students. Dumating narin si Jonalyn kasama mga orders namin.
Chiken joy sakin at dalawang rice. Ganyan ako kumain. Iba naman yung order nila Jay.
Nagkwe-kwentuhan rin kami habang kumakain. Tawa lang kami ng tawa.
Pagkatapos kumain lumabas narin kami. Dahil kailangan pang mag cr.
Nakita naman namin sina Julius at iba ko pang classmate, papasok raw cla ulit sa Atrium para magpa picture. Sabi naman namin susunod kami, mag c-cr lang.
Pagkatapos mag cr, papunta na kaming Atrium. Papasok na kami ng madaanan namin si Louie at mga classmates nya. Tumingin siya sakin saglit at nagbawi naman agad ng tingin.
Okay? What was that? OMG, Louie your driving me crazy.
Kaya siniko ko agad si Jay, nakahawak kasi ako sa kanya.
"Bes, tiningnan ako ni Louie. My gosh!" ayan kinilig na tuloy ako. Haha
"Hay! Wala naman sina Julius dito eh." Jonalyn.
"Umalis nanga lang tayo o sa labas na tayo mag hintay." Jay.
"Mabuti pa nga." pag sang-ayon ko.
Habang naghi-hintay sa labas, nakita ko na naman si Louie. Gosh, tawa lang siya ng tawa. Ang gwapo nya tuloy.
"Ang ganda ng view ni Jewel dito ah." Jonalyn.
"Hahaha. Alam mo talaga lyn noh?" ako.
"Ofcourse ako pa." sabay wink. Haha
*After 30 minutes
"Yaah! Wala naman cla eh. Naiinis na ako." iritang sabi ko.
"Kaya nga. Hali nanga kayo. Umuwi nalang tayo." Jonalyn sabay hila samin.
Tumingin naman ako saglit kay Louie. Nandun pa kasi sila sa pwesto nila kanina. Tumitingin ako sa kanya ng biglang tumingin rin siya sakin. >//<
Ang init na ng pisnge ko. "Louie, bye raw sabi nya." Jonalyn sabay turo sakin.
Tumango lang si Louie. Arrgh! Nakakahiya na talaga. >//<
Kaya hinila ko na sila. Haha Ako pa talaga ang may ganang mang hila. :D
Nakalabas narin kami ng Ketkai. Pinasakay muna namin si Jay saka kami sumakay ni Jonalyn.
Habang nasa jeep, kwento ako ng kwento kay Jonalyn nga may bigla siyang sinabi na kinagulat ko.
"Sayang talaga yung sa wedding booth. Hindi naman talaga si Joyce ang ipapakasal namin kay Louie, ikaw talaga Wel. Pero sayang di natuloy. Nagbayad pa talaga ako dun para lang ma surprise ka."
"Ano? Di nga? Sure ka Lyn?" di makapaniwalang saad ko.
"Ou nga. May free ring narin yun. Sayang talaga, dapat kasi natuloy yun eh." naiinis na sya nyan.
What did I do in my past life to have a friend like them. I find it sweet of them.
"Okay nayun Lyn. Thank you, dahil nag effort pa talaga kayo para lang matupad yung wish ko." ayoko talaga ng drama. Haha sinabi ko kasi sa kanila before the foundation day na gusto kung makasal kay Louie kahit sa booth lang. Atleast gumawa sila ng paraan. Kaya imbes na ma dissapoint ako, hindi ko magawa dahil na touch talaga ako sa ginawa nila.
"Welcome. Gusto lang namin kahit na papaano may souvenier ka kay Louie before man lang tayo grumaduate." how I love my friends. :)
"Di bali na. Basta thank you talaga Lyn, kayo ni Jay. Your the best." at nag thumbs up pa talaga ako nyan. :D
Bumaba narin kami ng jeep, at naghiwalay na ng landas. Sa other side kasi si Jonalyn.
Pagkauwi ko sa bahay. Deritso kwarto na ako nagbihis humiga narin ako.
Nag iisip ako na kailangan ko nang ihinto ang nararamdaman ko towards Louie, dahil alam ko na naman na ako lang ang masasaktan sa huli.
Okay na sakin na atleast napapansin nya na ako, alam nya na nag e-exist ako.
Ang Crush kasi pampakilig lang yan, depende nlang sayo kung sineseryoso mo masyado ang sitwasyon.
Kaya bago ko pa to seryosohin, kailangan ko nang huminto.
At first step para di ko na sya maisip ay maging busy at di na sya isipin. Hihi~
Para sakin rin naman tong gagawin ko. Kaya Go Jewel, kaya mo to. Aja! Fighting! :)
A/N: Last chap napo to. Epilogue na. Thank you po. Vote and comment naman. :)
BINABASA MO ANG
CRUSH<3
Novela JuvenilA/N: Naalala ko kasi yung crush ko kaya gumawa ako nito. Short story lang po siya. Salamat po sa mga nag babasa. :) At sa mga mag babasa. Mahal ko po kayo. :*