SUMASABAY SA GALAW

590 13 0
                                    

Pinagmasdan niya ang daan patungo sa bahay nila Sofia, medyo makitid at matayog nga iyon at tiyak na mahihirapan siya.

Nabalik naman ang mga mata niya kay Sarah na kanina pa naghihintay sa sagot niya.

"Ano? Tulungan na kita?" nakangiting tanong nito.

Bagamat, alam niyang tiyak na mahihirapan siya ay nanatiling nagmatigas siya. "Okay lang Sarah mauna ka na, sanay naman na ako eh!"

Kahit nakangiti ay hindi mawala ang kaba sa dibdib niya dahil ang totoo, hindi niya talaga alam kung ano ang magiging kahihinatnan kung siya lang ang magdadala ng mga gamit niya.

"Sige, kung ayaw mo hindi na kita pipilitin," sabi nito saka tinalikuran na siya.

Palihim na napasimangot siya.

Nakakainis! Bakit hindi man lang niya 'ko pinilit? Sinasabi ko na nga ba, lumabas din ang totoo na puro lang ka plastikan ang ipinapakita niya sa 'kin!

inis na inis niyang sabi sa loob-loob niya.

Ilang hakbang lang ang ginawa nito nang malalim na napabuntong-hininga siya.

"Sarah, sandali!"

Napahinto ito sa paghakbang at unti-unting humarap sa kanya, sumilay ang mga ngiti nito sa labi.

"Pwede bang ikaw ang magdala nito?"

Nakangiting tinanguan siya nito.

Ilang sandali pa, nagsimula na silang naglakad.

Hawak-hawak niya ang kanyang handbag habang nakasunod dito, buhat-buhat naman nito ang kanyang maleta habang nakasabit sa katawan nito ang sarili nitong travel bag.

Ilang minuto pa ang dumaan ay pawisang narating na rin nila ang tuktok kung saan nandoon ang pamamahay ng mga magulang ni Sofia.

Nang nilingon niya si Sarah ay kitang-kita naman niya ang pagod na pagod at pawisan nitong mukha.

Hindi naman niya maiwasang mas lalong makonsensiya dahil sa kabaitan nito sa kanya.

"Oy! Girls, totoo ba 'to?"

Magkasabay silang napalingon sa pinagmulan ng boses, nakita nila ang gulat na gulat na mukha ni Chezka habang nakatingin ito kay Sarah.

"Ikaw lang talaga ang nagbuhat niyan Sarah G?" tanong nito habang naglalakihan ang mga mata.

"Wow!" nakangiting sambit naman ni Trixie. "Iba ka talaga Sarah! Haha! Baka sa susunod niyan si Tanch na ang bubuhatin mo ha? Hahaha!"

Eksakto naman ang pagdating ng grupo ni Sofia at gaya ng inaasahan sila na naman ni Sarah ang tampulan ng tuksuhan.

"Oy...Oy..." paulit-paulit niyang naririnig mula sa mga ito.

Napangiti naman si Sarah sa mga ito habang siya ay pilit ang mga ngiting kinuha na sa kamay nito ang maleta.

"Thank you," sabi niya rito.

***

Nilalakad na nila ang bahay papunta kina Sofia, habang papalapit ay napansin niya agad ang magandang bahay ng mga magulang nito.

Isa iyong antique house na may dalawang palapag. Nang makalapit sila ay sinalubong naman sila ng mga nakangiting mga magulang nito at binati sila.

Sa pagpasok nila sa tahanan nito ay napansin agad nila ang makalumang kagamitan na naroroon, mula sa antique na aparador, altar table, maging ang isang makalumang salamin.

Sa isip niya, minana pa siguro iyon ng mga ninuno nito dahil sa makalumang estilo ng mga kagamitang naroroon.

Iginiya sila ni Sofia isa ikalawang palapag para makapagpahinga na muna sila, hindi naman niya inaasahan na tag-iisa sila ng kwarto roon.

Nang malaman niya iyon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng takot dahil hindi siya sanay matulog mag-isa sa ibang bahay.

"Tanch, ito 'yung kwarto mo na sinasabi ko," nakangiting sabi ni Sofia. "Okay ka lang ba rito?"

Siya ang huling inihatid nito kaya sila na lang dalawa ang magkasama nang mga oras na iyon.

Inilibot niya ang mga mata sa loob ng silid na iyon, napayakap na lamang siya sa sariling katawan nang may kakaibang lamig ang sumalubong sa kanya.

"Ah," sambit niya bago ito nilingon. "Uhm... Yes! Okay na 'ko rito Sofia, salamat ha?" pilit ang mga ngiting wika niya.

"Okay! Sige-sige magpahinga ka na muna rito kasi, maya-maya kakain na tayo!" nakangiti nitong sabi.

"Sige, salamat!"

Nginitian naman siya nito saka umalis na.

Ilang sandali pa inilapag niya ang kanyang bag sa ibabaw ng kama.

Hindi niya alam pero hindi talaga siya komportable roon, kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na tawagan si Trixie.

Nang mai-on niya ang cellphone ay napahawak na lamang siya sa noo, nang makitang walang ni isang signal doon.

Medyo malayo pa naman ang silid ng mga ito sa kanya at kailangan niya pang dumaan sa silid ni Sarah bago marating ang silid ng mga ito.

Napahiga na lamang siya sa kama sabay talukbong ng kumot, sinubukan niyang ipikit ang mga mata ngunit sa pagpikit niya'y nakarinig siya ng sunod-sunod na kaluskos mula sa kung saan.

Napadilat siya, kasunod no'n ang panlalamig ng buo niyang katawan at hindi magpang-abot na kaba sa dibdib niya.

Mas lalo namang lumakas ang mga kaluskos at pakiramdam niya'y habang tumatagal ay papalapit nang papalapit iyon sa kanya.

Awtomatikong napatayo na lamang siya sa kama at takot na takot na binuksan ang pinto ng silid.

Hindi niya alam kung ga'no siya ka bilis nakalabas dahil natagpuan na lang niya ang sariling nagtatatakbo habang panay ang paglingon sa pinagmulang silid.

"Ay!"

magkasabay nilang sambit ng nakabunggo niya...

magkasabay silang bumagsak sa sahig...

sa paglingon niya'y nakita niya si...

Sarah

parehas nilang sapo ang noo habang gulat na gulat...

tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya...

ilang sandaling tinitigan lang niya iyon...

ilang sandaling nakalutang lamang iyon sa ere...

ngunit sa huli...

ay tinanggap din niya iyon saka napatayo mula sa sahig.

Eksakto naman ang pagbukas ng pinto sa tapat nila, nakita nila ang gulat na gulat na mukha ni Trixie.

"Oh! Anong ibig sabihin nito?" nakangisi nitong sambit nang makabawi.

Sarkastikong nginitian niya ito saka binalingan si Sarah. "Pasensya ka na at..."

salamat."

iyon lang at walang pasabing pumasok na siya sa silid ni Trixie.

Naiwan naman si Sarah na napapakamot sa ulo at nagtataka sa nangyari dito.

Ano kayang nangyari sa kanya?

sa loob-loob niya habang hawak ang noo.

***

GABI

Masaya nang nasa hapag-kainan sila Sarah, sobrang ingay ng mga ito habang siya ay nakangiting tahimik lang na nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito.

Katabi niya sina Chezka at Trixie habang katapat naman niya sina Karen at Tanch.

"Oy! Girls, kain lang kayo ha?" nakangiting sabi ni Sofia sa kanila.

"Yes!" masiglang sagot ni Chezka habang hawak ang isang platong may sisig saka sinulyapan si Tanch. "Kung hindi mo naitatanong favorite food 'to ni Tanch!" walang preno ang bibig na sabi nito.

Napangiti naman siya nang malaman iyon, parehas din pala sila ng paboritong pagkain nito.

Nang mapadako ang mata niya kay Tanch ay iiling-iling na lamang ito.

"Oy! Sarah G, bakit ang tahimik mo? Magsalita ka naman diyan!" nakangiting sabi ni Chezka.

"Hay! Hindi ka na nasanay diyan kay Sarah," nakatawang saad ni Trixie.

Napangiti na lamang siya.

"Girls!" pag-agaw atensyon ni Sofia. "Bukas pala maaga tayong gigising ha?" napadighay pa ito. "Dahil..."

"We're going to Hulugan Falls!"

halos sabay-sabay na sigaw ng dalawang mga kaibigan nito na bakas ang excitement sa mga mukha.

***

KINABUKASAN

Maaga ngang gumising sila Tanch para makapag-ayos, dahil pupunta sila sa nasabing falls ni Sofia. Gaya ng inaasahan nasa loob siya ngayon ng silid ni Trixie.

Mas pinili niya na kasing doon na mamalagi sa silid nito dahil hindi niya talaga nakayanang mag-isang matulog sa silid na binigay ni Sofia.

Hindi na rin nagtaka si Trixie dahil noon pa man ay alam na nitong matatakutin talaga siya pagdating sa mga gano'ng bagay.

"Tanch, bumangon ka na diyan! Ang tagal mo pa namang mag-ayos!"

"Opo madem!" sabi niya saka pumasok na ng banyo.

***

Maaga pa lang ay nagtungo na sila Sarah sa "Hulugan Waterfalls," na kung saan isa nga sa kilala at magandang falls ng Laguna.

Hindi naman maalis sa kanya ang excitement dahil iyon talaga ang hilig niya ang adventure at mag-travel sa iba't ibang lugar.

Gaya ng inaasahan kay Tanch pa rin siya nakasakay, naging madali naman ang byahe nila dahil may sarili silang sasakyan.

Ilang oras ang inilaan nila bago nila narating ang lugar na iyon.

Sa pagbaba nila ng kotse ay doon pa nila nalaman sa isang tour guide na kailangan pa nilang maglakad ng ilang minuto para marating ang falls na iyon.

Kitang-kita naman niya ang mukha ni Tanch na napanguso nang marinig nito ang sinabi ng tour guide.

Sa tingin niya'y hindi ito mahilig sa adventure lalo na ang maglakad at umakyat sa matatarik na daan na tulad na lang ng pupuntahan nila ngayon.

Nagsimula na silang naglakad, nakasunod siya kay Tanch. Napansin niya ang panay na paghinto nito at may pagkakataon pang nag-aalangan itong dumaan o umakyat sa matatarik na daan.

"Tanch, tulungan na kita!" nakangiti niyang wika sabay hawak sa malaki nitong bag.

"Ah, h'wag na! Kaya ko na 'to Sarah," nakangiti nitong sabi.

"Sigurado ka?"

"Yes!"

Hindi na niya ito pinilit, nasa kinse minutos na ang kanilang paglalakad nang mapahinto sila nang makita ang isang hanging bridge sa harapan nila.

"Ma'am, ito po ang hanging bridge na nasa 30 metro ang haba at nasa 80 feet ang taas, kailangan po nating dumaan dito para mas mapadali po ang pagpunta natin doon sa falls," sabi ng tour guide sa kanila.

"Ano?" sambit ni Tanch.

Napalingon siya rito, bakas sa mukha nito ang takot habang nakatingin sa hanging bridge.

"Ano girls? Kayang-kaya?" sigaw ni Sofia habang itinataas ang isang kahoy na hawak.

"Kayang-kaya!" sigaw naman ng lahat.

Nauna nang naglakad sila Sofia at mga kaibigan nito, habang sila Trixie ay lumapit naman kay Tanch.

***

Nang bumulaga sa mga mata ni Tanch ang hanging bridge na iyon parang gusto na lang niyang maiwan.

Sa totoo lang, hindi talaga siya mahilig sa adventure, lalong-lalo na ang maglakad sa hanging bridge na kinakatakutan niya.

Ewan niya ba, hindi siya matatakutin pagdating sa eroplano pero pagdating sa mga ganitong klaseng adventure ay naduduwag siya.

Nang mga oras na iyon hindi naman maalis ang pangangatog ng kanyang mga binti dahil sa takot habang nakatingin sa hanging bridge na iyon.

"Naku! Kung alam lang nating meron pa lang ganito hindi na lang sana tayo tumuloy, e ayaw na ayaw pa naman ni Tanch 'to!" nagmamaktol na sabi ni Chezka nang makalapit sa kanya.

"Tanch, kaya mo ba?" nag-aalalang tanong ni Karen habang nakahawak sa braso niya.

"Hindi na lang ako sasama girls, e alam niyo naman hindi ko gusto ang mga ganyan," malungkot niyang sabi.

Hinawakan naman ni Trixie ang braso niya. "Tanch, ngayon ka pa ba hi hindi, e nandito na tayo? Ang layo kaya nang nilakad natin," namomoblemang sabi nito.

Lumapit naman si Sarah sa kanila at hinarap ang mga kaibigan niya. "Ako na ang kakausap sa kanya," nakangiti nitong saad.

"Ha? Sigurado ka?" halos sabay-sabay na sambit ng mga ito.

Napatingin naman siya kay Sarah.

Ano namang pakulo ng babaeng 'to?

sa loob-loob niya habang nakatingin sa mukha nito.

Nakangiting tumango lamang ito habang nananatili ang mga mata sa kaibigan niya.

Hinawakan ito ni Trixie. "Salamat Sarah ha? Sana ma push mo siya dahil kung hindi, mapipilitan talaga kaming bumalik," mahinang sabi nito saka tinalikuran na sila at nauna nang naglakad.

Napangisi naman si Chezka. "Goodluck Sarah!"

Nginitian ito ni Sarah.

Binalingan siya ni Karen. "Tanch, kaya mo 'yan! Please... huwag kang panghinaan ng loob, aasahan ka namin ha?" malumanay na sabi nito saka sumunod na kina Trixie.

Nang sila na lang dalawa ay hinarap siya ni Sarah.

"Tanch, sasamahan kitang tumawid diyan,"

nakangiting sabi nito.

"Salamat na lang pero, hindi ko talaga kayang tumawid diyan," malungkot niyang sabi habang nakatingin sa hanging bridge.

Sa hindi inaasahan ay hinawakan nito ang mga kamay niya, napatingin naman siya sa mga mata nito.

"Kakayanin mo dahil..."

alam kong matapang ka,"

nakangiting sabi nito.

"Magtiwala ka lang sa sarili mo at magtiwala ka sa 'kin Tanch, malalagpasan natin 'to. Pangako, pangako na kahit anong mangyari..."

hindi kita bibitiwan."

Sa narinig niyang iyon ay may kung anong kakaiba siyang naramdaman na hindi niya maintindihan...

iyong pakiramdamam...

na tila ba...

tila ba...

na panatag na lang ang loob niya?

Ilang minuto siyang nakatingin sa hanging bridge na iyon...

Kung titingnan nakakatakot naman talaga iyon lalo na kapag hindi ka sanay dahil parang sumasabay ang mga galaw niyon sa hangin.

Nabalik naman ang mga tingin niya kay Sarah, nang magtama ang kanilang mga mata ay tinanguan siya nito na para bang tinatanong nito kung...

Handa ka na ba?

Kinuha muna nito ang malaki niyang bag saka hinahawak ulit ang mga kamay niya at unti-unti siyang iginiya nito sa hanging bridge.

Sa pagtapak niya roon...

damang-dama niya ang mga paggalaw niyon na waring sumasabay sa hangin...

Sa pagtapak niya roon...

damang-dama niya ang mas lalong bumibilis na pagtibok ng kanyang dibdib...

napapikit na lamang siya nang mariin.

mas lalo namang naging mahigpit ng paghawak nito sa mga kamay niya...

mas lalo namang naging maingat ito habang umaatras na nakaharap sa kanya...

"Diyos ko Lord! Tabang!" kinakabahang bigkas niya.

pakiramdam niya'y sumasabay siya sa mga galaw ng hanging bridge...

pakiramdam niya'y nakalutang siya at sumasabay sa hangin...

Napangiti si Sarah nang marinig ang sinabi niya. "Nandito lang ako," sabi nito habang nakapikit siya. "Sabayan mo lang ako, malapit na tayo."

sobrang tagal nila sa ganoong posisyon...

mas lalo namang nangangatog ang kanyang mga binti...

mas lalo namang bumibilis ang pagtibok ng kanyang dibdib...

hanggang sa...

sunod-sunod na hiyawan ang kanyang naririnig...

"Omg! Nananaginip ba 'ko?" boses 'yun ni Chezka.

unti-unti siyang napadilat...

sa pagdilat niya'y...

sumalubong sa kanya...

ang tuwang-tuwang mga mukha nila Trixie.

"Just wow!" tuwang-tuwang na sambit na lang ni Trixie sabay apir kay Sarah.

"So proud of you Tanch!" parang maiiyak sa tuwang sambit ni Karen na napayakap na lang sa kanya.

Lumapit si Chezka kay Sarah. "Wow ha? Ang galing-galing mo! Pa'no mo nagawa 'yun?"

Mas lalong napangiti si Sarah.

Nakangiting nilingon niya ito...

sa paglingon niya'y nagtagpo ang nakangiti nilang mga labi...

sa paglingon niya'y nagtagpo ang waring nakatawa nilang mga mata...

Iyon...

ang kauna-unahang pagkakataon na muling nginitian niya ito...

Iyon...

ang kauna-unahang pagkakataon na nakalimutan niya ang problema niya rito...

"Hmm," si Chezka na napahawak sa sariling baba at tila malalim na napaisip habang nakatingin sa gitna nila ni Sarah.

Magkasabay silang napatingin ni Sarah sa tinitingnan nito...

ngunit para lang makaramdam ng hiya...

nang makitang nanatiling magkahawak...

ang mga kamay nila sa isa't isa.



Hello mga Lablab, mababasa niyo lamang po ang karugtong ng kwento sa ating YouTube Channel: Tagalog Love Stories MS

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon