HUBAD NA KATOTOHANAN

614 12 0
                                    

Araw ng linggo, nagising si Tanch habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

Ramdam niya ang medyo nananakit at inaantok pang ulo kaya napagpasiyahan niyang matulog na lang ulit, napayakap naman siya lalo sa mahabang unan...

"Hmm..."

Narinig niyang daing mula sa...

UNAN!!!???

Nanglaki ang kanyang mga mata lalo na nang biglang bumalikwas sa harap niya ang katabi niya sa kama.

Kasabay nang pagbalikwas nito ay napadilat at nagtama ang kanilang mga mata.

"Ah, hi! Gising ka na pala!" nakangiting salubong ni Sarah sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" gulat at naglalakihan ang mga matang tanong niya rito.

"Anong ginawa mo sa 'kin? May nangyari ba sa 'tin?" kinakabahan niyang sabi sabay tingin sa sariling hubad na katawan na natatakpan ng kumot.

Parang binuhusan nang malamig na tubig na napatayo na lamang siya sabay hila sa kumot para takpan ang hubad niyang katawan.

Gulat na gulat naman ito sa kanyang mga sinabi, napalutang na lamang sa ere ang dalawang mga kamay nito. "Wait, magpapaliwanag ako!" natatarantang sambit nito.

"Ni rape mo 'ko!!!??? Ni rape mo 'ko!!! Ni rape mo 'ko!!! Tulong!!! Tulong!!!" paulit-ulit niyang sigaw habang tumitili.

"Hindi!!! Hindi!!!" natatarantang lumapit ito sa kanya.

"H'wag kang lalapit! H'wag kang lalapit!" naiiyak niyang sigaw. "Umalis ka! Umalis ka!"

"Hindi! Mali ang iniisip mo Tanch!" napahawak na lamang ito sa sariling noo. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kong bakit nakahubad ka! Hindi ko alam dahil lasing na lasing ka kagabi! Natulog lang naman ako..."

walang nangyari..."

Ang kanina'y nanglalamig niyang balat ay napalitan ng init...

INIT

dahil sa sobrang hiya.

Napayuko na lamang siya, hindi siya makatingin dito ng diretso.

Nagmamadali namang nag-ayos si Sarah sa sarili, bakas din sa mukha nito ang sobrang hiya sa nangyari.

"Sige Tanch, mauna na 'ko, pasensya ka na kung nadatnan mo 'ko rito sa condo mo," iyon lang saka kinuha na nito ang sariling sling bag at iniwan na siya.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman...

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin...

***

Maagang dumating si Tanch sa PAL, hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa nasabi niya kay Sarah. Hindi niya maiwasang ma konsensya dahil sa maling paratang niya rito.

Ilang sandali pa, nakita niya si Sarah na kakarating lang. Kung dati ay binabati siya nito, ngayon ay tinapunan lamang siya nito ng tingin.

Sunod niyang nakitang pumasok sila Trixie, nasa malayo pa lang ang mga ito ay lagpas hanggang tainga na ang mga ngiti nito.

"Good morning Tanch!" salubong ni Trixie nang makalapit ito sa kanya. "Kumusta?" nakangising tanong nito sabay upo sa kalapit niyang upuan.

"Kumusta kayo ni Sarah G? Nakapag-usap na ba kayo?" nakangising tanong naman ni Chezka.

Nilingon niya si Trixie. "Ano bang nangyari no'ng isang gabi? Nagising na lang ako, katabi ko na si Sarah!" magkasalubong ang mga kilay na tanong niya.

"Oh! It's a sign of good news!" humagalpak ito ng tawa sabay takip sa bibig. "So, okay na kayo?"

"Anong okay?" napahilamos siya sa sariling mukha. "Alam niyo, hindi ko alam kung anong tumatakbo diyan sa isipan ninyo! Bakit niyo ba ginagawa 'to sa 'kin?" inis niyang tanong.

Nang makita ng mga itong napipikon na siya ay sumeryoso na rin ang mga ito.

"Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa kanya?" nagtatakang tanong ni Trixie.

Hinawakan ni Karen ang kamay niya. "Tanch, alam mo bang ang bait-bait ni Sarah, siya pa mismo ang nag-offer na samahan ka," malumanay na sabi nito. "May emergency kasi sa 'min, sina Trixie naman hindi pwedi kaya hindi ka namin nasamahan."

"Kaya dapat magpasalamat ka kay Sarah, e kilala ka pa naman namin kapag lasing ka," dugtong naman ni Chezka.

Sa narinig niyang iyon ay unting-unting nabura ang inis sa kanyang mukha.

"Ayan kasi, hindi muna nagtatanong bago magalit," nagpailing-iling na sambit na lang ni Trixie.

Mas lalo naman siyang nakonsensya sa nasabi niya kay Sarah.

Hay Tanch! Bakit mo ba nasabi 'yon? E, ang bait-bait no'ng tao!

sa loob-loob niya.

Tama lang 'yung sinabi mo! 'Di ba siya ang dahilan kung bakit nasira ang mga pangarap mo?

Siya ang dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang pamilya mo!

pagbawi naman ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Tama, hindi dapat ako makonsensya! Well, it's not my fault kung napagkamalan ko siyang rapist!

sa huli, ang inis at galit pa rin ang nanaig sa kanyang dibdib.

***

Naglalakad na sila Tanch sa hallway.

Sa tuwing sila'y naglalakad ay parating nasa gitna silang dalawa ni Trixie, nasa kaliwang bahagi nito si Chezka habang nasa kanang bahagi naman niya si Karen.

Tinagurian na nga silang "F4" dahil parati silang magkakasama at kilalang isa sa mga nangungunang may matataas na marka sa tuwing may exams sila.

Habang nagtatawanan at nagkukuwentuhan ay may nakasalabong silang ilan sa mga kasamahan nila sa training.

"Hi F4!"

"Haha! Sira!" halos sabay-sabay na sambit nilang apat.

"This coming weekend pala pupunta kami ng Laguna, sama kayo?" nakangiting aya ni Sofia.

"Wow! Laguna! Anong meron sa Laguna?" nakangiting tanong ni Trixie.

"Well, death anniversary kasi ng lola ko at dahil holiday naman, so... ayon nag-invite na ako ng friends. Pupunta rin kasi kami do'n sa falls malapit sa 'min, baka lang gusto niyong sumama!" excited nitong pahayag.

"Ay Bes! Gora ako diyan!" excited namang tugon ni Chezka. "Pwede ba magdala ng boyfie? Hahaha!" tatawa-tawang sambit pa nito.

"Sure! Pwede!" nakangiting sabi nito. "Para naman may kasama tayong lalaki."

"Naku Trix kayo na lang, alam mo na," kontra agad niya nang matuon ang mga mata nito sa kanya.

"Hay! Naku! Kahit kailan talaga ang kj mo!" nagpailing-iling na sambit ni Chezka.

"Sumama na tayo, minsan lang naman eh!" sabi ni Karen sa kanya na pinisil-pisil pa ang siko niya.

"Don't worry Tanch ininvite ko rin si Sarah!" nakangiting dagdag ni Sofia. "And guess what?"

Inilibot nito ang mga mata sa kanila. "Sasama siya!"

Pati ba naman ikaw?

inis na sambit sa loob-loob niya habang nakatingin dito.

Hindi na talaga niya maintindihan kung bakit parati na lang silang tinutukso ni Sarah.

Hay! Kailangan ko na talagang sabihin 'to kina Trixie! Hindi na maganda 'to! Ginagawa na nila akong tomboy!

dagdag pa ng kanyang isipan.

"Girl, join na kami diyan! Kami na bahala kay Tanch!" nakangising sambit ni Chezka na hinawakan pa ang magkabila niyang balikat.

"Sige! Bye! Tawagan na lang ha?" sabay turo at kaway sa kanila.

Nakangiting nagsitanguan naman ang tatlo habang siya ay nagpailing-iling na lang.

"So ang mangyayari magkakasama na naman kami ni Sarah? Diyos ko! Wala na bang kataposan 'to?"

nangungunot ang noong sambit na lang niya habang nakatingala sa buwan.

Laglag ang mga balikat na napasunod na lamang siya sa mga kaibigan.

***

UMAGA

Maagang nagising si Sarah, excited kasi siya nang araw na iyon dahil inimbitahan siya ng kanyang batchmate na sumama sa probinsya nito.

Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na gising na siya at inaayos na lang niya ang mga gamit na dadalhin niya.

Ilang sandali pa, ay sunod-sunod na busina ng sasakyan ang naririnig niya sa labas ng bahay, tanda na nasa labas na ito.

"Sarah, nasa labas na 'yung kaibigan mo," wika ni Jacob matapos kumatok sa nakabukas ng pinto ng silid niya.

"Ah, sige Kuya! Paalis na rin naman ako," nakangiti niyang sabi.

"Mag-iingat ka do'n ha? Ang likot-likot mo pa naman!" nakatawang sambit nito habang humihigop ng kape.

"Opo Kuya," malambing niyang tugon sabay suot ng sumbrerong kinuha lang niya ng walang paalam sa Kuya niya.

Napangiti naman ito, matapos niyang halikan ito sa pisngi ay tinungo na niya ang kusina para magpaalam sa mga magulang niya.

Nakangiti at excited na excited na siyang lumabas ng bahay.

Nang makita niya ang kotse ay awtomatikong napakunot ang kanyang noo...

lalong-lalo na nang makita niya ang nakasakay roon.

"Tanch?"

Ibinaba nito ang bintana ng kotse at sumalubong sa kanya ang walang ka ngiti-ngiting mukha nito habang nakasuot ng black sunglasses.

Kahit naka suot na ito ng sunglasses ay kitang-kita niya pa rin ang ma arkong mga kilay nito, waring nakapako na ata iyon dahil parating magkasalubong.

"Ano? Titingin ka na lang ba diyan o sasakay ka?"

masungit na tanong nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Dahil sa narinig niyang iyon ay nakaramdam siya ng inis.

Aba! Siya pa ang may kasalanan, siya pa ang may ganang magsungit!

sa loob-loob niya habang nakatingin dito.

Hindi niya ugaling mainis, pero sa puntong iyon hindi na niya mapigilan.

"Opo... sasakay na po," pilosopo niyang sabi sabay punta sa front seat at inilagay sa likod ang mga dala niyang gamit.

Gustuhin man niyang magtanong kung bakit ito ang sumundo sa kanya ay mas pinili na lang niyang manahimik.

Sa isip niya, baka saan pa mauwi ang usapan nila, tahimik na napakibit-balikat na lamang siya saka nakanguso na ibinaling na ang mga mata sa labas ng kotse.

Kapagkuwan ay muntikan na siyang masamid nang bigla nitong pinaharorot ng mabilis ang kotse.

Inis na binalingan niya ito ngunit nanatiling nakatuon lang ang mata nito sa daan, blangko ang mukha nito.

Nananadiya lang!!!???

sa loob-loob niya saka inis na ibinalik ulit ang mga mata sa daan.

***

Habang nasa byahe ay tahimik lamang si Tanch, nakikiramdam siya sa bawat galaw ng kanyang katabi.

Napagkasunduan nilang magkakaibigan na magkikita na lang sila sa lugar kung saan mas mapapadali ang kanilang byahe.

Siya ang naatasan ni Trixie na sumundo kay Sarah dahil madadaanan lang naman niya ang bahay nito, hindi na rin siya kumontra dahil ito ang susundo kina Chezka at Karen.

Nang nasa byahe na sila ay isang nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa kanila ni Sarah, dahil medyo awkward na sa pakiramdam niya ay napagpasiyahan niyang i-on ang maliit niyang stereo.

Malalim na napabuntong-hininga siya hanggang sa hindi na siya nakatiis na kausapin na ito. "Sorry pala about..."

the other day."

Sambit niya sabay sulyap dito ngunit para lang mapasimangot nang makitang nakatulog ito.

Inis na ibinalik na lang niya ang mga mata sa daan saka nagpailing-iling na lang.

Hay! Buti na lang nakatulog siya! Hindi ko dapat sinabi 'yun!

Hindi!

sa loob-loob niya.

Ilang oras pa ang dumaan nang narating na rin nila ang lugar kung saan kanina pa naghihintay sila Trixie.

Eksakto namang paghinto niya ng kotse ay nagising na si Sarah. Nang makita naman sila ni Trixie ay lumapit ito sa kanya sa driver seat.

"Oh? Nasa'n sila Sofia?" bungad niya rito nang makalapit ito.

"Nauna na, ang tagal niyo eh!" nakangiti nitong sagot.

"What do you expect? Alam mo namang traffic ngayon dahil holiday," walang ka ngiti-ngiting sagot niya.

"Ay! Ang sungit, may dalaw lang 'te? Hahaha!" inilipat nito ang mga mata kay Sarah. "Hi Sarah!"

"Hi!" nakangiting bati nito.

"Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito?" nakangusong tanong niya rito.

"Okay! Let's go!" sigaw nito saka pumunta na sa sariling kotse.

Nang nakasakay na si Trixie ay nakangiting kinawayan naman sila nina Karen at Chezka.

Tinanguan lamang niya ito habang si Sarah ay nakangiting kinakawayan din ang mga ito.

Ilang sandali pa, bumyahe na rin sila papunta ng Laguna.

Dalawang oras din halos ang itinagal nila sa byaheng iyon.

Sa loob ng byaheng iyon ay nanatili naman silang tahimik ni Sarah, hanggang narating na rin nila ang probinsya nila Sofia.

Kung bibilangin ay nasa walo silang magkakasama. Ipinark na muna niya ang kotse saka ibinaba mula sa compartment ang mga gamit niya.

Dahil may pagka kikay ay hindi nakakapagtaka kung bakit marami siyang dalang gamit. Hindi naman niya inaasahan ang paglapit ni Sarah na hinawakan bigla ang handle ng maleta niya.

"Ako na ang magdadala nito Tanch," nakangiting boluntaryo nito.

Hinawakan naman niya ang handle ng maleta. "Ah! Okay lang, salamat na lang pero kaya ko na 'to!" sabi niya sabay bawi ng maleta.

"Sige na, para naman makabawi ako sa 'yo," nakangiti nitong saad.

Hay! Nakakainis! Bakit ba ang bait-bait niya?

sa loob-loob niya. "Hindi, okay lang talaga, 'wag mo na 'kong intindihin."

"Sigurado ka?" napatingin ito sa daan papunta sa bahay nila Sofia na nasa rurok pa at kailangan pang akyatin. "Baka abutin ka ng umaga niyan kung ikaw lang mag-isa ang magdadala ng mga 'yan."

Hinagilap niya sila Trixie ngunit nakangiting kinakawayan lamang siya ng mga ito.

At nauna pa talaga ang mga hinay*pak! Kahit kailan talaga!!! Hmp!!!

Naiinis niyang sambit sa isipan.

Pinagmasdan niya ang daan patungo sa bahay nila Sofia, medyo makitid at matayog nga iyon at tiyak na mahihirapan siya.

Nabalik naman ang mga mata niya kay Sarah na kanina pa naghihintay sa sagot niya.

"Ano? Tulungan na kita?" tanong nito.

kasunod no'n ang matatamis nitong mga ngiti sa labi.

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon