Gusto ko ng mamatay.
Nakulong ako sa sitwasyon na 'to dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay.
21 years old pa lang ako pero may anak na ako- oo, nabuntis ako ng maaga. Hindi ako nakapag tapos ng pag aaral. Wala na akong mga kaibigan at hindi na ako masaya.
Sobrang nai-ingiit ako sa iba.
Gusto ko rin mag aral kagaya nila. Gusto ko rin magtapos. Gusto ko rin gumala. Gusto ko rin sumaya. Gusto ko rin abutin ang mga pangarap ko.
At gusto kong lumaya!
Gusto kong makawala sa araw-araw na pag aalaga ng bata, sa araw-araw na pakikisama sa mga magulang ng kinakasama ko. Sa araw araw na puro murahan at sigawan ang naririnig ko. Sa araw-araw na kailangan kong ngumiti kahit hindi naman ako masaya para lang sa pakikisama. Sa araw-araw na kailangan kong bumangon. Sa araw-araw na kailangan kong magpatuloy, kahit ayoko na.
Pero wala akong magawa, kasi lahat naman ng 'to ay kasalanan ko. Wala namang pumilit sakin sa mga pasya ko.
Wala namang nagsabi sakin na "Hoy! Huminto ka sa pag aaral tapos magpabuntis ka!" o kaya "Mag asawa ka nang maaga, ha?" Naging padalos dalos ako.
At ngayon hindi na ako masaya, ni hindi ko tanggap ang sarili ko. Nagkamali ako!
Gusto ko na lang ibenta yung kaluluwa ko sa demonyo para maayos ko lahat ng 'to.

YOU ARE READING
See You at 22:00
RomanceGusto ko na lang ibenta yung kaluluwa ko sa demonyo para maayos ko lahat ng 'to.