Part 1

27 2 0
                                    

Ayokong sumuko.

Pero ayoko rin namang makulong dito habang buhay. Marami akong pangarap! Marami akong gustong marating. Marami akong gustong mangyari sa buhay ko. Kulang na kulang lahat ng nagawa ko na para mapatunayan ko ang sarili ko sa iba.

Lahat ng 'yon natapon ko dahil sa mga maling ginawa ko.

Umaga na naman! Walang umagang magigising ka ng masaya. Walang umaga na magigising ka ng kusa.

Palagi kang magigising sa tunog ng iyak. Sa responsibilidad -na magpapa alala sayo kung nasaan ka ngayon. Na may anak ka na.

Bente uno anyos pero may anak na!

Nakatira ako sa bahay ng pamilya ng kinakasama ko. Sa kwarto nila- Katabi ang anak ko na umiiyak agad pagka gising nya.

Pag mulat pa lang ng mata mo pagod ka na. Pag dilat mo pa lang may aasikasuhin ka na. Hindi matapos tapos na pakikisama!

Napapagod na ako! Nasasakal na ako! Gusto ko ng matapos yung paghihirap ko!

Sana pwedeng sumuko na lang. Sana pwedeng tapusin ko lahat ng 'to sa isang iglap.

Pwede naman diba? Pwede naman yata.

Gusto kong isipin yung magiging kalagayan ng anak ko pero paano naman ako? Hanggang dito na lang ba ako?

Kahit naman buhay ako hindi pa rin ako umuusad. Parang nasa iisang araw lang ako. Continuation lang ng isang araw yung susunod pang araw. Hindi ako makatapos. Hindi ako maka abante. Hindi ako makagalaw.

Nabubuhay lang yata ako para sa kanila. Hindi ba pwedeng ako naman?

Nakakaramdam ako ng napaka bigat na pressure dahil sa murang edad pa lang ng kinakasama ko babawiin nya na dapat ang buhay nya kung hindi nya ako nakilala at hindi kami nagka anak. Parang ako yung naging tagapag ligtas nya. Pero paano naman ako? Sinong magliligtas sakin dito?

Gusto ko ng kumawala dahil wala na akong nararamdamang pagmamahal para sa kanya pero hindi ako makaalis.

Una, dahil sa anak ko at pangalawa dahil natatakot akong magpakamatay na talaga sya. Hindi na din maganda ang pagsasama namin. Hindi na nya ako mairespeto. Sobrang hindi na maganda yung ugali nya. Sigawan, murahan, at hindi pagkakasundo sa halos lahat ng bagay. Hindi ko na kayang magtiis pa!

Buhay pa ako pero pakiramdam ko nasa impyerno na ako.

Napilitan na akong bumangon. Nilingon ko ang anak ko sa aking kaliwa na todo ang iyak.

Magpapatahan na naman ako. Hindi matapos-tapos ang pag aalaga ko para sa kanila. Sana magkaroon din ako ng oras para alagaan ang sarili ko. Ni hindi man lang ako makapag hilamos, suklay o maayos ko man lang yung panget na muka ko araw araw. Ni hindi pantay ang kulay ko. Hindi ako katangkaran. Hindi rin ako maputi. Sobrang malas ko sa pisikal na itsura. Malas na nga sa buhay, malas pa sa muka.

Pagbangon ko naka handa na ang almusal ng anak ko na niluto ng magulang ng kinakasama ko. Nilagang itlog na dinurog ang ipapakain namin sa kanya ngayong umaga. Hindi naman araw-araw ganyan ang pagkain nya, sadyang wala lang kaming pera ngayon. Malas!

Alam ko dapat maging masaya ako kasi may anak ako na dapat dahilan ko para magpatuloy pero wala. Hindi ko mahanap yung saya. Hindi ko makuha. Nilalamon ako ng sobrang pagsisisi.

Hindi ko na kaya. Sobrang tagal ko ng hindi kaya pero dati lumalaban pa ako. Ngayon, pagod na pagod na pagod na talaga ako sa mga nangyari sa buhay ko.

Kinuha ko na ang puti kong tsinelas at sinuot. Hindi na ako nag abala na mag bra o mag ayos ng damit. Basta lumakad lang ako palabas ng bahay.

Lakad lang

See You at 22:00Where stories live. Discover now