Part 2

18 1 2
                                    

Unti- unti kong dinilat ang mga mata ko. Para akong nasusuka sa hilo at baho. Para akong inilagay sa isang garapon at inalog alog hanggang manlambot ako na parang saging.

Sobrang sakit ng ulo ko! Pero hindi ko yata dapat isipin muna ang sakit ng ulo ko dahil sa nakikita ko.

Hindi ako makapaniwala!

Pamilyar na lugar.
Pamilyar na amoy.
Pamilyar na mga estraktura, at mga tao yung nasa paligid ko.

Hindi ako pwedeng magkamali! Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan noong dalaga pa ako!

Grade 9 yata ako nung nagsimula akong mapadpad lagi sa lugar na ito.

Madilim pa rin ang gabi kagaya kanina nung naglalakad ako papunta sa building na tatalunan ko.

Teka?

Tumalon nga pala ako.

Dapat patay na ako!

Pero bakit nandito ako ngayon sa madilim na parte pagtawid ng kalsada - sa tapat ng 7/11 dito sa lugar na kinalakihan ko?

Nasa Dasmariñas ako nung tumalon ako pero ngayon nakabalik ako ng San Pedro?

Ibig sabihin totoo?! Totoo na binigyan nya ako ng pagkakataon kapalit ng posisyon nya pag namatay na ako.

Nararamdaman ko ang lamig ng hangin hanggang sa loob ng katawan ko. Wala nga pala akong bra! Naka tsinelas pa rin ako na puti. Short na kulay itim at dilaw na t-shirt.

Pero iba yung pakiramdam ko sa katawan ko. Napatingin ako sa mga kamay ko at sobrang takang taka ako dahil iba yung kulay ko! Nognog lang ako pero parang mestiza na yata ako?!

Dinampi dampi ko ng palad ko ang katawan ko. Pakiramdam ko mas mahubog ngayon ang katawan ko. Mas lumaki rin ang dibdib at pwet ko! Humaba at naging paalon na kulot ang buhok ko!

Kinapa ko pa ang mukha ko at sobrang laking pasalamat ko ng makapa ko na matangos na ang ilong ko!

OJUSKO!

Hindi yata ako to!

Pero alam kong ako to!

Litong lito na ako!

Nagmumukha na akong tanga dito dahil may ibang napapalingon sakin habang kinakapa ko ang sarili ko!

"Miss ako din pakapa!"

Sabi ng tricycle driver habang dumadaan ang sasakyan nya sa tapat ko.

Malakas ang loob mangbastos dahil alam nyang hindi mababalikan kasi naandar sya. Kupal!

Hindi ko muna binigyang pansin yung nambastos sakin dahil hindi ako makapaniwala sa katawan ko.

Ang panibagong tyansa na to, kapalit nang kaluluwa ko sa impyerno na habang buhay na magta-trabaho.

Humakbang ako ng konti palapit sa liwanag na nanggagaling sa poste ng ilaw sa kalsada. Gusto ko sanang tignan kung mapapaso ako sa liwanag ng ilaw na parang bampirang nailawan pero nagmuka na naman akong tanga dahil hindi pala ako ginawang bampira. Wala akong pangil na nakakapa. Hindi ako mabilis kumilos! Wala! Walang senyales ng pagkabampira!

Sadyang panibagong pagkakataon nga lang siguro sa bagong mukha.

Napalingon ako sa repleksyon ko sa tapat ng salaming bintana ng 7/11 katabi ng gate ng subdivision dito sa lugar namin.

Bumata yata ang itsura ko sa palagay ko dahil lumiit ako.

Odikaya?! Totoo ang sinabi nyang ibabalik nya ako sa panahon kung saan nagsimula ang pagbabago ng buhay ko?!

Gamuntik akong masagasaan ng mga tricycle sa kalsada dahil sa pagmamadali kong tumawid papunta sa 7/11 kung saan may pinakamalapit na tao na nakaupo sa labas ng convenience store.

Paglapit ko pa lang ay naamoy ko na agad ang pabango nya.

Amoy lalaking gwapong kaya kang ipaglaban!

Nakatingin sya sa direksyon ng isang kulay itim na motor kaya kinalabit ko sya at tinanong kung anong oras na.

"8:05"

Maikling sagot nya nang hindi pa din lumilingon man lang sa gawi ko.

Alas syete yata ako nakarating sa hotel de dasma kanina.

Lumayo na ako sa gawi ni kuya. Hindi ko alam ngayon anong sunod kong gagawin? Uuwi ba ako sa bahay namin? Paano kung hindi ako makilala sa bahay namin dahil iba ang itsura ko? Paano kung galit pa rin sakin sila mama dahil nabuntis ako ng maaga.

Sandali akong nawala sa iniisip ko ng maagaw ng atensyon ko ang poster sa 7/11. Ice cream ang litrato pero hindi ayun ang kinababahala ko. May nakasukat na taon sa ilalim na 2015?!

2015?!

2021 ngayon.

2020 ko pinanganak ang anak ko at 1 taon na sya ngayon. 2015 na taon nagaaral pa lang ako nun ng high school!

Halos madapa ako sa pagmamadali kong lumapit kay kuyang mabango.

"Kuya?! ANONG DATE NGAYON?!"

Napatingin sakin si kuya ng nakataas ang kilay dahil sa pagsigaw ko sa kanya.








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

See You at 22:00Where stories live. Discover now