"Drew!!! Drew!!! Teka lang ! Hintay naman oh." sigaw ko kahit na hingal na hingal na ako dahil sa kakatakbo ko para lang maabutan siya. Pero kahit anong sigaw ko sa pangalan niya ay hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Aish! Kainis namang buhay to! Kung hindi ko lang talaga siya mahal... Huminga muna ako malalim at nagsimula na naman akong tumakbo palapit sa kanya.
"Andrew Jullian Marquez! Haay.., finally, naabutan din kita" sabay lingkis ko sa makikisig niyang braso. I can clearly feel his biceps with my hands. Ang sarap siguro sa feeling pag nakayakap ang mga braso nya sa'kin habang nanunuod kami ng sunset...that's my most wanted dream though. Haha landi ! But all my illusions were gone when he hastily removed my hands from his arms. "Back off" he said as he glared at me. Pero di ako natinag sa mga titig niya kahit na parang papatayin na niya ako - well, iyon naman talaga ang gusto niya mangyari in the first place.
"Wow ha ! Ang effort kong tumakbo para lang maabutan ka tapos gaganyanin mo lang ako. H'wag ganun Drew, nakakasakit ka na eh." mahabang litanya ko sabay hawak sa dibdib ko as if nasasaktan.
"Pwede ba, huwag kang OA. At sino ba kasing nagsabi sa'yo na sundan mo ako. I'll tell you something and you better listen.. Kahit na ano pa ang gawin mo , hindi mo mapapalitan si Senna sa puso dahil magkaibang-iba kayo.. Alam mo kung bakit? Kasi ang ate mo hindi selfish at brat na katulad mo, kaya pwede ba tigilan mo na ako?" I was dumbfounded by his words. "I hope that this will be the last time that I will be seeing you" yun ang huli niyang sinabi at umalis na naman. Iniwan na naman niya ako without even giving me a chance to say something about my ate's death.
Pumunta ako sa isang bench sa likod ng university namin where I usually went, especially when I have problem or I'm not feeling well, kahit na nanghihina pa ako dahil sa sinabi niya. Pinigilam ko ang pag-iyak kahit na gusto nang tumulo ng mga p*st* kong luha.
I am just spacing out and just staring to a certain spot pero feeling ko wala naman talaga akong nakikita. Suddenly, all the memories from the past keep on flashing in my mind.
Bakit nga ba naging ganito ang lahat?
BINABASA MO ANG
Back off ! You're not Her..
Ficción GeneralThis is not a story so don't read it.. :)