Chapter 2:
Nandito ako ngayon sa garden, dito lagi akong namamalagi kapag may iniisip ako.
Umupo ako sa duyan para naman makapaglibang libang.
"Hay ano ba ang dapat kong gawin?"
"Ano nga ba ang dapat mong gawin?"
tumingin ako dun sa nagsalita..
(O/////////////O) Oh god!!
"Ang cute mo namang mamula ^__^" sabi nya..
speechless..
(0×0) hindi ako makapag salita dahil sa sobrang nyerbyos na nararamdaman ko.
"Oh bakit hindi ka nagsasalita? Pipe kaba?" sabi nya habang hinahangin ang kanyang magandang buhok
kung alam mo lang kung bakit ako hindi makapagsalita. Dahil lang naman saiyo dahil sa tuwing nakikita kita parang humihinto ang mundo ko.
"May sakit kaba?" tanong nya muli sakin.
Ou may sakit ako Lovenat. Kailangan nya ng yakapsul at kisspirin para gumaling. Pero ang mas mabisang gamot sa lahat ang mahalin mo ako.
tumingin sya sakin..
"Namumula ka parin. Inlove ka ba? kanino? sa--"
"naku nagkakamali ka hindi ako inlove saiyo" sabi ko sa sobrang pagkataranta.
Pwew!! (=0=!) sana naman effective ang palusot ko. Wala pa sa plano ko ang magtapat ng nararamdaman ko sakanya NGAYON!!.
"hahaha masyado ka namang defendsive. Di mo pa pinatapos ang tanong ko. Ang itatanong ko bale kung may gusto ka sa*pause* kaibigan ko si carla"
Ang cute naman nya tumawa. Ano ba ang date ngayon? Ang swerte ko kasi nakasama ko ang babaeng mahal ko tapos magkatabi pa kami. Kahit may pagitan ang duyan namin ayos lang kasi nakakausap ko sya. Ang sarap kapag kasama mo ang taong mahal mo. Sana huminto ang oras please lang po patagalin nyo kahit konti lang po.
"Alam mo ba silent means yes" sabi nya ulit.
nagtatanong ba sya kung tama ang kasabihang silent means yes?
"oo"
"O____O ano?! sabi ko na nga ba e may gusto ka kay carla" sabi naman nya.
"Ahh oo..
ANO?! O___O naku nagkakamali ka ng intindi.. wala akong gusto kay carla nagkamali lang ako ng sagot. Marami kasi akong iniisip"
"Ahh ganoon ba? sayang naman. Hay!! pero napansin ko nga malalim ang iniisip mo. Ano ba ang iniisip mo?"
"ikaw"
"Ako?"
Ay ang tanga mo talaga paul ikaw na ang hari ng mga tanga, sablay, at torpe.
"Naku hi- hindi"
"Ahh buti naman akala ko ako na ang problema mo e. Hahaha ^_^ buti nalang talaga"
ang cute nya talagang ngumiti nakaka inlove. Ang cute ng mga dimples nya kasing cute nya.
"Ahh paul bakit may dala kang story book para saan yan?"
wait tinawag nya ako sa pangalan ko totoo ba yun? Oh heaven tinawag ako ng mahal ko sa pangalan ko. Yehey!! I Love you na lord!! kilala nya ako kilala nya ako. Kahit nagmumukang bakla ako ayos lang basta mailabas ko ang saya ko dahil kilala nya ako.
"Kilala mo ko?"
"Oo naman no"
Totoo nga kilala nya ako. Yehey!! ang saya ko talaga.
"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kaibigan ng apo ng may ari ng school diba"
BANG!! iyun naman pala yun e.
Masyado ka kasing assuming paul. Ang sakit naman mas masakit pa ito kapag binasted ka. Kasi nag assume ako tapos hindi naman pala.
"a- o-oo ta- tama he - hehehe"
"hindi mo pa sinasagot ang tanong ko"
"huh? may tanong kaba?"
Ano ba yung tanong nya. Ano ba yan sa sobra kong pagkabigo hindi ko na napansin ang mga sinasabi nya hay!!
"sabi ko bakit ka may dalang story book"
"Ahh ito ba?--"
"Oo, iyan lang ang story book dito di ba?"
ahh binara nya ako. May galit ba sya sakin?
"hahaha ang cute naman ^_^ joke lang yun. hahaha so bakit ka ngang may dalang story book?"
sasabihin ko ba na mahilig akong magbasa ng fairy tale? baka naman isipin nya na bakla ako. Baka pagtawanan pa nya ako. Nakakahiya sa isang lalaki na katulad ko malalaman na nagbabasa ng fairy tale at naniniwala sa happy ending. Tapos baka isipin nya na ginamit ko lang ang apo ng may ari ng school para maitago ang tunay na ako. Naku ayaw kong mangyari yun.
Ano kaya ang pwedeng maging palusot ko? baka pwede kong sabihin na napulot ko lang..
"Hoy!! tulala ka na naman dyan"
Baka hindi sya maniwala sakin. What if sabihin ko na may nag abot sakin waaahhh!! hindi rin.
"hey paul?"
Ganito nalang wag ko nalang sayangin ang pagkakataon ngayon. Magtatapat na ako ng tunay kong nararamdaman, sasabihin ko na sa kanya na matagal ko na syang mahal. Tama nga kahit hindi ko pa ito napaghandaan ayos lang.
"rhianne--"
"Oh my god kilala mo ako?"
"Oo naman sino ba naman ang hindi makakakilala kay rhianne marasigan e sikat na sikat ka sa school"
Si rhianne marasigan ang first love ko. Ang gusto kong maging princessa sa gagawin kong storya. At sya ang gusto kong maging ka-happy ending ko.
"Ahh ganon ba? ha- hahaha"
bakit parang nadismaya sya? hindi kaya? hay naku paul wag na ulit maging assuming baka tumalon ka na sa bangin sa sobra mong pag aassume.
"Ah rhianne I have something to tell you"
"ano naman yun"
"ano.. ah ano.. I.. Lo--"
"rhie!! si maam maricel tinatawag ka"
(°_°) BAKIT BA ANG DAMING SAGABAL SA MUNDO?!! HINDI BA PWEDENG LUMIPAT MUNA SILA SA IBANG PLANETA PARA NAMAN MAKAPAGTAPAT NA AKO??
"Ay oo nga pala paul may kailangan pa akong asikasuhin sige aalis na ako" sabi ni rhianne.
Naku!! hindi ko pwedeng ipag pabukas ang sasabihin ko. Kailangan ngayon na, ngayon ako may lakas na loob na sabihin sa kanya baka bukas wala na.
"AH saglit lang rhianne may importante pa akong....
sasabihin saiyo" Sabay yuko..
Wala na..
Tumakbo na sya paalis.. Palayo sakin bakit ba ang hirap nya abutin nakakayamot. Sumuko nalang kaya ako? Pero sa story ni Little mermaid kahit na magkaiba sila ng taong mahal nya. Kahit na ang layo nila sa isa't isa ay nagawa pa rin nya na magkalapit silang dalawa kahit na ang kapalit nito ay ang kanyang mga tinig. Nag sakripisyo sya para lang magkalapit sila, ginawa nya ang lahat. Dapat ganoon din ako, HINDI SUMUSUKO DAHIL ANG PAGSUKO AY PARA NARIN NAG PAKAMATAY!!
"RHIANNE I LOVE YOU!!!!" sigaw ko baka sakaling marinig nya tinig ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Property of:
SBTM:))
BINABASA MO ANG
I want a happy ending with you..
RomanceDo you believe in Fairy tale? How about The world of fantasy where you can find your happily ever after? Will you sacrificed everything even your life for the sake of love? Is there really an happy ending or it is just an illusion? Every fairy ta...