I want a happy ending with you..

4 0 0
                                    

Chapter 3:

*krriiiiinnnggg*

"ok class dismissed, miss marasigan maiwan ka may importante ka pang gagawin" sabi ni maam maricel.

Ay bago ko makalimutan. Klassmate ko si rhianne marasigan. Ever since elementary ay klassmate ko na sya.

"opo maam" sabi ni rhianne

Ay uwian na pala ang bilis naman ng oras. Mag paiwan nalang kaya ako dito para masamahan ko rhianne baka ito na ang chance ko para maka pagtapat na sa kanya.

"ah rhianne pwe--"

"Rhianne dito muna ako sasamahan muna kita dito" sabi ni laurence ang mangliligaw ni rhianne.

"Oh sige wala rin naman akong kasama e" sabi ni rhianne.

Naunahan ako. Ang bagal mo kasi paul napaka bagal mo talaga kahit kailan. Tingnan mo naunahan ka wala ka talagang kwenta kahit kailan.

"Ah paul may sasabihin ka?" tanong ni rhianne.

"Ako? naku wala sige alis na ako bye" sabay yuko at umalis na sa room.

Pumunta ako sa garden. At umupo sa may duyan. May nakita akong gitara sa may ilalim ng puno. Pumunta ako para tingnan yung gitara. May nakalagay na note.

note: pwede ninyong gamitin ang gitarang ito pero please wag nyong sisirain. Salamat:))

Huh? tumingin ako sa paligid wala naman tao. Wala nga yatang pumupunta dito maliban sakin at kay....

Rhianne.

"Hay gitara pwede gamitin muna kita kakantahin ko lang yung paborito kong kanta."

Ayss ano kaba paul ang sira na talaga ang utak mo tss. Pati banaman gitara kinakausap mo tsk malala na sakit mo.

dinala ko ang gitara sa may duyan at iniayos ko. Wala kasi sa tono.

Nang matapos ko nang ayusin ay nagstram na ako at nag simulang kumanta.

♪Bakit kaya nangangamba

sa tuwing ika'y nakikita

sana nama'y magpakilala

Ilang ulit nang nagkabangga

Aklat kong dala'y pinulot mo pa

'Di ka parin nagpakilala

Bawat araw sinusundan

'Di ka parin tumitingin

Ano'ng aking dapat gawin♪

Hay tamang tama yung kanta sa akin hahaha. Naging stalker kasi ako ni rhianne sa tuwing recess, lunch at uwian lagi akong nakabuntot sa kanya pero hindi nya alam. Kapag nalaman kong late na syang uuwi ay magpapalate narin ako para masamahan sya pero patago, kapag pauwi na sya ay sinusundan ko parin sya para matiyak ko kung ligtas syang umuuwi.

♪Bakit kaya umiiwas

Binti ko ba'y mayroong gasgas

Nais ko lang magpakilala

Dito'y mayroon sa puso ko

Munting puwang laan sa'yo

Maaari na bang magpakilala♪

kung alam mo lang rhianne matagal ba kitang gusto lapitan kaso kapag lalapitan na kita lagi nalang may lalapit saiyo. Parang laging may hadlang sa tuwing may sasabihin ako saiyo.

♪Bawat araw sinusundan

'Di ka naman tumitingin

Ano'ng aking dapat gawin

kailan, kailan mo ba mapapansin

Ang aking lihim

Kahit ano'ng aking gawin

'Di mo parin pansin♪

Ou nga kahit anung gawin hindi mo ako mapapansin. Sino nga ba ako para pansinin mo? isa lamang akong lalaki na mahilig sa fairy tale at gusto magkaroon ng happy ending kasama ka.

♪kailan, kailan hahaplusin

Ang pusong bitin na bitin

Kahit anung gawing lambing

'Di mo parin pansin♪

Hanggang tingin nalang ako. Tama nga si kayde hanggang sa isang sulyap mo lang ako.

*pak pak pak pak*

"wow!! paul ang galing mo palang kumanta. Ikaw na ang kukuhanin kong singer ng banda. Kailangan kasi yun para sa acquaintance party na gaganapin sa saturday" tumingin ako dun sa nagsalita.

Agad akong tumayo.

"Kayo po pala mister gyler"

Ang kausap ko ngayon ang lolo ni kayde.

"Hahaha gulat na gulat ka. Tawagin mo nalang akong lolo kaibigan ka naman ni kayde diba. Ah so ano pumapayag ka ng ikaw ang singer ng banda?"

"ako ho? singer? hindi nga po ako magaling kumanta mapapahiya lamang po kayo kapag ako ang ginawa ninyong singer ng banda"

Hindi kasi ako kumakanta. Sa katunayan niyan ay ngayon lang ako kumanta. Wala kasing tao kaya kumanta ako.

"Alam mo paul wag mong itago kung ano ka at kung sino ka. Ilabas mo ang tunay na ikaw. Wag kang matakot kung ireject ng taong pinapahalagahan mo, ang mahalaga nasabi mo o nailabas mo ang tunay mong nararamdaman sa kanya"

huh? ang lalim naman yata masyado hindi ko gets. Kayo ba gets nyo?

(=_=??)

"hahaha mukang hindi mo magets iba na talaga ang mga kabataan ngayon." umalis na sya.

"paul inaasahan ko ang pagkanta mo." bahabol

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Property of:

♡SBTM

I want a happy ending with you..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon