👸01
"KAMAHALAN! PRINSESA MARIVIC!"
Napakurap-kurap ako mula sa pagkakatulala sa payapang kalangitan. Sandali pa bago dahan-dahan na umupo mula sa pagkakahiga sa patag na berdeng damuhan sa malawak na hardin na halos matanaw na ang kabuuan ng Sisecille.
Umihip ang preskong hangin at isinayaw nito ang may kahabaan kong pulang buhok. Nanatiling tikom ang bibig habang hinihintay na mahanap ako ng aking personal na tagasilbi, si Lena.
Bumalik muli ang aking tingin sa asul na kalangitan at sa kung ano ang dahilan kung bakit ako nasa malalim na pag-iisip kanina.
Isang taon na. Isang taon na akong naririto sa loob ng kuwento.
Hindi ko alam kung paano ito nangyari. Matagal pa bago ko tuluyang matanggap na may ganitong klaseng penomena sa mundo.
I thought it was just a dream but I was unmistakably wrong. This is my reality now.
Marivic Rosalia Volaa-Sisecille is my scary reality now.
Wala ng duda pa. Ako na nga ang Prinsesa ng Kaharian ng Sisecille. Nag-iisang anak ng Haring Marion Volaa-Sisecille sa pumanaw na Baroness Rosalind Hugo.
Namatay ang Baroness sa pagsisilang kay Marivic. The King Marion loves his wife that he spoiled her rotten with all the gold, diamonds and pearls and now he doted on his only daughter more pretty grandeur.
That he even sent a letter for marriage to the Kingdom of Eisele to safekeep her precious daughter now that he's badly sick.
Isang taon na noong sumulat ang Haring Marion sa Eisele at hanggang ngayon ay wala paring sagot. Isang taon nang nakaratay sa kaniyang kama ang Hari at patagal ng patagal ay mas lumalala ang kalagayan na hindi na ito makapagsalita at makagalaw.
Walang lunas ang sakit na ito at kung susundan ang kuwento ay papanaw ito kapag narinig na ang sagot ng Eisele.
Isang taon na ako rito bilang si Princess Marivic. Isang taon na rin akong nag-iisip at nagpaplano. Dahil kung susundan nga ang kuwento ay isa lamang ang kahihinatnan ko. Kamatayan.
I choose not to waste this another chance of life. I figured that I really did died on that car crash before coming here in this novel. At ngayon na may pagkakataon akong mabuhay pa ay susulitin ko na at iingatan.
This body is already nine years old today. At ngayon taon may mga isasakatuparan akong mga plano at paghahanda.
Hindi lamang si Marivic ang may bad ending sa kuwento. Ang Kaharian ng Sisecille ay haharap sa pagkasira at pagkaguho dahil sa karakter na ito.
Sa loob ng isang taon, nakita ko na hindi lamang parte ng kuwento ang mga naninirahan rito. Tao sila at mga nasasakupan ko.
They didn't deserve the unfortunate ending that befell to them. I must prevent that. I must save them and save this character. My character.
"Narito ka lang pala, Kamahalan!"
Lumingon ako sa humihingal na si Lena. Matanda ito ng pitong taon sa kay Marivic. Nagsimula itong magsilbi sa kay Marivic noong seven years old palang ang prinsesa. At ito ang maituturing kong pinaka malapit sa akin ngayon.
"Mamaya pa ang party para sa aking kaarawan, Lena, kaya bakit mo ako hinahanap ngayon?" tanong ko habang pinapanood ang pagiging aligaga nito.
"Liham! Kamahalan!" Halos hindi pa nahahabol ang paghinga nito noong lumapit pa ito at lumuhod sa gilid ko. Kumunot ang noo ko.
"Dumating na ang liham mula sa Kaharian ng Eisele! Tumugon na sila, Kamahalan!"
××××