👸04
"Kamahalan, dumating ang mga regalong handog ng Prinsipe ng Eisele," si Lena.
Isang linggo matapos ang libing ng Hari ng Sisecille ay dumating na ang unang batch ng regalo. Bilang fiancee ng Prinsipe ay tradisyon na dapat buwan-buwan ay padadalhan ako ng regalo hanggang sa araw ng kasal. So kung tutuusin ay magpapatuloy ito hanggang sa tumuntong ako sa edad na sixteen na siyang legal na edad para sa kasal. In the modern world that would be illegal or something. Tsk.
Alahas, damit, sapatos, sombrero, mga palamuti at kung ano-ano pa ang bumubuo sa nasabing regalo.
"May liham rin mula sa Prinsipe, Kamahalan!" bahagyang tumaas ang boses ni Lena habang ipinapakita ang isang liham na may seal ng royal family ng Eisele. Nakakunot ngayon ang noo ko bago inimwestra ang liham patungo sa akin.
Iniabot iyon ni Lena na may pag-iingat habang tila wala akong amor na pinunit ang envelope at kinuha ang nakatuping papel. Nanlaki ang mata ni Lena at mabilis lang na gumilid at yumuko, pinabayaan na akong tignan ang nasabing sulat.
'Sana ay magustuhan mo ang mga regalo.
-Ulric Csas Eisele III'
"Tsk." Umirap ako bago ihinagis iyon sa banda ni Lena at sandali lang na tinignan ang maliit na baul na dinala ni Lena rito sa aking silid na naglalaman ng ilang alahas na gawa sa rubies at emeralds na parte ng nasabing regalo ng Ulric Csas Eisele the third na iyon. "Itago mo iyan at sabihan mo si Ministro Darius na magpadala ng sulat na nagsasabing malugod akong nasiyahan sa handog nilang regalo."
Umiling-iling ako at naghanda nalang para sa aking paligo. Iniwan roon si Lena na nakanganga.
Hapon noong ipinatawag ko si Sir Jonas sa library. The Knights are said to be the most loyal ones to the kingdom and they aren't wrong. Si Sir Jonas ang pinakamagiting at tapat na kabalyero ng Sisecille.
"Ipinag-uutos ko na mas paigtingin at bigyan importansya ang militarya ng Sisecille, Sir Jonas. Nais kong lumipon ka ng mga kabalyero at sanayin sila. Ang magiging lakas nila ay magiging alas ko sa pagsapit ko sa tamang edad upang katawanin ang trono. Binibigyan kita ng ng layunin na palakasin ang pwersa ng Kaharian ng Sisecille para sa Prinsesa na ito."
Hindi ko pa sigurado kung paano ang ilang detalye sa kuwento na ito. Kailangan kong maging maingat sa lahat ng aking aksyon. Walang detalye ang kuwento tungkol sa ganitong edad o sa partikular na pang-araw-araw na buhay ni Princess Marivic dahil hindi naman ito ang bida. Magsisimula lang ang kaniyang aksyon sa edad na fifteen kung saan tumungo na ito sa Eisele. Siyam na taong gulang palang ako ngayon at may kalayuan pa ang nasabing edad kaya mainam na gumawa na ako ng ilang preventive measures, at ang isa roon ay ang lakas ng militarya ng Sisecille.
Nais ko rin bigyan ng pagkakataon na pagusbungin ang ekonomiya at kahit ang ilang batas rito sa Sisecille. Napagkasunduan namin ni Ministro Darius na siya ang tatayong Ministro ko. He will act like the regent in the presence of my accordance while I will be the person behind every verdict, laws and orders. Magkukunwaring walang muwang at inosente kahit pa ako ang nasa likod ng lahat.
The contracted marriage cannot be canceled so easily in this world. Bago ako napunta rito ay naipadala na iyon ng Haring Marion at ang mautak na Hari ng Eisele ay hindi tatanggi sa iniaalay na kayamanan at suporta ng Sisecille. Sinong tangang tatanggi sa grasya, hindi ba?
"Isa pa nga pala, Sir Jonas." At sa huli naisip ko na mas mainam kung handa ako sa kahit ano pang bagay. "Nais ko ring matutuhan ang gawi ng espada. Tuturuan mo akong gumamit ng espada."
××××