Our Last Phone Call
"hello love!" bati ko sakanya sa kabilang linya
nakahiga ako habang nakatagilid, pinag mamasdan ang madilim na tanawin sa labas.
napangiti nalang ako ng mapait nang hindi manlang siya bumati pabalik saakin
ito naba talaga ang huli naming kabanata?
umehem ako bago dagdagan ang naunang pag bati
"kumain kanaba love?" tanong kopa ng mapagtantong wala siyang balak bumati pabalik
"oo" maikli niyang sagot na dati'y "oo kumain na, ikaw ba? kumain kana ha, pag nagkasakit ka wala ako d'yan para alagaan ka."
ramdam ko ang panlalamig niya
ramdam ko ang pag babago niya, mula sa pakikitungo hanggang sa lahat. damang dama ko.
"ah ganon ba, ako din tapos alam moba yung kapit bahay namin ang pangit ng lasa ng ulam mas masarap padin yung amin kasi si mama ang nagluto-"
"diko tinatanong."
"ah hehe" napapahiya kong sagot bago napakagat labi nalang
matagal na katahimikan bago ako tumikhim, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin matapos kong maramdaman na wala naman siyang pake sa mga sinasabi at sasabihin ko.
"u-umamin kanga.." seryoso ang tono ko
kahit alam kona, gusto kong sakanya mag mula ang lahat
narinig kong huminga siya ng malalim sa kabilang linya
"h-ha?" walang gana niyang sagot gano'n paman narinig ko ang parang kaba nito
huminga uli ako ng malalim
"kapatid kaba ni elsa?!" at tumawa na ako ng malakas
"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH-"
"enough Shane. you're the ' it all happens for a reason girl ' so you wouldn't do nonsense things so spill it. "
oo, iyon ako. ganoon ako. pero dahil sayo nag bago ako, takot akong malaman ang bawat dahilan ng pangyayari kasi natatakot ako na baka pag nalaman ko, mawala ka.
pero hindi kanga nawala, hindi karin naman nanatili.
hindi na kita maramdaman, ngayon nalang uli kami makakapag usap matapos ang ilang linggo na wala siyang paramdam
hindi ako nag duda
hindi ako nag tanong
wala akong ginawa at hinayaan lang siya
gusto ko sabihin
gusto ko iparinig yung hikbi ko
gustong gusto ko
pero natatakot ako
natatakot akong bitawan siya
YOU ARE READING
our last phone call
Novela Juvenil-One Shot Story- When suddenly everything went out of control, iyong nais mo pang humawak nang mas mahigpit ngunit siya na mismo ang bumitiw sa iyong mahigpit na pagkakahawak.