Buwan

8 0 0
                                    


Sa madilim na daan ng kagubatan,mabilis na tumatakbo si Dahlia.Masukal ang kagubatan at tanging liwanag ng buwan ang kanyang nag iisang ilaw sa madilim na kakahuyan.
Pagod na pagod at hirap na din sya sa pagtakbo.
Para saan pa ba ang kanyang pagtakbo?
Bakit kailangan niyang tumakbo?
Bakit kailangan niyang makaalis?
Bakit kailangan niyang makalayo?
palagi itong naiisip ni Dahlia bago pa man sya tumakbo at napadpad sa kagubatan.

3 araw na lamang ang natitira at ikakasal na siya,sa lalaking kailaman ay hindi pa nya nakikita.
Ang lalaking usap usapan ng mga tao patungkol sa usapang pang aabuso sa kaniyang mga asawa.Mayaman ito at may kakayahang bumili ng mga bagay na hindi kayang bilhin ng pamilya ni Dahlia at ng mga iba pa niyang kauri na mababa ang antas sa buhay.Kaya walang sinumang nais makabangga nito dahil sa malakas ito sa impluwensya at sa kapangyarihan.Walang maayos na kalakaran sa mga taong madaling masilaw sa salapi ng nasabing lalaki na iyon.Walang maayos na hustisya para sa mga taong walang salapi.

Sinasabing kama-kailan lang ay may namatay na babae at natagpuang hubo't hubad ito.Palutang lutang ito sa may ilog sa mismong ilalim ng tulay.Bukod doon nakupirma din ng mga awtoridad na ang babae ay isa sa mga asawa ng lalaking ayaw nila makabangga.Kaya ang kaso ay hindi naging usap usapan sa takot ng mga tao na may kung anong gawing masama sa kanila.

Natumba si Dahlia sa sobrang panghihina lalo na't naisip niyang ito na ang magiging kaniyang katapusan kapag nahuli siya ng mga tauhan ng lalaking dapat sa kaniya ay ipapakasal.Nanginginig habang pinipilit niyang tumayo upang tumakbo,ngunit muli siyang bumagsak at napakapit na lamang sya sa bahaging katawan ng puno.

"Bakit? bakit ako lang ang dapat mag dusa? BAKIT AKO LANG?!!!"

Napahagulgol sa pag iyak si Dahlia.Nasisiguro niyang magiging katapusan niya ang pagiging isa sa mga asawa ng lalaking iyon kapag hindi pa sya nakalayo bago pa dumating ang mga tauhan ng laaking iyon.Kahit na pagod na pagod sa pagtakbo si Dahlia hindi iyon ang rason para tumigil sya dahil buhay niya ang nakasalalay sa kaniyang pagtakas.

Hindi na nakayanan pa ni Dahlia ang pagtakbo.Hapong hapo napabagsak sya sa gilid ng isang malaking puno,napatingala siya sa itaas

kay ganda ng buwan.


Nadidismayang pinagmamasdan ni Dahlia ang buwan,naalala niya kase ang usapan ng kaniyang mga kinikilalang magulang tungkol sa kaniyang pag papakasal.

"Dahlia makinig ka sa amin.."

Pakiusap ng babaeng na may sa 40 taong gulang.
Tahimik na nakayuko si Dahlia kahit na kinakausap siya ng kaniyang Ina tungkol sa kasal na ninanais nilang mag-asawa.

"Yayaman tayo Dahlia.. kaya pakiusap sumunod ka na lang"

Napahigpit ang hawak ni Dahlia sa manggas ng kaniyang kasuotan at nananatili pa din siyang nakayuko.Hindi siya makatingin,hindi siya makalingon,yun ay dahil di niya magawang mapagmasdan ang kaniyang mga magulang.

Para saan pa ba?

Tanong nya mula sa sarili
Halos nayayamot na siya nung mga araw na paulit ulit nagmamakaawa sa kniya ang mag-asawa.Hindi lamang yun,habang nagpapatuloy ang kanilang pag uusap,unti unting nararamdaman ni Dahlia na sasabog na siya sa sobrang galit.

Bakit ka nagagalit?
May karapatan ka bang magalit?

Hindi lubos maisip ni Dahlia kung saan siya huhugot ng lakas para sabihin sa kanila ang kaniyang sariling saloobin.

Bakit? para saan pa ba?
Importante ba kung ano ang iyong saloobin?

Dahan dahang tumingin si Dahlia sa mga mata ng mag asawang nag mamakaawa na gawin na lamang ang kanilang mga nais.

DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon