Chapter 2: Cirillo

8 0 0
                                    


-

Nagising mula sa masamang panaginip ang prinsesa.
Pinagpapawisan siya dala ng tensyon mula sa nakakatakot na panaginip.

Walang katapusang pag paslang.


Ayun ang kaniyang panaginip kung kaya't bakas sa kaniyang mukha ang labis na takot.

Anong ibig sahihin ng mga iyon?

Tanong sa sarili at tila naguguluhan.
5 taon na ang nakakalipas simula nang siya ay managinip ng kakaiba.
Sa bawat panaginip ay ramdam niya ang sakit,
sakit na hindi maiintindihan at mararamdaman ng iba.

Tumayo siya sa kaniyang higaan at humarap sa salamin.

Walang pag babago,
kahit na ano pa ang mangyari,ay wala talagang mag babago.

"Sino ka ba? sino ka noon?"

Tanong ng Prinsesa sa harap ng salamin.
Sino nga ba siya? at ano siya noon?
pa ulit ulit na katanungan mula sa isipan ng prinsesa.


"Wala akong maalala..."

Nakayukong sambit ng prinsesa kasabay nun ay ang pagtulo ng kaniyang luha.

Maliwanag ang buwan kung kaya't siya ay matatanaw sa liwanag nito.

Lumapit siya sa bintana upang pagmasdan ang buwan.
Pamilyar sa kaniya ang pag tingala at pag mamasid sa buwan,tila ba matagal na niya itong ginagawa subalit di niya lang maalala.


Pinipilit niyang alalahanin kung ano talaga ang nangyari sa kaniya.
Ngunit bigo siyang napaupo sa sahig.
Sumasakit ang kaniyang ulo.

Bakit wala siyang maalala?

Malinaw na mayroon siyang Amnesia kung kaya't normal lamang na wala siyang maalala.

Pero tila may mali.
Nakasisiguro siyang hindi dahil sa amnesia ang dahilan kung bakit wala siyang maalala.
May kung anong mabigat sa loob niya at hindi niya malaman kung ano ito.

Mas mabigat pa ito sa sama ng loob o pag kadismaya.
Napahawak siya sa kaniyang ulo.
Sumasakit ito ng husto.

"E..Elisaaa...!"

Mahinang tawag niya habang pinipilit na tumayo upang makarating sa pintuan ng kaniyang silid.

Masakit at wala siyang lakas para tumayo pa.
Tila ba naubos ang kaniyang lakas simula ng maramdaman niya ang pagsakit ng kaniyang ulo.

Nandilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng malay.


Nang mamulat niya ang kaniyang mga mata nagulantang siya sa kaniyang nakita.

Ang pulang mga linya na nakaguhit sa kaniyang puwesto at nagliliwanag ang mga ito.

Takot na napatayo ang prinsesa.


Ano ang mga ito?

Tanong niya sa sarili

Nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya,ngunit natigilan siya ng mapansing tila pamilyar ang pakiramdam na iyon.

Tila ba ay nangyari na ito sa kaniya noon,subalit wala siyang maalala kung kelan at saan ito naganap.

DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon