"Good evening ladies and gentlemen of all ages. Standing in front of you is a beautiful creature made by God. I'm Monique Mendoza. I believe in the saying that, Kung pangit ako sa paningin ng iba, when I look in the mirror ? Ay, totoo nga sila! Once again Monique Mendoza, candidate 69 and proud to represent, the beautiful country of PHILIPPINES!"
Pagkatapos ng production ng kandidatang si Monique, may lumapit na kanya sa gitna nang emtablado. Kumikislap na parang napakalayong bituin ang mga mata ni Monique. Hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay, inayos ang kanyang malagkit na buhok at kinuha ang kanyang nangingitim na mga muta!
"Alam mo, you are so beautiful", sabi ng lalaki sa kanya. "Ikaw ang panalo para sa akin."
Kinilig ang loka-lokang si Monique at patuloy na pinapawisan.
"Ahh, ahh, ahh..." Pautal na sabi ni Monique. "Ahh, ahh, ehh, ihh, ohh, uhh! Tatay mo kalbo!"
Tumawa ang lalaki at biglang nawala ang speech cloud sa ulo niya.
"Hoy, Monique nakikinig ka ba? Monique? Monique? HOY!", ang kanina pang sigaw ng mama miya sa kanya.
"Nay naman eh, ayon na sana eh! Ang ganda na hoo, muntikan na! Ayan tuloy, hindi ko natanong pangalan niya?", Panghihinayang na sagot ni Monique.
Tama! Siya nga si Monique Mendoza, ang magiging bida sa kwentong ito. Siya ay 17 na taong gulang na nag-aaral sa paaralan(alangan naman sa sementeryo?). Sabi niya maganda daw siya. Pero ewan ko sa ibang kakilala niya. May pagka clumsy ang character dito ni Monique. Laging naniniwala sa mga sabi-sabi at hula-hula tungkol sa kanya. Dahil sa angkin niyang kagandahan, kahit isang ligaw ay wala pang nakagawa nito sa kanya. Ang sabi niya lang,
"Disadvantage talaga sa mga magagandang katulad ko ang pagiging maganda at cute, kasi akala ng mga gwapong lalaki diyan TAKEN na ako!", ang laging sagot niya sa mga taong nagtatanong kung bakit wala siyang boyfriend.
Minsan, napagkamalan siyang isang lalaki dahil sa katawan niyang mas malaki pa sa normal na mga lalaki. One time, pumasok siya sa CR ng mga babae at pagpasok niya ay nagsisigawan ang mga nasa loob dahil may lalaking naka pasok daw sa Girls CR.
Ang wish talaga ni Monique ay ang magkaroon ng perfect guy para sa kanya at magmamahal sa kanya ng tapat, totoo at walang pag-aalinlangan.
"Heto na ang TEXT MONIQUE PROMO!
If you want to be my boyfriend,
Just text YES and send it to
09091234567". pagmamalaking sabi ni Monique.
Palakaibigan naman si Monique ngunit mapili lamang. Ang pinipili niyang kaibigan ay ang mga taong alam niyang mas lamang ang kanyang kagandahan para sa tuwing namamasyal sila, siya ang STAND-OUT! Ganyan ang mga styles ni Monique.
Christmas noon, nagkaroon sila ng SP-SP sa paaralan nila at napagkasunduan nilang maglagay nang SP Box para araw-araw ay matanggap silang mga regalo. Makalipas ang 3 araw walang natanggap ni isa si Monique. Ngunit nang ika-apat na araw, may natanggap na siya.
"Ay, something scary pala kami ngayon. Titignan ko kaya ang regalong natanggap ko." ang pananabik na sabi ni Monique. "HAH?? Bakit salamin ang binigay niya sa akin? Ano kinalaman ng salamin sa something scray?"
Hanggang sa mga araw na ito ay hindi parin malaman ni Monique kung bakit salamin ang ibinigay sa kanya. At ang ugaling iyan ay tinatawag na... SLOADING! (slow dahil nag lo-loading)
BINABASA MO ANG
iDEAL GUY ni Monique Mendoza
Teen FictionRomantic-Comedy wherein most teens can easily relate. Saksihan ang adventure ni Monique sa paghahanap ng kanyang iDEAL GUY!