Ang suot ni Monique ay, Sombrerong kulay pula na pagkalaki-laki. Dinagdagan niya rin nang blouse na kulay green (maria clara inspired).....Mukha siyang PARROT!
Dinagdagan niya rin nang 4 inches na shoes, kulay dilaw.....Mukha siyang TRAFFIC LIGHT!
Magsisimula na si Monique sa paghahanap...
LOCATION: Plaza nang kanilang lugar.
Maraming mga tao ang masayang namamasyal sa lugar. Naisip niyang maglakad sa maraming tao para mapansin siya. Napaka romantic talaga ng place para sa sweet couples. Kinuha niya ang bagong-bagong DigiCam niya para kunan ang naggagandahang view. Nang kunan niya na ang fountain ay....
"Aray! Ano ka ba? Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo? Nahulog tuloy sa tubig ang camera ko!", at galit na galit si Monique.
Nabangga pala siya nang isang lalaki.
"Nako, sorry talaga miss, hindi ko sinasadya.", paliwanag ng lalaki.
Tinignan ni Monique ang lalaki mula paa hanggang ulo. Mula ulo hanggang paa. Mola paa hanggang ulo. Natulala si Monique.
"Ikaw na ba? Ikaw na yata.....", sabi ni Monique sa sarili.
"Sorry talaga miss ha? Di ko sinasadya!", sabi ulit ng lalaki."Pwedi bang gitarahin na lamang kita? Pang peace offering ko nalang sa iyo miss."
"ahhh. Oh sige! By the way I'm Monique Mendoza!", malumanay na sabi ni Monique.
Isang kaugalian na hindi maitatago ni Monique ay ang pagkagusto sa isang lalaki in just a minute. Nagiging clumsy rin siya pagnakakakita nang mga gwapong lalaki.
"I'm Anjo....", pakilala ng lalaki. "Sorry talaga, so pano? pwedi na ba kitang gitarahan? or i would rather say,,,, haranahin?"
Kinilig naman si Monique at agad na hunarana ni Anjo.
Sabi ni Monique sa sarili, "Oh my 'G' heto na ang #1 on my list...."
Matapos siyang gitarahan ni Anjo....
"ang galing mo naman pala magitara?", sabi ni Monique.
"Hindi naman, marunong lang.", sagot ni Anjo.
At isang ugali ni Monique ay ang hindi pagtago kung ano ang nararamdaman niya. Hindi siya mahilig sa mga sikreto. Pero nagtataka si Monique kung bakit hindi napapansin ni Anjo ang kanyang suot...Kaya naisip niyang,
"Alam mo Anjo, ang pogi mo talaga...Mas nagiging cute ka kapag nagigitara ka.", palambing ni Monique.
"Iyan din ang sabi ng ibang tao sakin eh.", sagot ni Anjo. "Sana makita ko rin ang kagandahan mo sa likod nang aking madilim na paningin ah noh?"
Gulat na gulat si Monique sa mga nasabi ni Anjo kaya kumaripas siya nang takbo sa bahay nila at agad na umiyak at nagmokmok sa kwarto.
Hindi matanggap ni Monique na isang bulag si Anjo at mula ng umpisa ay hindi niya ito nahalata dahil normal lang talaga ang mga kilos ni Anjo.
DECEMBER 7, 2012:
Hindi na inisip ni Monique ang mga nangyari kahapon. Naisip na lamang niya na i-skip ang #1 at unahin ang #2 baka mag work.
Magsismula na si Monique sa paghahanap....
LOCATION: Plaza nang kanilang lugar ulit.
Itinext niya ang kaibigan niyang si Carla upang samahan siya. Kaya't maya-maya nakarating na silang dalawa sa plaza.
"Alam mo friend, si Benjie na kaklase natin noong elementary ay nandito na ulit.", galak na sabi ni Carla.
"Totoo? Hehe, siya kaya ang ultimate crush ko ng elementary? Diba sa manila siya nag-aral ng high school?, sagot ni Monique.
"OO, pero nagbakasyon siya rito dahil aatend daw sa libing ng lola niya.", paliwanag naman ni Carla.
"Pahingi ng # niya friend....", sabi ni Monique.
Huwag kang mag-alala itinext ko siya na pumunta ngayon dito, para samahan ka dahil sasamahan ko pa si mama na maninda.
"Ayan na pala siya eh...", sabi ni Carla.
Agad na nalaglag ang panga ni MOnique.
"Friend pahingi polbo? Lipstick! May foundation ka or eyeliner man lang?!", natutulalang sabi ni Monique.
"Wala eh, so pano maiwan ko na kayo?", at umalis si Carla.
BINABASA MO ANG
iDEAL GUY ni Monique Mendoza
Fiksi RemajaRomantic-Comedy wherein most teens can easily relate. Saksihan ang adventure ni Monique sa paghahanap ng kanyang iDEAL GUY!