Rest in peace! este REST muna.

34 0 0
                                    

DECEMBER 8, 2012:

     Nako your time is running Monique. Sa 10 na ang Christmas Prom ninyo! Pakibilis-bilisan mo naman. HAY NAKO !

"Magpapahinga muna ako !", parang pagod na sabi ni Monique...

Walang ginawa si Monique buong maghapon kundi ang matulog at kumain at manood ng TV! Naisip niyang kausapin si mama niya.

"Ma, bakit ganon ano? Ako na nga ang lumalapit sa kanila pero bakit ako rin ang siyang kusang lalayo? Nandoon na nga, pero bakit hindi pa perpekto?", nangingiyak na sabi ni Monique.

"Ganyan talaga anak, dapat maghintay ka na lamang sa taong karapat-dapat sa iyo! Huwag ka kasing padalos-dalos. Naghihintay ang pag-ibig.", payo ng ina.

"Pero ma, sa 10 na ang Prom namin, ayoko namang wala akong partner na kasama!", umiyak na talaga si Monique.

"Huwag kang mag-alala anak, sinasabi ko sayo. Darating siya sa Prom niyo.", kumpyansang sabi ni mama niya.

Pagkatapos nilang magdiskusyon ni mama niya ay agad na siyang natuolg.

iDEAL GUY ni Monique MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon