Nathan Alvarez •
8:55 AM
Nathan:
May talong ako
Flame Dalton:
Ako rin meron
Nathan:
May tanong ako*
Flame Dalton:
Anong talong mo?
Ay tanong pala
Nathan:
Naalala mo pa ba si Chester?
Flame Dalton:
'Yong payatot na lampa?
Nathan:
Oo
Flame Dalton:
Oo, bakit?
Anong meron sa kanya?
Nathan:
Wala naitanong ko lang
Flame Dalton:
Hindi ba talaga nabubuo araw n'yo na hindi ko kayo namumura ?
Nathan:
Patapusin mo muna kasi ako
Ano bang full name n'yon?
Flame Dalton:
Malay ko
Wala naman akong pakielam doon
Nathan:
Siya rin naman walang pakielam sa'yo
Pero hindi ka ba nagtataka?
Flame Dalton:
Nagtataka saan naman?
Nathan:
Bigla nalang siyang nawala eh
Flame Dalton:
Bakit miss mo na kasi wala ka ng mapagtripan?
Nathan:
Hindi, nagtataka lang talaga ako
Ni wala na nga tayong balita roon kahit kung saan na siya nagpunta
Flame Dalton:
Baka magpakamatay na
Nathan:
Gago ni hindi ka man ba lang nakukunsenya sa ginawa mo sa kanya
Flame Dalton:
Alam mo namang nagbibiro lang ako diba?
Nathan:
Iwan ko Flame
Aminado naman akong may atraso din ako sa sa taong 'yon, kaya talaga sa tuwing naaalala ko 'yong huling araw na nakita ko siya? Nakukunsenya ako
Flame Dalton:
Ayukong alalahanin
Nathan:
Kasi nakukunsenya ka rin?
Sana pala talaga noon palang nakikinig na tayo kay Vincent. Alam nating mali pero bakit kaya ginawa pa rin natin?
Flame Dalton:
Alam nating may girlfriend na 'yon Nat, pero niluluko niya lang
Nathan:
Pero diba dapat hindi nalang tayo nakialam?
Tsaka hindi natin napansin na sumubra na pala tayo
Flame Dalton:
Ano bang problema mo Nathan? Tsaka isa pa, kung may nangyari mang masama roon sa taong 'yon hindi na natin problema
Kahit naman sino, naiirita sa Chester na 'yon. Hindi lang tayo ang may kasalanan sa kanya
Nathan:
Duda lang ako
Flame Dalton:
Duda? Kanino naman?
Nathan:
Sa taong bigla nalang dumating ng mawala siya
Flame Dalton:
Sino tinutukoy mo?
Seen
BINABASA MO ANG
Warmest Flame (Epistolary)
RandomBurn and hurt me. That's what I expected while playing with this Flame, not to warm me. WARMEST FLAME (Epistolary)