EPILOGUE

60 5 0
                                    

Clementine Silvenia Lopez

Sa mga oras na 'to habang nasa klase pa kami, hindi na ako nagulat nang basta-basta nalang ngayon makatanggap ng message galing kay Flame, pero biglang kumunot ang uno ko dahil sa nabasang sinabi nito. Bakit kaya naman niya natanong? Saka sino ba ang tinutukoy niya?

- — ☆ — -

Flame Dalton Han

8:14 PM

Flame Dalton:

Ang lungkot na mukha mo?

May namimiss ka ba?

Clementine:

Sino tinutukoy mo?

Flame Dalton:

'Yong family mo sa Canada

Miss na miss mo na sila siguro

Clementine:

Honestly, Flame?

Sobra

Clementine is typing...

Clementine is typing...

Sobrang na mimiss ko na talaga sila. Medyo nahihirapan na rin ako, tapos nalulungkot din tuwing iniisip na wala ako sa tabi ni Chest, especially sa mga time na kailangang-kailangan niya ako

Flame Dalton:

Gusto mo ng umuwi?

Clementine:

Bakit mo ba tinatanong sa akin lahat 'to Flame?

Iniisip mo ba na kapag bumalik ako roon, hindi na ulit ako babalik dito?

Flame Dalton:

Medyo

Clementine:

Kaya ba puyat na puyat ka rin ngayon?

Flame Dalton:

Clementine, pagtatawanan mo ba ako kapag sinabi ko sa'yong natatakot akong mawala?

Clementine:

Flame tingin ka sa akin ngayon

- — ☆ — -

Nang gawin ni Flame ang sinabi ko sa kanya, nang tinignan niya ako, ngumingiti ako ng matamis at totoo sa kanya mismo. Hindi ko alam kung para saan pa 'tong ginagawa ko but I give him assurance.

"Hindi ako mawawala sa'yo." I mouthed to him o kung ano man sa tagalog ng ginawa kung 'yon. May kalayuan kasi talaga ang pwesto ng upuan namin sa isa't-isa. Napangisi ako sa isipan ko at inulit ulit 'yong ginagawa ko kanina para mas maintindihan niya. "Hindi ako mawawala sa'yo Flame."

Sumeryoso ang mukha ko nang ibalik ulit ang toon ko sa harapan. Siguro sa ngayon hindi pa pero malapit na. Malapit na malapit. Tinignan ko ulit ngayon ang nakangiti at mukhang samaya na si Flame. Magiging ganyan pa kaya siya sa mga susunod na pwede pang mangyari at sa mga malalaman niya pa?

Tingin ko magiging magkatulad kaming dalawa na hindi na.

Halos matulala ako ngayon dito sa pwesto ko kung saan katabi ko siya. May mga pangyayari talaga sa buhay nating mga tao na hindi natin makakalimutan.


At itong nangyari sa aming dalawa ni Flame ngayon, siguro nga ito na 'yong sa akin. Hinding-hindi ko na 'to makakalimutan kahit na kailan. I just lost my virginity kani-kanina lang kahit na alam kung pwede pang mas lalong magagalit si Chester sa ginawa ko, at kahit pa na alam kung pwede pa siyang mas lalong masiraan ng dahil dito.

Nagpakabobo ako dahil ginawa ko pa rin talaga. Nagtanga-tangahan dahil sa galit at inis ko sa kanila.

Nilayo ko ang sariling kamay akmang lalapat na ito sa mismong mukha ni pisngi ni Flame, pinigilan ko ang sarili na halikan siya para sa huling pagkakataon. Matagal ko ring tinitigan ang mukha ni Flame bago umalis sa bahay nila, suot 'tong bagong damit na kinuha ko galing sa aparador niya. Ayuko na rin kasing gamitin pa ang damit ko na suot ko nang magpunta rito dahil maliban sa marumi na, may sira na rin ang mga ito ngayon.

I guess this is the last at mukhang hindi na rin ako makakabalik pa rito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa sariling cellphone ko, saka ito itinago sa bulsa ng short na suot-suot ko rin ngayon at patakbong lumayo sa bahay nila. Sinasagot ang tanong sa sarili kung hahanapin niya pa ba ako pagkagising niya.

Gusto kong hanapin ni Flame, pero wag na rin sana.

Magulo ang takbo ng utak ko ngayon. Ang dami-dami ko ng problema, dumagdag pa kahit siya. Ayaw nang maalis ng huling itsura ni Flame sa isipan ko, kahit 'yong huling paghawak niya, ayaw na ring maalis pa sa balat ko. Habang paulit-ulit naman ngayon sa utak ko kung anong huling sinabi niya.

"Mahal na mahal kita rainbow cupcake. Please wag mo akong iwan. Wag kang mawawala kahit anong mangyari."

Napabuga ako ng usok. Sunod-sunod na mga usok at napagat sa babang gilid ng labi ko. Hindi ko na alam kung paano na 'to ngayon, wala 'to sa plinano ko.


D r _ ☆ s t r o p h i l

Warmest Flame (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon