HAFS (Suho) [ 1.1 ]

328 5 1
                                    

FGM's Note: Hello there! :) Anyway guys, this is IN Tagalog language. Kasi ako po'y isang Filipino at ito naman po'y isang FANFIC lamang. So, enjoy! :)

✄ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER ONE: Upcoming Concert

Point Of View:

- VALERY LASTEIN -

"KYAAAAAAH! Grabe, ang gwapo talaga ni Suho noh?!" Bungisngis netong maingay kong katabing babae sa katabi niya. Recess lang naman ngayon kaya ang ingay nilang nagtititili pa.

"OMOO~ Oo nga eh! Pero mas bet ko si Papa Kai! Mas hawt yun eh!" Ayoko namang gumawa ng eksena kaya hinahayaan ko nalang silang pag-usapan yung walang kwentang grupong iyon. At hello, di ba nila alam na nasa tabi lang ang isang inosenteng tulad ko?!

"KYAAAAAHH!! Oo nga hot nga si Kai pero Suho pa rin akoooo!!" Pwedeng pakitape yung mga bibig netong mga babaeng 'toh? Daig pa ang nire-rape kung makatili, ay sus ginoo.

"Huy! Anong nangyari sa mukha mo?!" Napalingon naman ako kay Drew na kasalukuyang tumabi sa akin, siguro nasa baba ngayon yung katabi kong baliw. Ginamit ko naman yung mata ko para malaman niya kung bakit busangot yung mukha ko.

"Syet talaga Kim! Balita ko may concert daw sila dito?!" Napahampas nalang ako sa noo ko, trending na naman yan por syor, tinan mo.

"Reaaaallly?!! *0* Nakoo, trending yan girl!" See? I told you! Ghaad!

"Hayaan mo nalang sila," pinat niya yung ulo ko tsaka ngumiti, kaygwapong nilalang oh, "Bayaan mo na kasi, masyado ka," sabay tawa naman niya ng mahina pero gwapo.

Hinampas ko siya pagkatapos, "Paanong pababayaan? Eh ayaw ngang tumigil?! Leshe!" Sabay pagcross arms ko at pout.

"Ayan ka na naman sa pout mo. Bayaan na nga--" Naputol yung sasabihin niya sana kaso tinawag na siya ni Amy, class treasurer, "Oh sha, Alex, tinatawag na ako ng minamahal mong ingat-yaman! HAHAHA! XD" At tuluyan na nga siyang umalis na parang walang nangyari.

By the way, I'm Valeriana Alex Lastein, 19 years old and currently a 4th year highschool student. Hindi po ako naulit or nalate magschool kundi I just had my Grade 7, 8, 9 and 10 school years. Awful, right? Alam ko, pero okay lang, sulit naman ang pag-aaral. At saka ganito talaga sa Murphy Academy, a rule will be always a rule. I'm Half-Fil and Half-British. Yun lang muna ang matutukoy ko para sa sarili ko.

"Good morning class," napatahimik naman kaming lahat nang pumasok na si Ma'am Research. Seh's a terror teacher, to be honest, pero malakas kami diyan. Class A po kasi kami.

Tumayo naman kaming lahat tapos nagbow, "Good morning too, Ma'am Pineda," nagba-bow kami for every greet dito sa school. Ewan pero tradition na raw talaga. Siguro dahil ang principal ay may lahing Korean?

"You may sit down," umupo kaming maayos pagkatapos. Halos one month na rin kami dito sa school pero puro officers and tops palang ang kilala, "So, Ms. Secretary, who's absent?" Napalingon silang lahat I mean sa tabi ko lang. Si Baliw lang naman kasi ang Secretary at wala pa siya.

Nakita ko namang nagtaas ng kamay si Asst. Secretary na lalaki, nakalimutan ko yung name niya pero ang alam ko may gusto yan kay BF Baliw kaya naging Asst, "Ma'am, the absentees are Mr. Choi and Ms. Guevarra."

Hate At First Sight [ EXO's Suho's Story ]ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon