Kabanata Isa
***
"Ma, una na ako." sabi ko kay mama bago ako umalis ng bahay papuntang paaralan.
Wala akong maisip na dahilan kung bakit ako papasok ngayon.
Foundation Day at siguradong tatamarin naman ang mga gurong magturo dahil talagang dapat ay libreng panahon ito para makapagparty-party silang mga thunders.
Nagtataka nga ako kung bakit di na lang gawing holiday ang mga ganitong araw para iwas pagod sa school.
Kaso bigla kong naalala. May agenda pala kami ngayon nila Tracy.
Wala naman ngang klase kaya maghahanap na lang kami ng mabibiktima.
Kanina pa ko nagsasalita pero ni hindi ninyo alam ang sinasamba kong pangalan.
Ayokong sabihin kasi baka pagtawanan ninyo ako. Pero dahil mukhang mababait naman kayo eh sasabihin ko na rin. Ako si Kri---
"JOEY!!"
ay, panira ng momment? Sabi nang wag akong tawagin ng ganyan at baka akala eh ung papable kong katabi ang tinatawag.
Nagtago na lang ako tutal dito ako magaling at para na rin makaganti sa pagtawag ng ganyang pangalan sa magandang ako.
Joey Kristine De Mesa ang aking sikat na pangalan at nakalagay sa birth certificate ko at ni wala akong alam kung paanong sa ganito kagandang dilag ay ipinangalan yan. Walang naglalakas ng loob na tawagin akong Joey dahil sa alam nilang mapapasama sila kapag tinawag nila akong ganoon.
Lahat ng tao sa unibersidad na ito ay takot sa akin. Di lang pala sa'kin. Sa aming tatlo dahil sa bali-balitang pinuno daw ng sindikato ang aming mga pobreng magulang.
Mga baliw talaga ang mga tao dito. Gumagawa ng ikakatakot nila. Pero maganda na rin 'to para iwas sa mga pagpapaautograph.
Noong bagong salta pa lang kasi ako dito at nalaman nilang nakasama ako sa isang pictorial ng sikat na magasin eh bigla-bigla na lang silang sumugod at pinagkaguluhan ako.
Sa totoo lang ay hindi naman ako ung kinukuhaan ng picture kundi ung kuya kong model. Nasa iisang school kami at ako na lang ang ginawa niyang pangharap sa tao para di na daw siya maabala.
Hiyang-hiya nga ako eh. Muntik na akong madaganan ng mga schoolmates ko nang hindi naman ako lumalabas ng bahay para malaman na hindi naman ako yung model.
Salamat na lang sa idea ng intelektwal kong kaibigan na magpanggap daw na matatapang kami para lumayo na sila sa amin. Doon na nga sila nag-isip na anak kami ng mga pinuno ng sindikato kaya kami matatapang at halos walang sinasanto.
Sumali pa ung kulugong si Andrew. Siya ung tumawag sa'kin kanina. At dahil kinakati na ako sa likod ng kung anumang halaman tong napagtaguan ko eh lumabas na ako.
At ang taong 'to. Isinisigaw pa ang kinamumuhian kong pangalan sa buong campus. Tapos bigla-biglang nakisabay na rin si Tracy sa kakasigaw.
Ano to?! Pacontest ng palakasan ng tawag sa pangalan ko?
-_________- antopak lang ng mga trip
Hinampas ko na lang sila ng sabay at ng magtigil na. Pinagtitinginan ng mga tao na agad din namang umaalis kapag tinitiganan ng masama ng mga kumag.
"Hoy anu ba? Di pa ba kayo natatanggalan ng vocal chords at wagas kayong makasigaw dyan ha?!"
Sabay yakap ba naman ng dalawa sa'kin na parang end of the world na at handa na kaming kainin ng lupa anytime.
"NAMISS KITA JOEY!!!" -Andrew
"Kailangan talaga pasigaw ha?! Ung tutuli ko baka matangay!!!" -ako yan. Asar talaga tong dalawang to. Pinagkakaisahan ako lagi. Kung di ko lang to mahal ipinalapa ko na to sa poodle ng prof. namin sa Philippine Studies.
"Uy..." -Tracy
"Oh anu un?"
"Wala bang mapaglilibangan dyan? May magsyota sa gitna ng field oh. Tara. Game ka?"
"Hala, bad yan." -Andrew
"Kapal ng mukha mo Drew. Bad bad ka dyan. Lapitan mo na at baka ikaw pagtripan namin nitong si Tracy."
"Saglit. May choice pa ba ko?"
"Meron! OO o OO. Ilan ung 'O' dun?" -Tracy
"Ilan? Akala mo di ko masasagot yan ha? *(sabay bilang at paulit-ulit na binigkas ung sinabi ni Tracy)"
Tumawa na lang kami ni Tracy. Malaki na talaga ang diperensya nitong taong to. At bago pa magalimutan...
"KILOS NA!" sabay pa kami ni Tracy.
Papalakad pa lang si Andrew eh nakapaskil na sa pagmumukha niya ang kanyang killer smile. Lahat ng lalaki ay nahahawi at ang mga babae ay nakatunganga lang dahil sa pagkamangha sa iilang pagkakataong makikita nila si Drew na ubod ng tamis kung makangiti.
Pero alam din nila na sa mga ganitong pagkakataon eh hindi makikipagngitian lang si Drew. May gusto siyang gawin kaya siya nakangiti. Manggulo ng buhay ng may buhay.
Pagkalapit pa lang ni Drew ay napanganga na ang babaeng kasama kanikanina lang ang kasintahan. Pero kasing bilis ng kidlat eh may narinig ang lahat galing sa babae...
"Andrew Santiago. I can be your new toy."
Partida at ni wala pang sinasabi si Drew. Napayuko na lang ung boyfri-- este exboyfriend nung girl tanda ng pagsuko. Nakakaawa naman. Di naman kapangitan ung lalaki. May makapal lang na salamin at nakatago ang mukha sa may kahabaang buhok.
Nakakatawa talaga mga babae dito. Mga desperadang makalapit man lang kay Andrew. Syempre, di na kami kasama ni Tracy dahil di kami "normal". Mga diyosa kami kaya dapat talaga kami ang niluluhuran at napapahalik sila sa lahat ng dinaanan namin.
Interesting. May bago na namang laruan si Drew at siguradong magiging laruan namin din to. Lalo na't anak siya mismo ng may-ari ng school na to.
"Let's go to my private room" aya ng babae kay Drew.
"I'm sorry Chloe but I had some important things to do."
Sabay akbay sakin at halik sa pisngi. Sanay na kami sa ganito. Ang magpakita ng paglalambingan at pagyayakapan sa harap ng madaming tao.
Iniwan na namin si Chloe at siguradong di na niya kami hahayaang makaalis ng wala siyang nagagawa.
Masaya to. :)))))
***
A/N:
eto ung una kong chapter sa aking nobela. trip trip lang at wla pa akong konkretong plano para sa kwento. maiksi lang to pero pag nakaisip ako ng magandang plot. magbago isip ko. :)
dito na lang muna. intay intay din sa nxt update.
-mille
BINABASA MO ANG
Bullying My Soulmate (ongoing)
RomanceWhen a bully girl meets her match... giyera ang labas. :)