Piso

17 0 0
                                    

"Manong para po!!!!", sigaw ko kay manong driver.

Sabay halungkat ng pamasahe sa bag.

"Anak nang?", nagpanic ako.

Inhale. Exhale.

Hindi ko makita ang wallet ko sa bag ko. Fuck!

Holy Shit!

Anak ng kabayo butiki at pato.

Panu to? Huminto ang jeep sa harap ng mall kung saan ako patungo.

Maggrocery sana ako sa supermarket ngunit nakalimutan ko pala ang wallet ko.

Ngayon tinatawag na ako ng sitwasyon. Tumingin sakin si manong driver.

Sa sobrang taranta ko, nag abot ako kunwari ng buong pera sa katabi ko sabay sibat ng jeep.

"Kuya keep the change po!"

"Halaaaaa!!! Bilis Maria Lionara Asuncion! Lintik ka. Harujusko!!! Lord give me four feet!!! Huhu"

Pagkaabot ng mga pasahero. Bawat maabutan ng iniabot kong bayad ay natatawa sila.

Pagdating ng bayad kay manong driver napamura siya.

"Tang inang mga kabataan ngayon! Sakay ng sakay wala naman palang pambayad. Punyeta. Ang mahal na nga ng gasolina nababawasan pa yung kita! Linteeek!" Sabit ni kuya driver na halos isumpa ako sa ginawa ko.

Inabot ko kasing papel ay resibo ng mang inasal.

Naku Lord sorry po. Hindi ko po kasi alam panu ako bababa ng hindi nagbabayad.

Nakapasok na ako ng mall. Hindi ako dumiretso sa grocery dahil alam ko namang wala akong dalang wallet at pera.

Naupo ako sa mga waiting bench ng mall. Nakasimangot.

"Panu ako uuwe??? Huhuhu. Takbo mode nanaman? Baka mahuli na ako. Mademanda. Mahabla. Mabitay dahil hindi ako nagbayad ng pamasahe! Huhuhu gusto ko pa po manganak Lord. Huhuhu", hagulgol ko dahil hindi ako sanay na walang pera at namomroblema sa pera.

Ako nga pala si Maria Leonora Asuncion. LENY nalang ang itawag nyo sakin.

Isa akong spoiled bratt. Maputi, mahaba buhok, sakto lang ang height at pangangatawan. Bagong graduate ng IT course sa STI.

Taga Makati ako pero nagmamagaling na kaya ko kumita ng pera na walang tulong nila maderlicious at paderlicious nagboard ako ng apartment malapit sa bagong work ko.

Nahire akong IT specialist sa iaang kilalang kompanya.

Shet. Anu na gagawin ko?

dahil nahihirapan na ako, at desperado makaipon kahit pamasahe lang pauwi...

Kinuha ko ang isang plastic cup sa may upuan at sabay birit. Bakasakali may maaliw magbigay kahit piso piso lang.

"A whole nea woooooorrrlllddd, a dazzling place i never knew. Huhuhuhu", artista na yan! Hahaha putek. Muntanga nanaman ako.

Pinagpatuloy ko ang pagkanta. Pinagtatawanan ako ng mga dumadaan. May nakita pa ako na nagvivideo sa may likod ko.

Nilapitan ko sabay sabing...

"Mahal talent fee ko! Magbigay kayo bente sa pagkuha ng video sakin! Kundi ihahabla ko kayo ng invention of privacy!"

Sa takot nila sa invention of privacy nagbigay sila ng bente tapos nagpaselfie pa another bente.

Yesss... makakauwi na ako. Lord. Thank you po! Whooo. Ambait mu bro!

Pagbalik ko ng upuan para kunin yung naiwan kong panyo sa upuan, may laman ng piso yung baso.

May sulat din.

"Uwi ka na. Eto piso.

              -san mo nabili yung confidence mo? XD"

The nerve.

Sabi ng guwardiya isang lalaki daw na gwapo ang naglagay ng piso sa baso ko,

habang kinokompronta ko yung mga estudyanteng kumuha ng video ko sa panahong kinakain ako ng lupa sa hiya.

Nakakahiya. Gwapo daw.

Itinabi ko yung piso.

Sana makita ko yung gwapong yun.

Ipapakaen ko sa kanya yung piso nya kasama ng tinatanong nyang confidence! Grrrrrr!!!!!!

Lucky MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon