Noodles

3 0 0
                                    

Kumita ako ng 80 pesos sa kakapalan ng muka ko;

at ayun ginutom ako sa sobrang stress.

"Lord thank youuuuu... hiiihh!", kinikilig kong sambit sa sarili.

80 pesos pwede pa ko bumili ng cup noodles sa 711.

Pagdating sa 711 kumuha agad ako ng tig 35 pesos na cup noodles nagbayad at umupo para kumain.

Sa harap ko ay may isang gwapong lalaki.

"oh shit. nabusog na yata ako hindi pa ako nakakahigop ng sabaw netong nissin cup. yummy mo naman kuya. hahaha" sa isip ko habang nakangiting nakatitig sa kaharap kong lalaki sa kabila ng salamin ng 711.

Starbucks yung katapat. Sosyal tong gwapong papa na to. naku kung dala ko lang yung wallet ko katabi sana kita crushhhhyyy... haha mala witch na tawa ko sa aking isip. Kaso isa akong malas na babae.

Malas na sa financial malas pa sa lablayp. sadface. yeah. its a very very sadface life.

Tinuon ko na yung atensyon ko sa cup noodles ko at humigop ng mainit na sabaw. hmmm...

Naalala ko ang lola ko.

Mainit na sabaw ang binibigay nya sa akin sa tuwing nagugutom ako at naghahanap ng mama nung bata pa ako.

Palagi kasing wala parents ko nung maliit pa ako. Kaya naiiwan ako sa Lola ko na napakasimple sa buhay... mahirap lang naman sila mama nung araw pero dahil matalino at masipag umangat sila sa buhay at sinwerte pa si mama sa papa ko. kaya ayun instant richkid ako pero nabored ako na palagi umaasa sa magulang.

kaya nagpakaindependent ako. ching!

wag nyu gagayahin kasi mahirap siya... pramis. bukod sa mahirap mamimiss mu yung pag aalaga ng mama at papa nyu. kaso matigas ulo ko. ayaw ko kasi ng madali.

Ewan ko ba. Obsess ako sa sariling sikap. kakapanood yata ito ng mga OFW stories. hahaha bwisit.

Pero masaya ako. Kasi abnormal parents ko. naiyak pa sila nung sinabi kong nabobored ako na andali ko nakukuha yung gusto ko. sabi pa nila sakin...

"I'm so proud of you Leny! Go. Fulfill your hearts desire..."

Hearts desire my face. ang hirap pala.. huhu. Rent palang ng place na tutulugan 3k na agad higaan at isang aparador lang maryosep.

kumikita ako ng 25k gada buwan. ibawas nyu 3K. minus 2k cutoff allowance minus foods. grocery. etc. natitira sakin 10k lagay sa savings.

Kaya ko to. sabay higop ulit ng sabaw at sipsip ng hibla ng noodles.

Napalakas yung higop ko lumusot sa ilong ko yung noodles!!!

Ouchhhhh...

yuck parang uhog. pagtingin ko sa salamin na nasa harap ko. kita ko yung repleksyon ko.

Pero ang pinakahindi ko makakalimutan ay ang repleksyong tumagos sa muka ko mula sa salamin ng 711.

Si crush. Humahagalpak ng tawa sa may starbucks.

yahhhhhhh no. no. no.

sigaw ng isip ko.

im a big turn off.

Lesson. Wag ka kakain ng noodles sa pwesto kaharap ang starbucks.

Period.

Uuwi na ako.

Baka madagdagan pa kamalasan ko.

Yuck talaga. bwisit na noodles yan.

Sumabay sa pag eemote ko.

At etong lalaking to. Magkikita pa tayu ulit.

Next time maglalaway ka sakin.

Bwahahaha.

I'll take my revenge next time.

Babayaran ko yung driver na yun ng doble sa susunod.

at etong lalaki sa starbucks pagbalik ko mayaman na ako bubuhusan kita ng chocola-te gang magmakaawa kang tikman kita. hahahahaha

huy joke lang. mabait ako.

Basta may araw din na sakin mapupunta yang ganyang halakhak.

Tinignan ko ng masama yung pogi na yun at sabay nilinis ko muka ko at umalis.

I shall return.

Abangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucky MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon