MAJOR PROBLEM

9 0 0
                                    

This past few days, lagi na lang sumasakit ulo ko. To the point na ang sarap ng iumpog sa pader. Buti nga at sa headboard lang ng kama ko siya inuumpog.

F*ck! Ang sakit na talagaaaa!

"Mommmy! Moooooommyyy!"

"Anak bakit?" Nag-aalala na si mommy

"Dalhin mo na ko sa ospital.hindi ko na kaya. Ang sakit na talaga ng ulooo koo!"

--------

Nagising na lang ako nasa ospital na ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pag sugod nila kuya at mommy sakin sa ospital. Nasa ibang bansa si daddy pero pauwi na daw.

"Mommy anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Ano daw pong sakit ko?"

Ang tagal nilang sumagot. Bakit ba panay iyak na lang sila! Ano bang nangyayari!

"Mommy! Kuya? Ano ba! Sagutin niyo ko! ANO BANG SAKIT KO?!"

"kasi....may brain tumor ka anak. Hindi na daw maagapan. Cancer na. Stage 3 anak. ..."

Bigla na lang gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit dahil nangyari ang mga gantong bagay. Naging mabuti naman ako? Pero bakit nangyayari sakin to?

"Ilang taon, buwan o araw na lang daw itatagal ko?"

"3 months. 3 months..."

Hindi ba pwedeng i extend ng 1 year? 2 years?

"May gusto ka ba anak?"

"Wala na ba talagang paraan para mas mabuhay ako ng matagal?!"

Hindi sila umiimik. Tumulo na naman luha ni mommy. F*ck this! Dapat di na lang ako nagising kung magiging ganto lang din!

Biglang pumasok yung doctor

"Doc di na ba ako gagaling? Hindi na ba madadagdagan yung buhay ko?! Hindi na ba talagaaaa!?"

"Sad to say iho. Wala na talagang paraan. Mas mabuting sulitin mo na lang ang natitira mong oras kasama ang mga mahal mo sa buhay"

F*ckkkk! GISINGIN NIYO KO! NAGBIBIRO LANG SILA DI BA? ANO TO MMK? ARTISTA NA KO? HINDI NAKAKATUWA

"anak may gusto ka ba?"

"OO! GUSTO KONG MABUHAY NG MAS MATAGAL! GUSTO KO PANG MAGKAROON NG SARILING PAMILYA! GUSTO KONG BIGYAN KAYO NG APO AT PAMANGKIN SI KUYA! GUSTO KO PANG PAKASALAN ANG TAONG MAHAL KO! MABIBIGAY MO BA SAKIN MOMMY?!"

great. Umiyak na naman sila. Bwiset ayoko ng ganto.

"May paraan pa ba? Kahit yung sa babaeng gusto mo na lang?"

"Bakit ano bang balak mo kuya?"

"Gusto mo bang maging kayo?"

Oo gustong gusto. Kaso hindi niya ko mahal.ni pagka gusto wala eh.

"Hindi niya ko gusto. Hindi mahal.at hanggang kaibigan lang"

"May paraan ako. Para sayo. Gagawin ko mapasaya ka lang."

Masama bang magpaka selfish kahit minsan?

3 DAYS  [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon