Chapter 6

122 9 15
                                    

CHAPTER 6

Hi! Sorry dahil ang tagal ko hindi nakapag update. Pumunta po kasi ako sa Tarlac with my fam tapos sabay mo narin na busy ako kaya, sorry talaga. :)

xxxx

WOAH! Siya ba yung lalaki na epal du'n sa Bora? Bakit nandito siya!? Wag mong sabihing..

Classmate ko siya?! No no NOOOO!

Napatingin siya sa gawi ko at yung mukha niya, NAKAKATAWA! kala mo nakakita ng multo. Pero na-realize ko na baka ganyan rin yung mukha ko kanina nung pumasok siya. Kaya tumahimik ako. Pagkatingin ko ulit sa kanya, aba ang loko, NAG SMIRK! Panget! Nakakaloka.

"Daniel John Ford Padilla. Pinaka poging lalaki sa balat ng langit at lupa." Ang kapal. Hindi man lang ba siya nahiya?

Ang lalandi ng mga classmates kong babae. Mag sigawan ba naman.

"Ang pogi ni fafaaaaa!" Sabi nung classmate kong binabae habang kinikilig-kilig pa.

"Akin ka na lang!!!"

"Shems! Nag smirk siya sa akin." Kapal neto.

"May bago na akong babyyy!" Bakit? Baby ka rin ba niya!?


Tapos tapos, bakit siya naglakad papunta sa direksyon ko?

Halaaaaa! Hindi pwede!

"Ms, Villaflor, lipat ka sa tabi ni Mr De guzman, Mr Padilla, pumunta ka sa tabi ni Ms Bernardo." Tinuro naman ako ni ma'am.

NO WAY!

"ANO MA'AM!? Okay naman po yung pwesto kanina ah?" Huhu, nasigawan ko yung teacher ko T_T baka ipatawag magulang ko! WAG NAMAN SANA.

"Sinasagot mo ba ako?" Nakakatakot naman itong teacher na to.

"H-hindi po ma'am."

Tumalikod na siya at inayos niya naman yung mga gamit niya,

"Kunwari ka pa Kathryn." WTH! BAKIT KILALA NIYA AKO? Stalker ko ba 'to? Sa ganda ko ba namang to?

"Asa." K, hindi ko talaga siya feel. I don't know why.

"Ang cold mo naman."

"Nah. Hot ako, HOT!"

"Oo nga e. Ang hot mo nga dun sa suot mong bikini nung nasa---------" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya. Dahil bigla ko siyang sinabunutan. ._.

WEIRD KO, PEROOOOOOO. ANG BASTOS NIYA! NAKAKAHIYA!

"O-oyy! Aaano baaa! Aaaahhh -aaaaah. A-ngsakit. T-tama n-na." Aha! Tama lang sayo yan.

"Ano nangyayari dyan Bernardo? Padilla?" Halaaa. Lagot.

Sinamaan ko naman ng tingin yung Padilla daw. "Wala po ma'am." Yumuko na lang ako, at baka ano pa magawa ko dyan sa lalaking yan. Bakla ba siya? Feeling close. Errr.


Nung nag bell na, agad naman nag silapitan yung mga echosera kong kaibigan.

"Kath!!!" Ang iingay. Tss.


"Oh." Inayos ko yung mga gamit ko, break time na e.


"Kilala mo yung Daniel?" Sinong Daniel? Hindi ko siya kilala.

"Huh? Sino yun? Hindi." Simpleng sagot ko sa tanong ni Jade.


"Eh? Kausap mo kaya siya kanina!" Sinong Daniel? Don't tell me, yung 'Padilla' ay yung 'Daniel' ? Tss. Pang bisaya.

"Ah yung Padilla ba? Hindi ko siya kilala. Epal lang siya, and nga pala siya yung lalaki nun sa Bora."

"Woah! Talaga? Destiny na talaga to Kath. Totoo? Totoo? Omg. May ka sparks ka na. Shet." Ka sparks? 'No yun? ._.


"Hindi ba puwedeng crush niya ako? At matagal ko na siyang stalker, at nag papa-pansin lang siya sa akin?" Okay, okay. Ako na makapal. Pero malay mo naman diba.


"Well, pwede. Pero gosh, baka hindi naman. Ang pogi kaya niya. Kung ganun man, hindi siya stalker. SECRET ADMIRER tawag du'n." Tiff. Srsly? Eh?

"Whatever. Lika na sa canteen, gutom na me!" Nag pout pa ako. Hihi, ang cute ko.

"Pst." Hay naku! Iyan nanaman si kuyang papansin. Yeah tama kayo, nandito nanaman si Mr Daniel Padilla? A.K.A Mr, Pervert.


Tinarayan ko na lang siya at nilagpasan.


Lumapit siya sa akin. At bumulong.

"May ketchup ka sa palda mo, pfft."

Oh my God! O_o

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon