Chapter 1

43 2 0
                                    


                   ~~~Nathan~~~

Bakit sabi nila nakakatakot magmahal? ....Kasi daw kapag nagmahal ka masasaktan ka lang. Parte ng pagmamahal ang masaktan, pero diba kapag Mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kahit sa buhay natin may problemang darating, dumadating at dumating. Na sayo ang dedesiyon kung ika'y lalaban.

4 taon na kaming magkaibigan ni Alex. Nagkakilala kami nung hinabol niya ako para isauli ang wallet ko. Nasa dyip ako nun sa sobrang pagmamadali ko hindi ko napansin na nahulog ang wallet ko sa kinauupuan ko. Ang laman ng wallet ko ay pera at I.D sa school. Papunta ako ng school nun. Nung nasa tapat na ako ng gate tinignan ko sa bulsa ko nawawala ang wallet ko. Tinignan ko na sa bag wala pa rin. May isang babaeng lumapit sakin at sinabing "ummmm.....kuya naiwan niyo po sa dyip, hindi ko alam kung pano ko ibibigay sayo yan, pero buti nalang nakita ko sa I.D mo same school tayo."...........Sobrang nakahinga ng ako ng maluwag. Haaaaay salamat......pano kaya paghindi nasauli sakin yung wallet ko. Maglalakad ako pauwi? Hindi rin ako makakapasok sa school. Kayaaaaa buti nalang may isang babaeng may magandang kalooban na bumalik ng wallet ko. First day namin nun, kaya hindi kami pwedeng malate. Nagpasalamat ako sa kanya at sinabe kong mauuna na ako kasi baka nandon na ang prof. namin sa room. "I'm Nathan, I have to go now, Babawi ako next time! See you again. Thank you ulet. Bye." Yan ang huli Kong sinabi sa kanya tapos nagnod siya then smile.

Pagpasok ko ng room, wala pa prof. namin. Nakakahingal tumakbo tapos punong-puno ng pawis ang mukha mo. Pagtingin ko may dalawang vacant chair kaya umupo ako don sa isa. After 10 minutes gwapo na ulet ako. Maayos ang buhok at hindi na pawis ang mukha. Haha. May isang babaeng tumatakbo at ang babaeng yun ay ang babaeng nagsauli ng wallet ko. Ang tanging vacant chair lang ay ang katabi kong upuan. Kaya pumunta siya sa vacant chair, kinausap ko siya at nagpasalamat ulet. Dun nagsimula ang pagkakaibigan namin. Ang pangalan niya Alex. At dahil gusto Kong bumawi sa kanya sinabi ko sa kanya na ililibre ko siya ng lunch. Una ayaw niya kasi sguro iniisip niya kakakilala lang namin. Pero dahil sguro sa kakulitan ko na rin pumayag siya. Hindi ko inaasahang mas magiging close Kami sa isa't-isa. At doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Hope you guys like it! :)

I'm SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon