He is a Mannequin..

150 3 4
                                    

HE IS A MANNEQUIN, PART 1 (work, study, life story)

"Okay. late nanaman ako". As always. yung tipong limang cartwheel lang yung school niyo mula sa dorm na tinutuluyan mo pero nalelate ka pa rin. Ganun talaga, mahirap maging working student. mag-aaral ka sa umaga, trabaho sa gabi. Oops! hindi yung trabahong nasa isip niyo ah? Waitress ako sa isang bar sa Makati. puro mayayaman at de kotse mga pumupunta dun, maswerte na kung mabigyan ka ng tip. legal naman yung bar na yun, walang mga hubo't hubad na mga babae at lalaki habang gumigiling sa harap. Ang meron dun, mga nag-aadik at mga naghahalikang mga lasing. papasok ako ng alas-8 ng gabi at uuwi naman ako ng 3am. mga 4 nako nakakauwi, depende pa kapag maraming nabasag na bote at nagwawala o makukulet na customer. pag-uwi, tulog. 7 30 ang pasok ko. gising ko 7 am. mwahaha.

"Ms Monina Rose!....Ms Roooooooooose!" (yan yung prof ko tuwing umaga,si Mrs Soledad Santos aka Mam Santol. nakakainis tong first subject kasi accounting agad, tapos muntanga pa yung prof niyo, english ng english kahit wrong gramming lage tapos favorite ka pa. urgh!)

"ma'am late nanaman yun!". epal nung kaklase ko, malapit nako sa room.

"pakisabi kay Ms Rose na iddrop ko siya pag hindi nagpakita sakin. Hindi na nga maganda ang grades niya, lage pang absent o late?"

"sige po Ma'am sasa......"

"Ma'am present! sorry ma'am kasi..."

"Ms Monina, I dont wanna hear any excuses. maguusap tayo after class nyo. see me in my office."

"yes Mam." sheeeet.asan na yung ID ko? buti hindi napansin ni Mam, mahigpit pa naman yun. palalabasin ka pag wala kang ID at book sa accounting. nalintikan na. >.<

after class ay hinanap ko na si Mrs. Santos sa faculty room. maswerte ako at di nya napansin ang ID ko. naiwan ko nanaman siguro sa bahay.

walang mga prof sa faculty, samantalang alas-4 pa lang nun. Tuwing Monday nga pala ay bilang na bilang ang prof sa school namin.

"Monina, come inside." tawag ni Mam Santos sakin. lumapit ako at hinatak ang isang upuan sa katabing lamesa. alam kong madibdibang usapan to.HAHA. kinakabahan ako. 

"Where are your parents?bakit nagttrabaho ka tuwing gabi?"

"po?" parang hindi ko naman nabanggit kahit kanino na nagwowork ako pag gabi. isa akong certified loner at loser sa school. wala akong panahon tumambay at makipagchikahan sa mga classmates ko.ni  hindi ko pa nga memorize pangalan nilang lahat e.

"I said, why at your early age, you are working already? sa ganung lugar pa? wala bang pakialam parents mo sayo? I am concern that's why Im asking you!" okay wala nakong nagawa at sinabi ko na ke Mam ang korning buhay ko.

"wala na po akong parents. di ko po alam kung sino nanay ko kasi yung kapitbahay namin nagpalaki sa akin. iniwan daw po ako sa tapat ng pinto nila. nakalagay daw po ako sa kahon ng sapatos may kasamang pera at mga gamit. pati pangalan ko di rin sigurado kasi kinuha lang daw nila yung Monina Rose doon sa paper bag kung saan nakalagay yung kahon na pinagkuhaan nila sakin."

"Im sorry to hear that. parang pang TV pala yung buhay mo. paano ka nakapag-aral? at nakapagcollege ka pa?"

"24 na po ako pero 2nd year pa lang. nung 4th year HS po ako, inatake sa puso yung umampon sakin. namatay po. kinuha siya ng relatives niya sa probinsya tapos ako naiwan. huminto po ako ng ilang taon at nag-aral,tapos inulit ko po ang 4th year at nakagraduate naman. dahil sa trabaho kaya nakakapag-aral pa ako ng college ngayon.."

"grabe naman yung mga magulang mo, nagawa nila yun sayo. pero sabi nga, lahat ng bagay may dahilan..hanapin mo mga magulang mo. paniguradong hinahanap ka din nila. matatag kang bata at bilib ako sayo.." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He is a Mannequin..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon