Prolouge

9 2 0
                                    

Bawat tao sa mundo ay may iba't-ibang karanasan sa buhay, at normal lang 'yon dahil tayong mga tao ay nakakagawa ng mga bagay na hindi natin sinasadya dahil sa dikta ng ating kahangalan.

Ngunit minsan, 'yung mga bagay-bagay na nagagawa natin ay ang dahilan ng ating pagtawa, pag-iyak, pagkasabik, at iba pang mga nagkahalo-halong emosyon. At sa paglipas ng panahon, ito ay magiging isang ala-ala na lamang na parte ng ating nakaraan.

Ang sarap seguro sa pakiramdam na magbabalik-tanaw ka sa iyong nakaraan at mapapangiti ka dahil mare-realize mo na ang dami mo na palang mga pagsubok na nalagpasan.

Pero paano naman ako? May mga tao bang tulad ko na hindi pa kayang bitawan ang nakaraan? May mga tao pa rin ba na hanggang ngayon, nasasaktan pa rin at patuloy na tinatanong ang sarili kung kailan magiging maayos ang lahat?

Ika nga nila, the past is past. But in my case, my past is still my present, and I'm trapped.

TrappedWhere stories live. Discover now