THE LOST LOVE STORY
Taong 1892, may magkasintahang nag ngangalang. Maria Felicidad Concepcion at Alfonso Tiabadre, ang kanilang pag-mamahalan ay hindi maganda. Kung ba'ga ito'y tinatawag na labag na pag-mamahalan, si Maria ay mula sa mayamang pamilya at si Alfonso naman ay kanilang trabahador lamang. Sila'y pinag hiwalay ng sila'y mabuko na magkasintahan, si Maria ay pinadala sa España at doon siya pinag-aral ng kanyang ama. Hanggang sa isang araw nalaman niya ikakasal na si Alfonso sa ibang babae, at ikinadurog niya ito ng husto.
Ngayon ang ika-18 kaarawan ni Maria, at hiniling niya sa kanyang ama na isama ang mga trabahador sa kanyang pag diriwang. At nais niya lamang ang simpleng salo salo, gaya ng pag kain sa dahon ng saging. Si Maria ang batang kahit ubod ng yaman ng knayang pamilya, nais niya pa din mabuhay ng payapa. Kung ba'ga maging normal yung tipong walang paki-alam sa yamang meron siya, gusto gusto niyang kasabay kumain sa mga trabahador nila. Kahit alam niyang magagalit ang kanyang ama.
Si Alfonso naman ay pamangkin ng isa sa mga trabahante nila, na nagngangalang Kanor. Si mang Kanor ang nag pasok sa palayan kay Alfonso at siya din ang dahilan kaya sila nag kakilalang dalawa, nung una pa lamang silang nag ka kilala nakarandam na ng kakaiba silang dalawa pareho sila ng edad kaya naman walang ibang problema kung hindi ang estado lamang nila sa buhay. Si Maria ay tinitingala ni Alfonso dahil siya ay anak ng kanyang amo. Ngunit sadyang kahit sino 'man hindi mapipigilan kung ika'y makakarandam ng tinatawag na pag mamahal sa isang tao. Dumating ang araw na silang dalawa lang sa palayan dahil may pag pupulong ang mg nakakatanda, kung ba'ga may mga bagay silang dapat pag usapan para sa palayan dahil hinihingi muna ng kanyang ama ang opinion ng iba bago siya mag desisyon ng tuluyan.
Nang silang dalawa na lamang sa palayan, nag lakas loob na si Alfonso na umamin kay Maria. Hindi siya umaasang mamahalin siya neto pabalik ngunit ang hindi niya alam pareho sila ng nararamdaman, sa una pa lamang nilang pag kikita iba na ang pakiramdam nila sa isa't isa. Nang umamin si Alfonso ikinagulat niya ng sabihin ni Maria'ng gusto rin siya ng dalaga, pinili nilany itago ang kanilang pag mamahalan dahil alam nilang ikagagalit ng lubos ng kanyang ama pag nalaman niya ito. Kaya nag kasundo sila na itago ito ilang buwan din ang dumaan hanggang sa nalaman ng tiyuhin ni Alfonso ang kanilang lihim na pag mamahalan, sa sobrang pag mamahal niya sa dalawang bata pinili niyang 'wag mag sumbong dahil ayaw niya din masaktan si Maria napamahal na ng sobra sa kanya ito halos ituring niya na itong isa sa kanyang mga anak, sa laki ng naitulong nito sa kanyang pamilya. Naki-usap sa kanya ang dalawang mag kasintahan na 'wag siyang mag sumbong sa kanyang amain, natigilan si Kanor ng panandaliana at nag isip ng malalim. Maya-maya'y nag pakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at pumayag na itago nila ito.
Makaraan ang Anim na buwan simula ng mabuko sila ni mang Kanor, naka halata ang kanyang ama sa mga kinikilos ni Maria dahil halos araw-araw na itong nasa palayan. Oo dati pa siya'ng nasa palayan araw-araw ngunit sa bawat araw na nadaan lagi siyang nag mamadali na pumuntang palayan, na tila ba may gustong kitain hanggang sa isang araw nag desisyon ang kanyang ama na pasundan siya ng palihim sa kanyang katulong. At doon nakita ng katulong niya na may kasintahan na nga si Maria sa palayan, ng pag-uwi ni maria sa bahay nang kinagabihan. Tinanong siya ng kanyang ama saan siya galing, at sumagot ito na sa palayan lamang, tinanong muli siya "sa palayan? Sa gantong oras ng gabi? Ba'ka naman may kasintahan ka ng bata ka, umayos kung ayaw mong maipadala kita sa España" ani ng kanyang ama, agaran naman siyang tumugon na wala siyang kasintahan.
Kinabukasan ay pumunta sa palayan ang kanyang ama at doon sila nakitang mag kasama ni Alfonso, na lubos na ikinagalit ng kanyang ama kaya nag bitiw agad ito ng saliatang. "Manang ayusin ang gamit ni Concepcion, at ngayon din ay dadalhin siya sa España". nag maka-awa sa kanya ang kanyang anak ngunit nag matigas siya hindi siya nag padala sa kanyang emosyon, hindi niya kayang nakikitang umiiyak ang kanyang unika-iha ngunit hindi pa ito tapos sa kanyang pag-aabogasya. Ayaw pa nito na mag karoon ito ng kasintahan.
Nag-sulatan ang mag kasintahan gumawa sila ng paraan para lamang mapatunayan ang kanilang pag mamahalan, sinabihan ni Alfonso si Maria na mag-aral na muna ng mabuti sa España upang pumayag na ang kanyang ama pag dating ng tamang panahon. Sumang-ayon naman si Maria at nangakong hindi siya mag ka-karoon ng ibang kasintahan wala ng iba kung hindi siya lamang. Ang hindi alam ni Maria pinag kakasundo na ng kanyang ama si Alfonso sa ibang babae, pinilit ni Alfonsong ipaglaban ang kanyang pag mamahal sa dalaga ngunit natalo siya ng ama ni Maria.
Gumawa ng lihan si Alfonso para kay Maria, at nilalaman non na kung ano 'man nag malalaman ni Maria'y nawa hindi siya maniwala, at isipin niyang malalim kung talaga bang kaya niya 'yun gawin. Ngunit ang liham na ginawa niya'y tinago ng ama ni Maria sa kanya hanggang sa pumirma siya kontratang kahit anong mangyari hindi niya na babalikan si Concepcion, at napilitan siyang pirmahan ito alang alang sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
Tuwang tuwa si Maria ng makita niyang may liham ang kanyang lamesa, ngunit ang hindi niya alam ito'y isang imbitasyon. Imbitasyon sa kasalang Alfonso Tiabadre at Angelita Degrid, nang mabasa niya ang imbitasyon ikanadurog niya ito ng lubos ngunit kahit na masakit isiping sa iba ikakasal ang lalaking kanyang pinaka-mamahal pupunta pa din ito sa inaakala niyang pinaka masayang araw ng kanyang dating kasintahan at ang lalaking minahal niya ng lubos. Pag dating niya sa kasalan bago mag salitan ng sumpaan ang dalawang mag kasintahan tumingin muna si Alfonso kay Maria at humingi ng tawad punong puno ng luha ang kanyang mga mata, habang nag papalitan si Alfonso at Angelita ng pangako sa Diyos. Napaka bigat n ang dibdib ni Maria sa kanyang nasasaksihan para siyang sisaksak sa likod ng paulit-ulit, halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Sa inaakala niyang sa kanya mag papakasal ngayon ay nasa ibang babae na at ang dalawa'y nasa harapan niya pa, iyak na ng iyak si Maria habang nag babatuhan ng pangako ang dalawa at hanggang sa mag halikan sila hindi mapigil ni Maria ang sakit.
Umalis siya ng luhaan sa simbahan, at simula noon hindi na siya naniwala sa tinatawag na oag mamahal naka pag-tapos at tumanda siyang hindi nag karoon ng kasintahan nag ampon lamang siya upang may taga pag mana siya, sinunog ng kanyang ama ang liham sa kanya ni Alfonso kasama ng dokomento na kanilang pinirmahan kaya hindi na nalamab ni Maria ang totoo. Nawala siya sa mundong may sakit sa pusong dala dala buhat sa kanyang pag ka dalaga. Kaya binilinan niya ang kanyang anak anakan bago siya mawala'y maging matalino ito sa pag pili sa taong kanyang mamahalin.