Prologue

256 81 15
                                    

D I S C L A I M E R

This is work of fiction.
Names,characters,places and incidents are all product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons , events, or even other story is entirely coincidental.

I do not owned all of the pictures (also illustrations/photo used for book cover) Credits all to the rightful owner.


WARNING: Story contains matured content. Not suitable for young readers. You have been warned.

──────

Prologue

"Are you breaking up with me?" tanong niya ng wala man lang kahit na anong emosyon sa mukha habang nakaupo sa lap ng isang stranger.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipagkita sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko na halos bumaon ang kuko sa palad ko. Nangingilid ang luha sa aking mga mata pero pinigilan ko 'to.

"Ooops my bad? Do we have any label? I believe, there's none." nakangisi niyang sabi.

Matalim kong tinitigan ang lalaking nakahawak sa kanyang baywang. Nais ko siyang lapitan at suntukin ng walang katapusan hanggang sa mawalan ito ng malay pero sino nga ba ako? I'm just one of her boys. I'm just a stupid idiot na parang aso na kahit ayaw na sa kanya ng amo ay hindi magawang umalis.

Ayoko na.

Ayoko na...

Ayoko na....

"Anong....anong ... oras kita susunduin?" nakayuko kong tanong.

"pftt..hahaha!" malakas na pagtawa ng lalaki ngunit pilit kong kinokontrol ang galit ko.

"No need, meet me tomorrow, same place." plain niyang sagot.

"O-ok. Aalis na ako."

Mabigat ang loob ko na lumabas ng bar. Wala akong pakialam kung sino man tao ang makabangga ko hanggang sa isang lalaki ang humigit sa kwelyo ko at bigla akong sinuntok sa mukha.

"Gago ka ah! Siga ka ba!? Ha!? Aba! Hahaha ano yang titig mo? Ano? Papatay ka?" galit na hiyaw ng lalaki.

"I'm sorry sir, ayoko saktan ka. Mauna na ako." paalam ko ngunit hinawakan niya ako sa balikat.

"At satingin mo ba pakakawalan na lang kita -- ah!"

Hindi ko na ito pinagsalita pa, sunod-sunod ko itong binigyan ng malalakas na suntok. Maraming gusto pumigil sa akin ngunit pinangungunahan sila ng takot.

"Sir tama na! Wala ng malay oh! Tumawag kayo ng pulis!" hiyaw ng babae nang bigla ako matauhan.

Nabigla na lang ako ng makita kong may dugo na ang kamay ko at wala ng malay ang lalaki. Kasunod kong narinig ang mga sari-saring bulungan ng mga taong nasa paligid.

"I'm sorry! hindi ko sinasadya! Tumawag kayo ng ambulansya! " natatakot kong hiyaw ngunit tila walang nakikinig sa akin.

"June, anong ginagawa mo!?" hiyaw niya.

"Eriz bakit ka narito? Di ba nasa kwarto ka kasama ang lalaking --"

The Story Of The Worst Girl I Ever LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon