XELLA POV'S
5:30 am Ang Oras ng Magising ako Hindi ko na nakita si Dad ganun din si Mommy. si Nanay Andeng nalang ang Nandito sa bahay ang Helper namin na syang naka schedule para sa Araw na ito at ang kasambahay na nakalakihan ko at itinuring ko na ding parang Nanay
"Nanay Andeng sila Daddy?" Tanong ko dito habang tinatahak ang papunta sa Kusina
"Ay Iha kanina pang Alasingko sila Umalis. May Hearing Daw kasi ang Mommy mo Ang Daddy mo naman May Meeting sa Cebu kaya ibinilin nalang sa'kin na sabihin sa'yo at tsaka pala iha may iniwan na Pera sa'yo ang Mommy mo Allowance mo daw hanggang Katapusan" hayag nito habang inihahain ang mga Pagkain sa Mesa. sumulyap ako sa Mga pagkain na inihahain ni Nanay Andeng. Paborito ko iyon. Sinangag tsaka Tuyo Ng Batangas at Maalat na itlog Mayroong Kamatis.
Bagamat Paborito ko ang Mga inihahain nya ay may Parte sakin na Parang wala akong Gana.
"Iha halika na, Maupo kana rito. Ibinilin din sa'kin ng Mommy mo na Wag kang Hayaang Bumiyahe nang walang Laman ang iyong Tiyan" nakangiting Wika nito. Bakas ang iilang Guhit na palatandaan ng Katandaan ang Mukha nito. ngunit maputi ito at palangiti kaya naman Hindi masyadong Halata
"Sige Po Nanay Andeng, Ehh Kayo Po? Nagalmusal na Po ba kayo?" Tanong ko rito dahil mukhang Maaga din syang Nagising para ipagluto ako ng Mga Paborito ko
"Iha , Wag mo na akong Intindihin . ang Mahalaga makakain ka bago ka Lumuwas. Mahirap na ang walang Laman ang Tiyan, lalo na't Papasok kapa sa eskwelahan" kalmadong wika nito.
Ngumiti ako at bahagyang umupo sa Harap ng hapag kainan
Agad naman nitong Inayos ang Plato ko at nilagyan iyon ng Pagkain.pero hindi iyon Nagtagal Dahil inako ko agad ang Gawain na Iyon.."Nanay Andeng ako Na po" agaw ko sa Sandok mula sakanya
"Iha Talaga, Ako na" pagpilit nito sa gawaing iyon pero hindi ako nagpatinag
"Ako na po Nanay Andeng" tuluyang inagaw ang Sandok mula sakanya at naglagay ng sariling pagkain sa Plato ko
"Hayy.. Mula noong Bata ka hanggang Ngayon hindi kana Nagbago, hindi mo man lang ako Hinahayaang Gawin ang trabaho ko bilang kasambahay dito" may himig ng pagtatampo sa boses nito
"Nanay Andeng naman, Ngayon ka pa ba Magtatampo? Eh malaki na ako? At tsaka madali lang naman tong Gawin eh at isa pa hindi po kasamabahay ang turing ko sainyo, alam nyo naman yan eh " muli akong tumingin sa may edad na kaharap ko. Ngumiti ako dito at ngumiti rin ito pabalik sa'kin . isa sya sa mga Kasambahay na kinalakhan ko dito sa Batangas kaya gayon na lamang ang Respeto ko sakanila..dahil sa sobrang pagiging Busy ng mga Magulang ko ay sila lamang ang Nakakasama at nakakasabay kong Kumain
"Oo na po Aming butihing Iha" wika nito at ngumiti sa'kin
"oh Nanay Andeng, gaya ng Dati?! " Tanong ko dito na may halong kinang ang Mga Mata ko.
"Oh sige ba" sang ayon naman agad sa'kin ni Nanay Andeng.
Agad itong umupo sa harap ko at kumuha ng Sarili nitong Plato at sinabayan ako sa Pagkain.
"Kamusta pala ang Pag-aaral mo?" Bukas nito sa usapan.. Gaya ng nakagawian sya lamang ang Nagtatanong sakin ng mga ganitong Bagay. Bukod sa Pag-aaral ko ay sya lamang ang nakakaalam sa mga sikreto ko mula noong bata pa ako. kaya naman Ganun na lamang ang Gaan ng Loob ko sakanya dahil kapag wala akong masabihan ng mga problema ay nandyan sya para tanungin ako sa mga bagay Bagay
"Ehh ayun po, okay na po sana kaso May biglang asungot na Nanggulo ng maayos kong Pag-aaral" simangot na salaysay ko sakanya
"Asungot? Paanong Asungot yan iha?" Takang tanong nito at muling sumubo
YOU ARE READING
Love Towards The Sky( Laxamana Series#1) On-going
Teen Fiction(On-going) Nagsimulang Isinulat: April 2021