XELLA CORTEZ
Hapon na ng matapos ang Pagsasaya namin nila che at Elly sa E.K kaya naman hapon narin kami bumiyahe na nagresulta naman ng paggabi ng uwi namin, tahimik lang ako kanina habang nasa Taxi hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas dahil pakiramdam ko ay naubos lahat ng enerhiya ko sa pagsakay sa mga Rides kasama si Che at Elly. ramdam ko rin ang Hilo dahil hindi ako sanay bumaiyahe, dagdag mo pa na wala na ang lahat ng Lakas ko, ganun din ang Boses ko dahil napaos kanina sa pagsigaw-sigaw na ginawa namin..
Wala akong choice kundi sumigaw dahil kung hindi naman ako sisigaw para akong napilitan lang sa pagsasaya. Kaya naman kinareer ko talaga,
"Bebs! Dito kana?" Tanong ni Che habang nasa Loob ng Taxi kasama si Elly .
"Oo dito na ako" pagsagot ko, halos hindi pa marinig ni Che dahil sa paos ko,
"Oh sige, una na kami ha? Hahatid ko pa 'tong si Elly sakanila. Nanghihina na Gutom na gutom na HAHAHAH! Sige bebs!!" Paalam nito at tuluyang isinarado ang pinto ng Taxi, tumango na lamang ako at pinanuod ang pagharurot papalayo ng Taxi,
Bumuntong hininga ako ng mawala na sa paningin ko ang taxi na kanina ay lulan ako.
Agad akong nagsimulang maglakad, bahagyang tumingin pa ako sa building na may ilang palapag.
Madilim na sa labas na syang kinalalagyan ko dahil alasyete na rin ng Gabi, ilaw nalang ng Mga condo ang nakikita ko mula sa building na tinatanaw ko,Muli ay nagsimula akong maglakad papasok ng building, dama ko ang Katahimikan ng Lugaw, bahagyang umihip pa ang hangin at damang dama ko ang lamig niyon,
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nilamig sa hangin na iyon gayong wala namang pagbabadya ng ulan sa kalangitan, tanaw pa ang mga bituin mula sa payapang kalangitan ngunit iba ang lamig ng hangin at gabing ito para sa'kin
Siguro dahil sa pagod sa pagsasaya at sa pagbiyaheng ginawa ko, pakiramdam ko magkakasakit ako dahil parang bugbog ang katawan ko,
Pagpasok ko sa building ay agad akong sumampa sa Elevator, nasa ikaapat na palapag lang ang Condo unit ko kaya naman hindi ako nagtagal sa elevator, niyakap ko ang sarili ko dahil parang mas nilamig pa ako kumpara kanina.
Walang katao-tao sa paligid kaya naman mas ramdam ko pa ang pagiging malamig sa parteng aking nilalakaran papunta sa condo ko,
Ng makalabas ako sa elevator ay tinungo ko agad ang Kinalalagyan ng condo ko,
Nang makarating ako sa harap ng Pinto ay tsaka lamang naisip ng utak ko na hindi na pala ako nagiisa ngayon sa condo na iyon, dahil may kasama na pala akong sakit sa Ulo
Sinusian ko agad ang doorknob at nabuksan ko iyon ng walang kahirap hirap. madilim sa Condo at parang Wala pang taong dumating,
Tinanggal ko ang sapatos ko at nilagay iyon sa lalagyan ng mga sapatos bago tuluyang tumungo sa Sala,
Madilim parin sa gawi ng sala na nilalakaran ko, hindi na ako nag-abala pang Buksan iyon dahil balak kong matulog agad dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Ng makarating ako sa Sala ay agad kong napansin ang ilaw sa kusina na bukas,
Nagtaka ako sa pagaakalang hindi pa dumadating ang sira-ulo kong roomate,
Kaagad kong tinahak ang papunta sa kusina at tinignan kung may tao ba sa gawing iyon
"Ronquillo" Tawag ko, dahil sya lang naman ang Taong pwedeng nandun sa kusina,
Bukas ang Ilaw, gayon din sa Cr
Sa pagod na nararamdaman ko ay parang papikit na ang mga mata ko.
YOU ARE READING
Love Towards The Sky( Laxamana Series#1) On-going
Teen Fiction(On-going) Nagsimulang Isinulat: April 2021