Napaupo si Kalleigh sa isang sementadong bench na nasa field ng eskwelahang pinapasukan. Hinagilap niya ang kanyang bag at kinuha ang pitaka sa loob. She then started counting the money she have on her wallet.College na si Kalleigh. At kasalukyan niyang tinatahak ang kursong Architecture. Paborito niya kasing talaga ang pagguguhit. Dagdag pa ang hilig niya sa mga numero.
Ang pagtatag ng mga gusaling dinesenyo niya mismo ang naging pinakauna niyang pangarap mula sa kanyang pagkabata. At magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago.
Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi habang inilalagay ang parteng pang tuition fee sa bahaging bakante sa loob ng kanyang wallet.
'I'll pay later.' Saad niya sa kanyang kaloob-looban.
Truth is, Kalleigh got a lot of money. Aside from her part time job as a delivery girl. She also do paintings. And the smallest canvass cost five thousand pesos each. And of course, the bigger one cost much higher.
Madiskarte kasing tao si Kalleigh. Hindi tamad at matipid din. Kaya marami siyang perang naiipon. Ngunit ang perang kanyang naiipon ay mayroon ring mga pinaglalaanan.
Maagang pumanaw ang kanyang lola na siyang nag-alaga sa kanya mula pagkabata. Sa edad na sampong taong gulang, kumikita na siya mula sa mga nagpapa-drawing sa kanya. At nang sumakabilang buhay ang kanyang lola sa edad niyang kinse, doon niya natutunan ang pagpa-part time job.
Hindi madali nung una, underage palang kasi siya kaya sa mga maliliit na kainan lang siya nagtatrabaho. Buti lang din at nagtagpo ang landas nila ni Mrs. Guzman sa plaza noon. Hinablutan ng bag ang ginang ng isa sa mga batang hamog doon. Mabilis namang naharangan ng sadyang mataas na si Kalleigh and snatcher kaya nasauli sa ginang ang kanyang bag. Mula noon, naging mabait ang ginang sa kanya at binigyan pa siya ng iskolar. Nang tumuntong siya sa tamang edad, namasukan na siya bilang delivery girl sa mismong chain ng ginang.
Pagkatapos niyang kumain ng kanyang snack saglit sa bench, tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Ayaw niya kasi sa canteen dahil puro lang pasosyalan ang nakapaligid doon.
Kung may higit na ayaw si Kalleigh, yun ay ang mga sosyal na tao...
Parang si Mrs. Guzman lang kasi ang mayaman ngunit mapagkumbaba na nakilala niya. Madalas kasi siyang makatagpo ng mga mayroong malalaking ulo dahil sa malalaki ang pera nilang dala sa bangko.
Brats...
Lumiko siya sa isang pasilyo. Doon ang daanan patungo sa registrar's office. Now she will pay for her tuition. And because she earned enough, she'll pay for her whole school year.
Hindi na kasi niya tinanggap pa ang scholarship ni Mrs. Guzman para sa college niya. Malaki na ang naitulong ng ginang sa kanya. At isa pa, nagta-trabaho naman siya sa business nito at malaki din naman ang kanyang kinikita.
Sapat na iyon para sa kanya...
Kalleigh is focused on walking. While the students around her, can't help but admire her beauty. As always. She's just an eye catcher. A very hard one to resist.
"Kal!" Kalleigh heard the familiar voice of her friend Jane.
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. She saw the latter walking towards her direction. Mabibilis ang lakad. Mabibigat ang hakbang. Nakasimangot ang mukha.
Tinaasan lang niya ito ng kilay at mapang-asar na ningitian.
Nang makalapit si Jane kay Kalleigh, isang malakas na hampas ang natanggap niya mula dito. Doon na kumawala ang napakalakas na halakhak ni Kalleigh. Hindi na niya talaga napigilan pa ito.
BINABASA MO ANG
Lost
RomanceWhen your plans are all set up and you have already arranged your pathway to walk on. A very unexpected feeling came rushing through your veins. Eyes met, heavy breath, hot skin... Everyone calls it temptation. Whilst temptation leads you to lust. A...