Chapter 2

8.7K 396 60
                                    

Dice

"Nandito yung favorite customer mo." Bungad sakin ni Jane. Automatic naman na nilibot ko ang paningin ko at napangiti nang makita ko si Miss Shannon. Ang aking favorite customer. Pangatlong beses na nyang makabalik dito. Napapansin ko na once a week lang yun. At tuwing ganitong oras. 

Aminado naman ako na favorite ko sya. Tuwing nagpupunta sya dito, iba-iba ang order nya pero laging may water. At ako naman lagi syang binibigyan ng chocolate drink. Napansin ko kasi na pag kape ang ibinibigay ko, ang dami nyang reklamo. Pero pag choco drink, tataasan lang ako ng kilay at hihinga lang sya ng malalim. 

Nakakatawa lang kasi tinatawag nya akong mister. Hindi naman ako lalaki eh. At hindi rin naman ako lesbian. Ewan ko ba bakit imbes na maganda eh gwapo ang mukha ko. Idagdag pa na medyo maikli ang buhok. Ayaw ko kasi ng mahaba kaso nagtitipid ako sa shampoo hehe. 

Hello. Ako nga pala si Destiny. Dice nalang for short. Babae po ako. Mali ka jan sa inaakala mo~. Hindi rin po ako tomboy o ano pa man, pero feeling ko malapit na kasi crush ko talaga si Miss Shannon.

She's really stunning. Beautiful. Elegant. Hays. Curious tuloy ako kung anong trabaho nya? Hindi naman sya mukhang teacher. Hindi rin mukhang businesswoman? At hindi rin naman siguro model? Ewan pero wala kasi syang pang model vibes. Hehehe. Parang napaka seryoso naman kasi niya. Baka naman principal?

Agad akong gumawa ng chocolate drink. Strawberry cake ang order nya ngayon. Alam na ng kasama ko na ako dapat ang magbibigay kay Miss Shannon nito. Medyo kinikilig pa ako habang palapit ako sa kanya. Sakto naman na umangat ang ulo nito mula sa pagkakatitig sa phone nito. 

Grabe napaka blangko naman ng mukha nya. "Miss Shannon, one slice of strawberry cake, and a free chocolate drink."

"Thanks." 

Okay na ako dun. Actually, lahat kami dito ay may free meal. Pero ayoko naman magka diabetes, kaya kay Moss Shannon ko nalang nabibigay ang free ko pag nandito sya. Isang beses lang naman sa isang linggo eh. At sa ibang araw naman, sa tatlong kapatid ko nalang binibigay. 

"You looked pale. Always." 

Nagulat pa ako sa sinabi nya. Ako? Eh talaga naman yatang maputla na ang kulay ko eh. "Po?"

" Nothing." At nagsimula na itong sumubo ng cake. How I wish ba ako nalang yung kutsara nya. May kinuha ito sa dalang bag at inilapag sa ibabaw ng table nya. Mga gamot? "Vitamins." Tipid na sabi nito sakin. "Take it."

"Para sakin?" May pagtataka pa rin sa mukha ko. Binili nya ba para sakin?

"Yeah. Don't worry, I'm a doctor so I'm sure that these vitamins are safe."

A doctor?! OMG! Hindi ko naman naisip na isa palang doktor si Miss Shannon! Hindi naman kasi halata sa itsura nya! No offense pero ang akala ko kasi lahat ng doktor ay may edad na. Parang gusto ko tuloy malaman ang edad nya. Ibig sabihin Doc Shannon na ang itatawag ko sa kanya?

" S-salamat." Kinuha ko na yung mga vitamins at bumalik na muna sa counter. "Jane. She's a doctor!" 

"Eh?!"

Ipinakita ko sa kanya yung mga vitamins. "Heto oh, binigyan nya ako." 

"OMG Dice. Crush ka nya!" Parang kinikilig pa na sabi nito. 

"Binigyan lang ng vitamins crush na agad? At tsaka akala siguro nya lalaki ako eh. Mukha ba akong tomboy Jane?"

Natawa lang naman sya sa tanong ko. "Hindi ka mukhang tomboy, Dice. Ang gwapo mo kaya. So, mukha kang guy talaga. Bakit kasi wala kang boobs?" 

Bachelorette Series #1 : Shannon, The Doctor (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon