Seoul, South Korea.
Nakatayo sa corner ng olympic-size skating rink ang nineteen-year old na si Choi Ji Won. Maiksi ang suot n'yang puting dress at naka-pusod ang mahaba n'yang buhok. Bahagyang ika-kaskas n'ya sa sahig na yelo ang kanyang skating shoes. Swabeng dudulas iyon. Mapapangiti si Ji Won. Hihinga muna siya nang malalim, bago mag-pose. Ready na siya for her routine.
Mabilis na babaling si Ji Won sa gilid ng rink, kung saan nakatunghay ang ama niyang si Hae Jin. Tatanguan siya nito, na tila ba sinasabing goodluck, you can do it! Tipid na ngiti ang itutugon ni Ji Won.
Papailanlang sa buong stadium ang boses ng Announcer, "Number seventeen, Choi Ji Won!" Kasunod ng introduction kay Ji Won ay tutugtog ang pamilyar na kanta ni Celine Dion mula sa pelikulang Titanic -- ang My Heart Will Go Onl
And just like that, sisimulan na ni Ji Won ang kanyang performance. Mag-ga-glide siya sa ice rink na para bang feather na nililipad paroo't parito. Swabe ang bawat galaw niya. Sabay na sabay sa tugtog ang choreography n'ya. Parang naglaho sa paningin ni Ji Won ang mahigit dalawang libong tao na nanonood sa kanya sa stadium. Nablangko rin sa kanyang pandinig ang ingay ng paligid. Ang buong concentration niya ay nakatutok sa kanyang mga spins at jumps.
Sa gilid ng rink ay proud na pinanonood siya ng amang si Hae Jin. Pero pigil-hininga rin ito, at tila tahimik na pinagdarasal na magampanan nang maayos ni Ji Won ang mga jumps niya.
Amazed ang mga sports fans sa audience, maging ang mga judges at announcers. Nakatutok lahat ng mga camera kay Ji Won, inaabangan kung magagawa niya ang magkasunod na triple axel jump na ilang buwan niyang inensayo at pinaghandaan.
Para kay Ji Won, napaka-importante ang tournament na ito. Nakasalalay sa pagkapanalo niya ngayong gabi ang pagsali niya sa darating na Winter Olympics. Bata pa lang ay pangarap na niyang makalahok sa olympics at mabigyan ng karangalan ang bansang Korea. Kaya habang ang mga kalaro niya noon ay nanonood pa ng cartoons at nagsi-seesaw sa playground, laman na ng gym at skating rinks si Ji Won. Kakaunti lamang ang mga kaibigan niya dahil ang madalas niyang kasama ay ang ama, na siya ring coach at trainer niya.
Minsan ay nagkomento ang isang reporter, "It seems that you never got to enjoy your childhood." Pero, kinorek siya ni Ji Won. "Who said I didn't enjoy my childhood? I'm happy dahil sa murang edad ko, nagagawa ko na ang gusto ko. Natutupad ko na ang pangarap ko. Oo, hindi ko nga na-enjoy yung paglalaro, at pagiging carefree gaya ng mga ka-edad ko. Pero kapag nasa skating rink ako, pakiramdam ko nasa langit ako -- at ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo."
Lumaking walang ina si Ji Won. Namatay raw ito sa panganganak sa kanya, sabi ni Hae Jin. Minsan ay tinanong ni Ji Won ang ama kung nami-miss ba nito ang nanay niya, at kung sinisisi siya nito sa pagkamatay ng ina. Sagot ni Hae Jin, "Hindi mo kasalanan na nawala ang iyong omma (nanay). Kinuha siya ng Diyos dahil nagampanan na niya ang purpose nya sa mundong ito -- ang isilang ka. Pero ikaw at ako, may purpose pa tayo. Ang purpose ko ay i-train ka para marating mo ang rurok ng iyong potensyal. Ang purpose mo naman ay maging kampeon!"
Mula noon, sa tuwing gigising si Ji Won sa umaga, iisa ang laman ng isip niya -- paano ako magiging mas magaling ngayon kaysa kahapon? At ngayong nineteen years old na siya, iisa pa rin ang goal niya, at iyon ay ang maging pinakamagaling na figure skater hindi lamang sa Korea, kundi sa buong mundo!
Sinubaybayan ng buong Korea ang unti-unting pag-angat ni Ji Won sa larangan ng figure skating. Mula sa isang dalagitang nangangarap, na hinasa lamang ng amang panadero, siya na ngayon ay laman ng mga sports magazine at kilala ng marami bilang Korea's Ice Princess.
Kaya naman nakatunghay ngayon sa kanya hindi lamang ang dalawang-libong tao sa loob ng stadium, kundi ang buong Korea. Bakas ang excitement sa boses ng announcer, "Choi Ji Won looks like she's riding the wind. Graceful moves, beautiful execution of the mohawk and the flip jump. She's getting ready now for an axel. No one has done a triple tonight. Everybody here is expecting her to do it!"

BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Roman pour AdolescentsSlowly, the two of them will dance along with the romantic music. Sa umpisa ay yuyuko si Ji-Won, ramdam niya ang tingin ng mga tao sa paligid. Pero biglang ilalagay ni Dong-Gun ang isang daliri sa baba ng dalaga, saka iaangat ang mukha nito. "Tuming...