Chapter 2

3 0 0
                                    

"IPAKULONG n'yo siya, Papa!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Ivy sa kanyang papa pagkatapos niyang magsumbong dito. "Sexual harassment iyon!"
Tumawa ito parang bale- wala lang ang ginawa sa kanya ni Andrew. Mas imporatante pa yata ang paglilinis nito sa baril nitong .45 caliber pistol. Well, noong una ay lumaki ang nostrils nito sa galit at parang handang manugod. Paano ba kasi, unang litanya niya sa pagsusumbong ay "May nambastos sakin!" Pero iyon nga,noong napakinggan nito ang buong istorya ay unti-unting kumalma ito. Tinanong pa siya nito kung anong klaseng halik ang ibinigay sa kanya ni Andrew.
Anong klaseng halik? Malay ba niya! Basta idinikit ng lalaking iyon ang lips nito sa lips niyang tatlong segundo, tapos!
Hayun, tuluyan nang nahimasmasan ang kanyang paderd dear.
"Kasalanan mo naman, pala kasi, masyado kang matalak. Bayolente pa," parang paninisi pa nito sa kanya. "Manang-mana ka talaga sa ina mo."
Isang dating guro sa public high school ang kanyang ina. Isang magaling ngunit terror daw na math teacher ito. Dito niya namana ang galing niya sa subject na iyon. Someday, she would be like her mother, a good and dedicated public school teacher. Sayang nga lamang at kinuha na ito ng Diyos apat na taon na ang nakaraan. Naaksidente ito sakay ng isang tricycle habang papasok ito sa eskuwelahan.
Nagdabog siya. "Papa! Nakakainis naman kayo, eh. Dapat kinakampihan ninyo ako. Ako ang naagrabyado!"
Kung nandoon lang sana ang kanyang Kuya Paul na kasalukuyang nag-aaral ngyon ng Political Science sa Maynila, maaari siguro niyang pakiusapan ito na gulpihin ang Andrew na iyon. Pero hindi rin; hindi basag-ulero ang kanyang kuya dear. Mas palaaway pa nga siya.
"Uy, Ivy, alam mo ang patakaran ko at ilang beses ko nang sinabi sa iyo 'yan. Hindi ko gustong gamitin ang posisyon ko sa gobyerno para makapang-apak ng ibang tao."
"Eh, ako nga ang inapakan dito. Hinalikan ako, Papa. Hinalikan ang unica hija ninyo ng impaktong ' yon!"
"Simpleng halik lang naman, hindi iyon nakakabuntis.
Kung siguro sinaktan ka nang pisikal o hinipuan ka ng kaklase mong ' yon, baka babarilin ko siya sa paa."
"Halik pa rin 'yon, eh." giit nya. "A simple meaningless kiss that was meant to silence youe filthy mouth." Sa pagkagulat niya ay tumawa ito. "Naalala kong ganyan din ang ginawa ko noon sa iyong ina. Sa wala akong maisip na ibang paraan para mapatahimik ang mala-armalite na bibig niya kaya hinalikan ko na lamang siya."
She grunted. Alam niya ang kuwentong iyon. Naikuwento na iyon na kanya ng mama niya noon. "Ibang halik naman 'yong ginawa ninyo, saka nanliligaw na kayo kay Mama noon." Muli siyang nagdabog. "Pambabastos ang ginawa sa akin ni Andrew, Papa. Saka, nakakahiya iyon! Ano ba naman kayo? Kung ibang tatay lang diyan baka nag-a la Rambo na at sinugod ang impaktong 'yon," himutok niya, sabay halukipkip.
"Puwes, hindi ako ibang tatay lang diyan, all right? Papunta ako bukas sa school ninyo at makikipag-usap nang maayos kay Mr. Llorenzo at kay ex- governor Sanchez, Pagsasabihan ko rin ang Andrew na ' yon at dapat lamang na parusahan siya ng paaralan sa ginawa niya sa iyo. At saka, ano pa ba'ng ipinaghihimutok ko riyan, eh, halos nabugbog mo naman pala siya? Quits na kayo kung ako ang tatanungin mo. Ang mama mk nga, isang sampal lang ang iginanti sa paghalik kong iyon sa kanya. Ikaw, ginawa mong punching bag ang mukha ng nanghalik sa iyo. 'Buti nga at hindi gumanti."
"Kung bakit kasi ipinasok n'yo ako sa private school na 'yan. Maraming mayayabang na wstudyante por que mayayaman lang sila!"
Ipinasok siya ng kanyang ama sa St.John High pagka-graduate niya ng elementarya. Ang dahilan nito ay mas matututo siya roon dahil maraming teachers at thirty students lamang ang laman ng isang classroom, hindi kagaya sa Tierra Roja National High School na pinagkakasya ang mahigit singkuwentang etudyante sa iisang silid. Mas moderno rin ang mga kagamitan at facilities sa St.John High, mas high-tech ang mga computer.
Mayabang ka rin naman kaya bagay na bagay ka ro'n. nakangising sabi ng kanyang ama.
Itinirik niya ang kanyang mga mata, sabay taas ng mga kamay sa ere at saka tumalikod. Useless makipagtalo sa kanyang ama. Hindi niya maigigiit dito kahit kailan ang gusto niya. Sebastian De Guzman. Palaban ito kung palaban ngunit nasa katwiran palagi. Malaki ang respeto niya rito.
Gustuhin man niyang tahakin ang landas na pinili ng karamihan sa mga De Guzman, hindi pupuwede. She could not be a good soldier or a police officer. Lampa siya masyado. Sa katunayan, sa Physical Education palagi ang pinakamababang grado niya dahil olats na olatssiya kubg practical application na ng mga sport and dance. Madali rin siyang mapagod. She was starting to think it was because of her excess weight. Kung sana ay pumayat man lang siya. Pero hirap siyang mag-diet dahil ang paglamon ang tanging hobby niya.
Hindu niya gustong maging abogado katulad ng balak abutin ng kanyang nakatatandang kapatid kaya naisip na lamang niya magibg guro. Yes, a high school math teacher like her mother. And she would be exactlyll like her mom-walang favoritism sa vocabulary nito. Istrikto ito sa pagtuturo at hindi deserving. Ang katwiran nito, hindi nito pakakawalan ang isang bata hangga't hindu natututo nang mabuti sa itinuturo nitong subject.
Kaya naman ginawa niyang huwaran ang kanyang ina. Mag-aaral siyang mabuti upang makatapos ng BS Math sa College. Magtututo din siya sa pampublikong paaralan. For the meantime, kailangan na muna niyang harapin ang kinasasangkutan niyang isyu aa kanyang pinapasukang paaralan. At hinding-hindi siya papayag na hindi maparusahan ang impaktong Andrew Sanchez na iyon! Kung hindi aalma ang papa niya, siya mismo ang magpoprotesta sa principal. Mag-rally siyang mag-isa kung kinakailangan.

Sinungaling Mong HalikWhere stories live. Discover now