Exchange Gift

1 0 0
                                    

Christmas party namin ngayon tapos ang nabunot kong bibigyan ng regalo ay si Mikko pa. Nakakahiya! Hindi ko alam kung anong regalo ba ang ibibigay ko, nangangamba rin ako na baka 'di niya magustuhan. Binilhan ko nalang siya ng hoodie na kulay itim since December ngayon at malamig ang klima tapos kunwari ako 'yong hoodie na 'yon.

Napangiti nalang ako sa mga pumapasok sa utak ko, jusko.

Si Mikko ang crush ko simula grade 11 at hanggang ngayong grade 12 na kami, crush ko parin siya. Bukod sa pogi na kasi mabait pa siya tapos matalino at talented. Ika nga ng iba nasa kanya na raw ang lahat. Saka 'di lang ako ang may crush sa kanya madami pang iba. Ideal guy siya ng karamihan e.

May mga games kaming prinepare at masasabi kong nag-enjoy kami ng sobra. Pagkatapos ng games kainan na pagkatapos ng kainan ayon exchange gifts na nga.

Sobrang lakas nang tibok ng puso ko tapos kinakabahan rin ako kasi pa'no kung 'di niya magustuhan 'yong gift ko? Tapos nahihiya rin akong magbigay. Argh! Feeling ko pinagpapawisan ako ng malapot na parang natatae ako na ewan. Suskopo!

"Oh Bella ikaw na maunang magbigay ng regalo. Sino ba ang nabunot mo?" Nagulat pa ako ng ako ang unang tinawag. Tangina naman!

Nahihiya akong tumayo at pumunta sa gitna kasi doon sasabihin kung sino ang nabunot ko. Tapos sa gitna na rin bubuksan ang regalo.

"Ang nabunot ko po ay si uhm ano si M-mikko po," nahihiya kong sambit. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang makita siyang palapit na sa 'kin. Pota lalabas na tae ko, tangina! "Sana magustuhan mo."

Nakatingin lang ako sa kanya habang binubuksan niya 'yong regalo ko. Nong nakita na niya mukhang 'di siya natuwa kasi 'di man lang siya ngumiti bagkus tumingin lang siya sakin at nanlumo ako nang marinig ang sinabi niya.

"I don't like your gift, tho thanks." Aniya at napayuko nalang ako habang nag "aww" naman 'yong mga kaklase namin.

"So Mikko sino naman ang nabunot mo?" Tanong ni teacher. Babalik na sana ako sa upuan ko pero hinawakan ako ni Mikko sa braso.

"Si Bella, Cher." Aniya. What? Ako? Impossible naman na ako ang nabunot niya.

"Oh nasan 'yong regalo mo?" Nagtatakang tanong ni Cher at siya naman napakamot lang sa kanyang batok. Wala siyang gift sa 'kin pero okay lang.

"Kasi Cher 'di ako nakabili pero kung papayag po si Bella ibibigay ko nalang po sa kanya tong puso ko."

Naghiyawan mga kaklase namin pati na si Cher. Tangina? Pinagsasabi nito? 'Di ba niya alam na natatae na 'ko dito sa sobrang kaba? Nyeta!

"Bella, pwede bang puso ko nalang ibigay ko sayo? Promise wala 'tong issue saka ikaw lang laman nito." Anito na nakangiti samantalang ako parang sasabog na.

Hinablot ko sa kanya ang regalo ko.

"Ayaw mo nito? Sige palit nalang tayo, akin na yang puso mo tapos sayo nalang 'tong akin." Nakangiti kong saad at naghiyawan na naman mga kaklase ko sabay sigaw ng;

"SANA ALL!"

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now