"Special Chapter"

1 0 0
                                    

Sister Keandra's POV.

"Mr. Principal kamusta napo ang pamangkin ko ngayun" nag-aalala kong tanong sa kanya,

"OK naman na siya Sister, she never file a case for those guys who hurt her." sagot niya.

"Inaasahan ko nayon Sir, dahil likas na mabait ang pamangkin ko, hindi talaga yun papayag na masira ang kinabukas ng isang bata ng dahil lang sa kanya. Kaya nga gusto ko na siyang ipasok sa kumbento dati pa. Baka abusuhin ng ibang tao ang likas niyang kabutihan. Iniisip ko lang ang mga magulang niya Sir. Pero dati pa gusto na nya talagang pumasok ng kumbento." paliwanag ko sa Principal

"kakaiba talaga ang kabaitan ng batang iyon, dahil halos pangalawang beses na iyon nangyari sa kanya." nagtaka ako kung bakit, kaya naitanong ko agad kung anu yong una.

"Bakit po Sir, may nangyari paba sa kanya bukod doon" tanong ko.

"AY opo, may isang bata na hindi naman estudyante ang biglang pumasok dito at nasaktan din noon si Phaine, ang masakit pa nito hindi namin alam kung bakit siya nakapasok sa school canteen ng wala man lang sumita sa kanya." Paliwanag ng school principal.

"Eh, anu naman po ang dahilan nung batang iyon at sinaktan ang pamangkin ko." tanong ko pa.

"Ang balita ko ay selos. May gusto daw iyon sa isa sa mga sinior namin na siya naman nanliligaw sa pamangkin niyo. Ang alam ko po mag kaibigan lang namn sila kasi ayaw pa ni Phaine mag ka boyfriend." hindi ko alam kung matutuwa ako o magagamit sa sinabi niya."

"Bandang huli ayaw rin ng pamangkin nyo na ireport ang outsider na yon sa school niya at baka daw makick-out. Wala naman daw kasalanan yung batang iyon siguro hindi lang daw sila nagkaintindihan." Kweto ni Mr. Principal

"Dios ko bakit ba masyadong mapag bigay ang batang iyon, hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sa kanya habang naandito siya sa labas. Kailangan ko talaga siyang isama sa kumbento." nasabi ko lang iyon dahil natatakot ako sa pwede pang mangyari sa kanya.

"Pero Sister, Bata pa po si Phaine, magulo pa po ang isip ng bata sa ganyang edad, hayaan nyo po muna na, ma-enjoy niya ang kanyang kabataan, dahil ang ganoong edad po talaga ay may mga ganoong sitwasyon na kailangan nilang harapin at pagtagumpayan.

Hindi naman po sa nanghihimasok ako sa pamilya ninyo. Si Phaine po kasi ay mahalaga ring parte ng paaralang ito. Siya po ang naging modelo namin at siya rin po ang naging daan para maibigay ang mga libreng school supplies packages sa mga batang out of school youth para po ma-encourage sila na pumasok sa school na ito na walang babayaran na kahit ano." patuloy ang pagkukwento ng principal tungkol kay Phaine.

"Ganoon po, kaya pala may malaki siyang larawan sa labas ng paaralang ito." sagot ko.

"Opo Sister, with all her efforts in participating in our school events witch has a donors prizes, she chooses that prize to be given to all children who are not capable to go to school. Ginawa niya lahat ng makakaya niya para makuha niya ang prize na iyon. Kasama pa noon ang kanya mismo premyo na hindi niya kinuha, at isinama  niya iyon sa mga school supplies na binili ng sponsor."

"Sister hindi lang po new face of our school si Phaine, isa na rin siya sa mga sponsors ng aming paaralan. Ganoon po kabuti ang puso ng pamangkin niyo." naluha ako sa sobrang saya ng ikuwento sa akin ang mga ginawa ni Phaine para sa ibang bata. Napaka buti talaga ng puso ng pamangkin ko.

Mayamaya pa ay dumating na sila. Agad namang tumakbo sa akin ang pamangkin ko at yumakap ng mahigpit. Saka ko naramdaman na parang yumuyogyog ang katawan niya. Bumitiw ako sa pag kakayakap sa kanya para siguraduhin kung tama ang hula ko.

"Phaine, umiiyak ka bakit? Tumingin ako kay Livia para humingi ng sagot pero nagkibit bikat lang siya.

"Aunty!" narinig kong tawag niya sa akin at yumakap ulit siya.

"Worth To Wait" ( completed)Where stories live. Discover now