Chapter 36 " The Penthouse"

2 0 0
                                    

Phaine

"Ingat ka Phil at mag-aral ka doon mabuti, Mamimiss kita ng sobra, sana lang maging maayos result ng final research mo." palala ko sa kanya.

"Ayusin mo na yung Passport mo para pag balik ko kasama na kita. Tawag ako palagi.
Yung usapan pala natin ha pwede kang magtrabaho pero doon kayu titira ni Lyn sa penthouse natin, kailangan may kasama kayo sa bahay. At may kukunin si Papa na Body gaurd driver mo para pag gusto mong umuwi kina Mama at Papa hindi kana mag bibiyahe. Si Mom na ang bahala sa iba. Okey!. be a good girl Love. Hindi na ako magiging busy kaya lagi na tayong makakapag video call sa free time ko."

"Love alagaan mo ang sarili mo ha, huwag kang mag papakapagod, andiyan lang ang mga kaibigan natin if kailangan mo ng tulong. huwag kang mahiyang lumapit kay Mommy if you need to know something about business." Gusto ko mang maging masaya sa mga sinabi niya, subalit hindi ko magawa, natatakot ako na baka maakit na naman siya sa ibang babae at isipin ko lang iyon parang tinutusok ang puso ko.

"Oo sige na ingat ka, Andito lang ako laging maghihintay sayo, Mahal na mahal kita Phil isa lang hihilingin ko sayo, just behave your self. Siya sige na kailangan mo ng mag check-in." Paalam ko sa kanya. Ngunit mahigpit parin ang yakap niya sa akin na para bang ayaw pa niya ng bumitiw, ganoon din nman ako pero kailangan.

"Oo nga kuy's kami na bahala dito, madami kapang aasikasuhin sa loob." Si Travis.

"Bye kuy's ingat ka," si Noah, " three months kana lang doon and here it comes before you know it." si Noah.

" Siya ingat ang girls sa iyo." Bye ingat" Cole at Erol said.

Umalis na kami ng tumawag siya na nakasakay na siya sa eroplano. he also take a picture like he always did before the plane take off. Dahil after noon he will turn off he's phone.

Nagpa-alam kami kay Tita Cassy na Tuesday na lang kami mag-rereport dahil medyo sumama ang pakiramdam ko noong umuwi kami galing resort. Habang nag-aayos akong gamit ko pumasok sa kwarto si Mama at Bunso.

"Anak Phaine may kailangan kabang dalhin. Hindi kami makakasama sayo ha alam mo namang may pasok pa ang kapatid mo pati sa school dami ko pang tinatapos. Sa Sabado dadalaw kami ng Papa mo isasama namin si Arnie, para makarating nadin sa hotel. Pero ok lang ba sa mga parents ni Phil, tanong ni Mama,

"Opo naman po, sila nga po ang nag sabi na baka gusto niyong doon nalang mag bakasyon. Tsaka huwag kayung mag-alala sa gastos may sweldo po ako, hindi po tayo aasa ng pagkain sa card na ibinigay ni Phil. Eto nga po pala binigyan nya akong credit card at ATM card para daw po pag-na ngailangan ako may pera akong magagamit." At ipinakita ko kay Mama ang dalawang Card.

"Hindi ba nakakahiya sa kanya, kung gagamitin natin yan." tanong niya,

"Mah hindi ko po ito gagalawin hangga't may nagagasto pa po ako, at yung credit card aanhin ko naman ito." sabi ko pa.

"Naku Sis kung gusto mo ako ang bahala diyan sa credit card mo, hala halika tayo ay mamimili ng damit mo." Si Lyn pala na nakikinig sa amin.

"Ate, baka naman...... biro lang alam ko namang hindi sayu yan, Saka na ako hihingi sayo pag may swelda na kayu ni Ate Lyn, Ate Lyn ok lang ba, kasi may gusto akong bilhin doon sa malaking Mall sa Villa Del Piero." Si Arnie.

Bihira lang siya humingi dahil malimit naman siyang ibili ni Ernan ng mga bagay na kailngan niya, balibhasa parehas sila lalaki kaya alam niya ang gusto ng kapatid namin bunso, At isa alam niya kasi na hindi namin kailangang umasa sa ibang tao, Ganoon kami pinalaki ng mga magulang ko.

"O siya tama na iyan, susunod nalang tayo sa ate mo sa friday ng gabi para masamahan natin sila ng dalawang araw. Teka muna Sinu mag-hahatid sa inyo doon." si Mama.

"Worth To Wait" ( completed)Where stories live. Discover now