"HONEY, wake up"
Naramdaman kong may marahang humawak sa buhok ko. Pagkamulat ng mga mata ko nasa tabi ko na si Junseo at nakatitig lang siya sa'kin.
Inirapan ko lang siya at ipinikit na ulit ang mga mata ko. Baka panaginip lang 'to. Paano siya nakapasok sa condo? Tama. Panaginip 'to.
Napabangon ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko. "The heck?! What's that for?!" Hinawakan ko ang noo ko at tiningnan siya na parang papatayin ko na siya dahil sa inis.
He just smirked. "Tsk tsk... you just want me to call you 'honey' again, don't you?" tumayo na siya at naglakad papuntang pintuan. "Nagluto na ako ng almusal. Your getting late for work" sinarado niya na ang pinto.
Kinusot-kusot ang mga mata ko. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Hindi ito ang kwarto ko sa condo. Kwarto niya ba ito? Sinubukan kong alalahanin ano ang mga nangyari kagabi pero wala na talaga akong maalala.
Matagal lang akong nakaupo sa kama niya at hindi parin makapaniwala sa nangyari. So, hindi panaginip ang lahat? Tinawag niya pa akong 'honey'. Napasigaw ako sa inis at pinagsasampal ang pisngi ko.
Maya-maya biglang pumasok si Junseo sa kwarto. Matalim ko ulit siyang tiningnan "Ano nanaman ba?!"
"Ikaw naman 'wag masyadong kiligin" napahawak siya sa dibdib niya. "Calm down darling, ako lang 'to" tumawa siya ng malakas.
Kumuha ako ng isang unan para itapon sa kanya pero nakalabas na pala siya ng kwarto. Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na tawa niya sa labas.
Lokong yon 'ah.
Alam na alam niya talaga pano ako bwisitin. I took a deep breath. Pilit kong pinapakalma sarili ko sa inis. Inayos ko nalang ang kama at pumunta sa CR bago lumabas na ng kwarto.
.....
"Ano bang nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng almusal.
Napaiwas siya ng tingin. "Ah... You don't remember?"
Inirapan ko siya at nagpatuloy nang kumain. "Obvious naman diba kaya ako nagtatanong."
Natawa siya sa inasta ko. "Ito naman aga-aga nagsusungit" at ginaya niya kung paano ako umirap. Psh.
Maya-maya napabuntong hininga niya. "Nawalan ka kasi ng malay habang umuulan sa labas ng coffee shop kaya... inuwi nalang kita dito sa apartment ko para maalagaan kita."
Gulat akong napatingin sa kanya. "Nawalan ng malay?" sinubukan ko ulit alalahanin ang mga nangyari kagabi pero kada subok ko bigla nalang sumasakit ang ulo ko.
"Mas mabuting kumain ka muna. 'Wag mo munang intindihin yon. Alagaan mong mabuti ang sarili mo. Kapag magkasama tayo napapansin kong madalas ka ng nagkakasakit" mahina siyang tumawa.
"I'm allergic to people like, you... jerk"
I faked a smile. Niligpit ko na ang pinagkainan ko tsaka tumayo na para maghugas ng pinggan.
Dinig ko pang ginaya niya ang sinabi ko kanina "I'm allergic to people like, you... jerk" he rolled his eyes at tinawanan ang sarili niya. Baliw.
Madalas na siyang tumatawa pag magkasama kami 'ah. Happy pill niya ako ganon? Tse.
Nag-paalam na ako sa kaniya na babalik na ako sa condo para mag-ayos dahil mukhang malalate nanaman ako sa trabaho.
YOU ARE READING
My Mysterious Man || MYG
Misterio / SuspensoEunji Kim, a 26 year old lady still seeking in a relationship. She lost her memory when she's 8 because of an accident. She encountered a mysterious man. What she didn't know there are two mysterious persons around her. Who among the two will she tr...