02

13 2 1
                                    

Kabanata 2

After class

Agad-agad ko kinuha phone ko para tingnan kung may text na sakin si Alistar or kung ano ginagawa niya. May text na nga sakin na goodmorning.

Conversation

"hello, slr sobrang busy kanina. Anon ginagawa mo?"

"Nasa comshop kami pero paalis na rin" - alistar

Potek kabang-kaba ako dahil 'yong comshop na sinasabi niya ay nasa labas lang ng school namin tapos kami maguuwian na. Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng school. Para akong natatae sa kaba. Hindi ko na lang siya nireplyan dahil nag iisip ako ng gagawin. Para naman akong tanga kung sasabihin ko sa mga kaibigan ko na mamaya na kami lumabas. Alam ko na bibilisan ko na lang paglakad. Kung dating super daldal pa ako habng naglalakad ngayon magtutuloy-tuloy na lang ako. Tama.

Potek kung sinuswerte nga naman saktong nasa gate na kami ng natanaw ko si alistar na pababa ng comshop. Kabang kaba ako. Maghehello ba ako? Hindi ko kaya. Lahat ng lakas ng loob ko sa text ay kabaliktaran ko sa personal. Kung may kapangyarihan lang ako gusto ko na magteleport.

Superbilis ko maglakad ng nasa tapat na kami ng comshop kung saan doon nakatambay sila alistar. Halos maiwan ko na mga kaibigan ko makaalis lang ako sa tingin ni alistar. Hindi ko tinitingnan phone ko dahil natatakot ako at kinakabahan. Para akong may tinatakasan na krimen sa kaba. Sabagay may krimen nga akong ginawa sakniya, ang nakawin puso niya. Charot! HAHAHAHAH.Nang nakalampas na ako sa kanila at alam ko wala na ako sa tanaw niya. Nagmamadali akong tiningnan phone ko.

"Saw u" –alistar

"kita din kita. Hehe" kaya nga nagmmadali ako eh

"punta na kami sa friend ko teka" alistar

Hindi na rin ako nakapagreply after ko mabasa yon dahil sumakay na ako sa bus. Grabe sobrang pagod ko kaya di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng malapit na kami. May text na rin sakin si Alistar. Nandoon na daw sila sa friend niya.

Conversation

"slr, nakatulog me sa biyahe"

"okay lang, musta nman tulog mo? – Alistar

"okay lang hahhaha musta inom niyo?"

"okay lang kumakain palang kami hahah, may gagawin ka bukas? –alistar

"may irerecord lang kaming sayaw sa umaga, why?"

"date tayo." -alistar

Dug-dug-dug-dug hindi ko alam kung ano irereply ko. Sobrang kinakabahan ako at the same time excited.

"ikaw ano ba gusto mo, movie or dinner date?" -Alistar

"Movie date na lang."

"ikaw ha, nagandahan ka sakin ne?"

"Maganda ka naman talaga eh"

Speechless na naman ako. Pinapabilis niya tibok ng puso ko. Mahilig ako sa kape pero ibang klase tibok ng puso ko kapag ganito mga atake niya. Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin na puro barahan padin pero may something na nag-iba. Excited na ako matulog, may date ako bukas. Pero hindi padin ako makatulog kaya nagpasya na lang ako magbasa ng libro. Kakabukas ko palang ng libro inantok na ako. Eto talaga ang pinagbabawal na technique kapag hindi ka makatulog.

Strangers, againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon