03

13 1 0
                                    

Kabanata 3

Days past, palagi parin kami magkausap ni alistar. Hindi padin nawawala ang mga banatan naming na may mga kasamang sweet messages. I must say, nakalimutan ko kung sino talaga dahilan ng pag oomegle ko. Blessing in disguise.

Me: May tanong ako

Alistar: Ano yon?

Me: saan lumiliko ang mga spaceship?

Alistar: Saan?

Me: edi sa Saturn. HAHAHAHAH eh ano tawag sa alingawngaw na beki?

Alistar: Ano:

Me: edi Echos HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA

Alistar: okay ka lang? Eh yong hotdog kaya pag nilagay sa freezer, ano na tawag?

Me: Edi colddog HAHAHAHAAHAH

Alistar: Pwede kaya sumama yong mga babae sa briefing?

Me: ah sige. HAHAHAHAHAHA MAY TSIKA AKO SAYO

Alistar: ano yon?

Me: Epal ni sir! Tawag sakin happy broom!

Alistar: ha?

Me: edi ba super hype ko tas hair ko blonde

Alistar: Kingina! Hahhahahhahaha kung ikaw ay masiyahing walis, handa ako maging dustpan mo HAHAHAHAHAHAHAAHAH

Me: Hahahahahahahahaha kingina Hahahahahahahah

Parang tanga lang kami mag-usap ni alistar, simpleng mga ganoon lang. Mga waley na jokes, simpleng banatan ng mga linya ganoon mas naging masaya relasyon namin. Ganoon namin napapasaya isat-isa.

Alistar: Kung magkakababy ako, gusto ko name may "vie" Like vivie,tutuvie.

Me: Ay! Hindi, gusto ko Vienna sausage HAHAHAHAHAH

Alistar: Pangalan daw sa delata ay. HAHAHAHA.

From Calixto:

Asan ka? Nandito ko sa labas ng bahay niyo.

Hindi ko alam kung ano mafifeel ko, sa totoo lang ayoko na siya labasin pero sobrang nahihiya ako para paghintayin siya sa labas. Tinext ko na lang si Alistar para sabihin na lalabas ako.

"Bakit ka nandito? Hehe" Awkward na tanong ko. Lasing na naman si calixto, may phobia kase ako sa mga lasing lalo na kung iisa ko lang, feeling ko may mangyayare sakin na masama.

"Namimiss na kita" Napatingin na lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano irereact ko. Sikat si Calixto sa mga college students sa galing niya sa sports. Minsan nga naiisip ko kung paano ko napansin ng lokong 'to eh. Naalala ko dati kung ano pa pinaggagawa ko mapansin niya lang, jusko. Minsan nakakatawa na lang isipin kung ano mga ginawa natin para sa mga taong ginusto natin.

"Baliw, may girlfriend ka na" hindi ko talaga alam sasabihin ko sa mga ganitong pagkakataon.

Sana naman maging masaya na talaga siya. Pagkatapos umalis ni calixto ay pumasok na rin ako sa bahay. Miss ko na si Alistar. Hay, ilang araw pa lang kami magkausap pero sobrang close na namin. Minsan nakakatakot din yong mabilis dumating kase kung gaano daw kabilis dumating ganoon din kabilis aalis. Memessage ko na nga lang si alistar.

From Alistar:

Tulog na ako ha, goodnight.

Hindi ko alam mararamdaman ko. Realization hits me. Hindi na lang basta thrill nararamdaman ko sakniya. Konting message niya lang napapangiti na ako. Natatakot ako. Natatakot akong di niya kayanin ugali ko.

From Claire:

Inom tayo bukas sis!

Napangiti na lang ako, sakto. Mukhang kelangan ko talaga uminom

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strangers, againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon