Sana sa pwede na tayo

20 2 1
                                    

"Mahal ko, tara na at aalis na tayo"

Ayan na naman ang Suppasit na ito! Bakit ba nagmamadali 'tong isa na 'to.

Napasinghal na lang ako at binilisan ang pag-aayos sa sarili.

Pupunta kami sa pasayaw sa bayan. Hindi ko mawari kung ano ang sumapi sa kanya at bigla na lang nag aya.

Maingat kong inangat ang suot kong saya, sinigurado ko rin na maayos na nakakabit ang aking peluka.

Pababa ako sa aming maliit na barong barong nang makita ko na matamis na nakangiti sa akin ang aking  sinisinta.

Lumapit siya sakin at inalalayan akong bumaba sa hagdan.

Sa tutuusin ay kaya ko namang bumaba pero inalalayan niya parin ako

Lubos na napakasarap sa pakiramdam ang maalagaan ng isang kagaya niya.

May dinudukot siya sa likuran niya kaya nagtataka akong tinignan siya ng maigi.

"Kanawut mahal, maraming salamat at nagtitiyaga kang samahan ako. Alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon. Alam kong nahihirapan ka na. Mahal, pasensya na at wala akong magawa para maging malaya tayong dalawa" seryoso at malumanay na sabi niya sakin.

Hinawakan ko siya sa kanyang mukha at mataman siyang tinignan.

"Mahal na mahal kita Suppasit kaya lahat gagawin ko nakasama ka lang. Kahit pagsuutin pa ako ng bakal na damit, kung kapalit naman ay ikaw... hinding hindi ako magsisi."

Hindi ko mapigilan na mapaluha. Mag-iisang taon na kaming tumakas ni Suppasit sa aming mga pamilya at namuhay malayo sa mga ito.

Maraming may hindi tanggap sa aming relasyon kaya kailangan ko pang magpanggap na babae para lamang hindi kami mahusgahan ng mga tao.

Sa una mahirap dahil kailangan ko pa magkabit ng peluka at maglagay ng mga koloreta sa mukha. Magsuot ng saya at umaktong babae.

Pero...mas maayos na ang ganito kaysa malayo sa mahal ko.

Mas maayos na magpanggap akong babae kaysa naman makita ko siyang ikasal sa iba.

Kasya naman malayo ako sa kanya.

Ngumiti pa ako lalo para ipakita sa aking mahal na gusto ko ang ganito.

"Ang ganda ganda mo talaga" pagkasabi niya nito ay hinawi niya ang aking buhok at isiniksik ang bulaklak na mirasol sa pagitan ng aking tenga at buhok.

Yumuko siya ng bahagya at hinalikan ang aking kamay.

Para siyang prinsepe at ako ang prinsesa.

Nakangiti lang ako.

"Tara na sa pasayaw at nais ko nang makita ang pagindayog ng pinakamaganda kong minamahal."

Hinalikan niya ako sa noo at nagsimula na kaming maglakad.

Nang makarating kami sa kung nasaan ang kanyang kabayo ay binuhat niya ako paakyat dito saka siya sumunod na sumakay.

Ilang minuto ang lumipas at naririnig ko na ang malakas na tunog ng mga gitara at mga tambol.

Dinig na dinig ang sigawan ng mga taong nagkakasiyahan.

Yumakap ako kay Suppasit at bumulong na bilisan niya pa ang pagpapatakbo sa kabayo.

Halos hindi pa humihinto ang kabayo ay dali dali akong tumalon.

Natawa na lang ako ng muntikan na akong madapa.

Nakalimutan ko na SAYA pala ang aking suot.

Napahagikhik naman ako ng makita na medyo galit ang ekspresyon ni Suppasit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MewGulf ONESHOT (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon