Suppasit, mahal

39 3 4
                                    

"HOIII KANAWUT! BAKA GUSTO MONG BILISAN ANG IYONG PAGGALAW, IKAW AY TUNAY NA TALAGANG MAS MAKUPAD KUNG IKUKUMPARA SA PAGONG"

"Pwede bang hinaan mo ang iyong boses, ako'y natataranta!"

Hesusmaryosep, sobrang ingay at taratitat talaga ni Mildred.

"Dalian mo kase haliparot, kanina ka pa hinihintay ni Suppasit!"

"Sandali at ako'y naghahanap ng kaaya ayang damit, sobrang napa-kahitad mong nilalang!"

"Sus, kunyare ka pa jan. Naku baka kanina pa sabik na sabik ang iyong tuka"

nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mildred, sadyang napaka prangka talaga nito.

Hinampas ko siya sa balikat at sumenyas na hinaan ang pagsasalita.

"Magtigil ka sa mga iniisip mo Mildred, hindi kita uuwian ng pagkain na ipanapabili mo sa akin" sabi ko na siyang nagpaiba sa ekspresyon niya.

"Naku, hindi ka naman mabiro aking kaibigan. Sige na magbihis ka na at wag mong alintanahin ang Gwapo, makisig, mabango, makalaglag pangang ginoong naghihintay sa'yo sa labas."

Napairap na lang ako sa kung paano niya inilarawan ang aking nobyo.

"Magtigil ka at baka ipasak ko sa bunganga mo ang hawak kong suklay"

"Sadyang ikaw ay sobrang damot, maitim ang iyong budhi" Aniya at animo'y parang umiiyak.

"Haliparot na madrama!"

Binilisan ko na ang pagbibihis at hunarap sa salamin, nang masiguradong maayos na ang aking itsura ay ipinisik ko ang pabango sa akin at dinampot ang bag na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Oh siya! Aalis na ako, haliparot na hitad na makati pa sa higad!" pagpapaalam ko na ikinasama naman ng tingin niya.

"Tse, mabuntis ka sana!"

"Tanga, wala akong matres!" tumawa ako ng malakas at iniwan na siya.

Pagbaba ko sa hagdan ay bumungad sa akin ang napaka gwapong ginoo sa balat ng lupa.

Mukang mabubuntis nga ata ako ng maaga.

Ginoo tapakan mo ako, Ginoo sipain mo ako.

Ay bongga, wala pala akong matres!

Ito na naman ang aking pilyang pag iisip, ipinagsawalang bahala ko na lang ang aking kalandian at lumapit na kay Suppasit.

"Napaka ganda mo talaga mahal"

"Naku nambola ka pa" Sabi ko at himapas ng bahagya ang kanyang dibdib.

AHHHHH ANG TIGAS, napahagikhik ako sa aking naisip

"Oh bakit ka bigla biglang humahagikhik?"

"SARAP" wala sa wisyong sabi ko na sadyang ikinagulat niya.

"Ha? Alin ang masarap?"

Pota ayan kalandi kase

"Ahhh, eh yung pagkain sa bayan. Naalala ko lang dahil doon tayo patungo hindi ba. Heheheh tama...tama yun nga."

Ngumiti lang siya sa'kin at umiling.

AHHHH PATI PAG NGITI MAKALAGLAG MATRES!

Sumakay na siya sa kanyang motor at iginaya ako paangkas sa kanyang likudan.

Mas masaya siguro kung siya ang sasakyan ko.

napahagikhik ulit ako, at ngayon ay napalakas.

"Mahal bakit ba kanina ka pa humahagikhik mag isa"

MewGulf ONESHOT (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon