09

110 3 0
                                    


Parang may sariling pag iisip ang aking katawan at hinayaan lamang si Alistair sa nais na gawin. Hinawakan niya ulit ako sa braso upang makita kaagad ang tricycle na daraan. Malakas na nga ang loob niya dahil alam na niya kung saan ako nakatira.



"Alistair ano bang pakialam mo kay Reign ha!" Sugod ni Jaylord sa amin ng makahinto na kami sa waiting shed.


Kaagad akong pumagitna dahil randam na ramdam ko ang inis ni Jaylord. Masusuntok na niya si Alistair!



"Wala kang pakialam kay Reign!" Bulyaw ni Jaylord. May ilang estudyante na rin ang tumitingin sa kinatatayuan namin.


Alistair smirked.


"Pano kung meron! Meron. Meron akong pakialam." Sagot niya kay Jaylord.



Napalunok ako sa narinig. Umiling iling si Jaylord kaagad kong inalis ang hawak ni Alistair sa akin upang daluhan si Jaylord. Hinawakan ko ang balikat niya.


"Jaylord maayos lang ako kay Alistair. Huwag kang mag alala sa akin." Pag Kausap ko kay Jaylord.


Kunot noo niya akong tiningnan.

"Anong huwag mag alala? Babae ka Reign! Paanong hindi ako mag aalala sayo?" Malumanay na sagot niya sa akin.


Ngumiti lamang ako sa kanya. He already know the meaning of that smile kaya umiling iling kaagad siya.


"Safe ako kay Alistair." Pahabol ko kay Jaylord at ngumiti ulit.


Naramdaman ko ang pahinga niya ng malalim at inalis ang pagkakahawak ng aking kamay sa kanyang balikat.


"Mag iingat ka. Text me pag nakauwi kana." He said.



Tumango tango ako sa sinabi niya. Then he walked away. He never looked back, diretso lamang siyang naglakad palayo.


When Jaylord gone hinarap ko kaagad si Alistair na kunot ang noo. Naramdaman ko na naman ang matinding kaba dahil sa tingin niya sa akin.


Nakikinig siya ng usapan namin ni Jaylord.  Sigurado ako doon base sa itsura ng mukha niya ngayon.



"Kaibigan mo yon diba?" He asked then held my arms again.



Tumango ako bilang sagot. Nanlalambot ang aking tuhod na para bang nais ng pahinga dahil sa haplos ni Alistair sa aking braso.



"Ihahatid kita sa inyo. Next time magdala kana ng panyo sobra na yang pawis mo oh." Puna niya sa mga pawis sa aking noo.

Hindi niya ba ibibigay ang panyo niya sa akin? Ate Nesrin said he have one.

"Can I borrow yours?" I asked.



Huwag niyang sabihin na hindi niya ipapahiram sa akin? Para naman makakausap ko siya ng dahil sa panyo, idadahilan ko lagi na naiwan ko ang panyo para makapag usap kami.


"Nesrin borrowed mine. Pinagpawisan na siya sa kanina." He replied.



Napalunok ako. Si Ate Nesrin? Panong? Kanina lang she volunteered Alistair handkerchief, tapos hihiramin niya! Panira ng plano.





"Nesrin lang talaga ang tawag mo? Walang ate?" I said sakto namang may huminto na tricycle sa tapat namin ni Alistair. Kaagad kaming sumakay, ako sa loob at siya naman ay sa tabi ng tricycle driver. Hindi niya tuloy nagawa pang sumagot sa aking sinabi.



Habang byahe pauwi my thoughts came into my mind again. Kailangan ko nga palang mag review para sa academic contest na gaganapin at kasabay noon ay pag advance reading ko sa ilan pang mga subject. Kailangan na ako ang manalo sa academic contest dahil kung hindi matinding disappointment lamang iyon sa buong medicine department at kay Mama. Nakakahiya ang matalo.


Fail the Fear (Fear Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon