Dare 07

34 2 0
                                    

Written by: @MyGalilaxy

JC's POV

After a very stressful day at school, samahan mo pa ng mga malandi mong bestfriend na busy mangharot sa kabilang section, ayun. 

 Di kami sabay-sabay umuwi ngayon, may pupuntahan pa daw ang mga bakla. Agad na akong sumakay sa bus ko. Habang nakaupo'y naalala ko si Mr. favouritism. Nga pala, wala sya ngayon ah. 

 Pagkarating ko sa bahay, may narinig akong ibang boses na nangagaling sa loob. Nagtaka naman ako. Sino kaya yun?...

 Dahan dahan ko lang binuksan yung pinto habang sumisilip. Babae, mahaba yung buhok, mukhang bagong rebond, mistisa.Habang patagal ng patagal ung usapan nila ni mama, parang nagiging pamilyar yung boses. 

 " 'nak?!..ikaw na yan?" Napakamot ako nang ulo. " Hindi 'ma!!...di talaga ako 'to. Picture ko lang." Pagbibiro ko naman habang turo turo ang sarili.

 Sinenyasan nya akong lumapit sa sala kung nasan sila. Liningon naman ako nung babae. 

 Oh my goodness gracious apple lemon juice!!!... 

 " Luna?!!..." Agad naman syang tumayo sa upuan at niyakap ako.

 " Joshiee!!!!....namiss kaya kita!!.." Nang narealize ko yung posisyon namin, na nakayakap parin sya sakin for almost a minute now, itinulak ko sya papalayo. Bigla kasi akong nandiri. You know, girl sya...girl din ako...

 Childhood friend ko kasi 'tong si Luna. Magkasama kami hanggang sa matapos ung elementary years namin. 

 Akala ko nga hanggang highschool magkasama kami. Akalain mo yun, college na ko. Balita ko, kaya sya umalis papuntang Italy dahil sa breakup nila nung bf nyang di ko gusto. Never ko pang nakita in person yung guy pero I'm super sure na ampanget nun.Ampanget nya kasi sinaktan nya si Luna.

 " Ba't bumalik ka pa?" Sarkastikong tanong ko na nagpatawa sa kanya. Umupo sya sa upuan at hinalukipkip ang mga braso as she looked at me with a smirk. 

 "Guess what, Joshiee!!..Schoolmates na tayo!!!.."

It all start with a dare || JoKen Fanfiction|| My_Galilaxy x MakalatnafangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon