Nang Dahil Sa 'Forever'

138 6 0
                                    

"Wala ka ng pag-asa. Tignan mo nga yang pagmumukha mo sa salamin. Forever ka ng pangit! Narinig mo? Forever!"

Iyan ang sabi sa'kin ni Jake dati, ang siga ng batch namin noong elementary. Sabi niya, wala raw lalaking magkakagusto sa'kin dahil mukha ko pa lang, nakakasuka na. Sa sobrang galit ko, pinagsalitaan ko din siya nang hindi maganda kahit hindi ko alam kung tatalab sa kanya ang masasakit na salita.

"Walang forever! Pero sa kaso mo, meron. Forever kang mag-iisa dahil sa itim ng budhi mo. Ang mga tulad mo, salot sa lipunan. Nakakasuka ang lahi mo dahil wala kang ginawang maganda sa kapwa mo!" Sabi ko. Epic ang reaksiyon ng mukha niya nang makita ko. Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na niya ako binully.

Mahigit dalawang dekada na ang nakalipas. Manager na'ko sa isang kilalang mall. Ang laki na rin nang pinagbago ng pisikal kong hitsura. Maputi na ako at makinis. Makintab at tuwid na rin ang mahaba kong buhok. Salamat sa hair rebonding, treatment, at kung anu-ano pa. Hindi naman ako obsess sa pagpapaganda. Gusto ko lang ayusin ang pisikal kong anyo para hindi na ako kinukutya ng kung sino. Gusto kong patunayan sa gag*ng Jake na iyon, sakali man na magreunion ang batch namin at magkita kami, na hindi ako forever na pangit. Gusto kong ipakain sa kanya ang mga sinabi niya at ipamukha na nagkamali siya.

Nagkita kami ulit ni Jake na tila ba pinagdaop ng tadhana na maglandas ang mga buhay namin. May school program na ginanap sa event center ng mall kung saan ako nakadestino. Naimbitahan siya ng nasabing paaralan para maging guest speaker. Akalain mo, motivational speaker na siya ngayon. Tila ba gusto kong masuka nang hindi sinasadyang narinig ko ang speech niya. Sakto kasi na nagsasalita na siya nang pumunta ako roon para i-check ang event. Tungkol sa bullying ang paksa. Ang totoo, muntik ko na siyang hindi makilala dahil malaki rin ang ipinagbago niya. Malinis tignan at maayos manamit. Malayong-malayo sa Jake na bully at barumbado noon.

Nang araw na iyon, habang naka-break ako at nagkakape sa isang coffee shop, may lumapit sa'kin. Halos maibuga ko yung kape nang makita ang gwapong mukha ni Jake. Okay, hindi ko siya pinupuri. I'm just being honest here. Gwapo naman kasi talaga siya dati pa. Marumi lang talaga siya tignan nung elementary. Idagdag pa na salbahe siya kaya nakakaturn-off ang kagwapuhan niya. Anyway, binati niya ako pero dinedma ko lang. Siguradong hindi niya ako nakikilala kaya ganoon na lang kalakas ang loob niya para lumapit at maghello. Dahil kung alam niyang ako ang binully niya noon, malamang hiyang-hiya na siya at ni anino niya hindi magpapakita. Nagkunwari akong walang narinig habang inuubos yung kape ko para makaalis na. Ang kaso, sumunod siya nung lumabas ako. At nang makita ko kung gaano kaamo ang mukha niya dahil sa tamis ng kanyang ngiti, tila ba natibag ang defenses ko at lumambot ang aking kalooban. Napakalambing ng tinig niya nang magsalita. At alam niya pala kung sino ako. Nag-flashblack lahat ng mga kasamaang ginawa niya sa'kin dati. Nabuhay ang galit ko sa kanya na naipon sa kaloob-looban ko. I wanted to punch his face and break his nose but I decided not to. Sa halip ay tinalikuran ko na lang siya para ipakitang hindi ako interesado sa kung ano mang sasabihin niya. Pero natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ko at ikinabigla ko nang magsorry siya. Sinundan pa niya ng 'You look pretty amazing by the way.' Ngunit hindi ako nagpadala sa mga salitang iyon at iniwan na siya.

Pagbalik ko sa office, may nakita akong bouquet of roses, chocolates at isang envelope sa table ko. Curious na binuksan ko yung envelope na sa hula ko ay naglalaman ng sulat.

Stella,

Ang tagal kong pinangarap na magkita tayo. Matagal ko rin pinaghandaan ang pagdating ng araw na ito. Madalas akong makibalita sa mga ka-batch natin tungkol sa'yo.
Ang sabi mo sa'kin dati walang forever. At wala nang pag-asa ang isang tulad ko. Tama ka. Wala ngang forever dahil nagawa kong baguhin ang sarili ko dahil sa sinabi mo. Natakot akong mag-isa kaya pinilit kong magbago. Salamat sa'yo. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa mga nakalipas na taon. And from the bottom of my heart, I'm sorry for all the stupid things that I've said. I don't want to say this but I'm saying it anyway. I had a crush on you when we were young. Alam kong hindi ka magkakagusto sa isang tulad ko kaya ginawa ko ang lahat para magpapansin sa'yo dati. Sinubukan kong maging nice sa'yo that time, pero sa tuwing nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo'ko kinasusuklaman, pinanindigan ko na lang ang pagiging masama. That way, napapansin mo'ko. Your last words kept me hanging and haunted me for years. Again, sorry. Sorry because I was an a**hole.

Jake

May crush siya sa'kin dati? Last words? Para akong hihimatayin nang marealize kung anong ibig niyang sabihin. My last words were 'Crush pa naman kita.' Iyon ang huli kong nasabi kahit na hindi ko intensiyon na sabihin iyon dahil nadulas lang naman sa dila ko. Hindi ko alam na narinig pala niya.

Ang araw na iyon sa mall ang naging huli naming pagkikita. And that was two years ago. Paminsan-minsan naaalala ko pa rin si Jake. Ipinangako ko na bibigyan ko ng chance ang mga sarili namin na maging friends sakaling magkita kami ulit. Nakapagmove-on na'ko sa pambubully niya, I guess. Naisip ko rin na hindi ako magiging desididong baguhin ang sarili ko kung hindi dahil kay Jake. Sa bandang huli, tila may maganda rin idinulot ang pambubully niya sa'kin dahil naging masigasig ako.

Papasok na'ko sa work ngayon, medyo naipit lang sa traffic. Nakausad na ang mga sasakyan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makaliko para magpa-gas. May sumalubong sa'kin na isa pang sasakyan kaya hindi ako makaabante. Binusinaan ko pero bumukas yung pinto sa driver's seat at bumaba yung driver. Unti-unting nalaglag yung panga ko sa pagkabigla. Kanina lang naalala ko siya, tapos ngayon papalapit na sa'kin at nakangiting kinatok yung bintana ko na ibinaba ko naman para marinig ang sasabihin niya. Si Jake! Nagniningning ang mga mata habang niyayaya akong magkape.

Nang Dahil Sa 'Forever' [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon