Introduction

12 1 0
                                    

" Zac . . . "

Nagulantang ako sa tawag na iyon, sa pagtawag ng aking pangalan.

" Zac . . . "

Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang boses. Palingun-lingun ako, nagbabakasakaling makita siya.

" Zac . . . "

Hindi ako mapakali habang patuloy parin ang pagsuyod ng aking mga mata sa gitna ng kadiliman.

Natatakot ako. Kinakabahan. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin. Nanginginig ang aking mga tuhod. Di ko alam ang aking gagawin. Pinipilit kong hanapin kung saan nanggagaling ang boses kahit hindi ko maapuhap ang kapaligiran dala ng kadiliman.

" Zac . . . "

Nakakaawa, oo nakakaawa ang tinig niyang iyon. Tinatawag niya ang pangalan ko na tila ba meron siyang gustong sabihin at iparating sa akin. 

Hindi ko alam kung sino siya, ang alam ko lang ay pamilyar ang boses niya na para bang kilala ko siya. Nalilito ako kung bakit, bakit nandito siya. Anong ginagawa niya rito at anong nangyari sa kanya.

" Zac . . . "

" Ahhhh...!!! " Napasigaw ako nang biglang merong kamay na humawak sa aking paa mula sa likuran.

Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Halos hindi ko maigalaw ang aking boung katawan. Nanginginig ako sa takot na halos maiyak na at gustong sumigaw. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib na parang kahit anong oras ay mahihimatay na ako ng tuluyan.

Nagugulumihan ang aking isipan. Naglalaban ang katanungan na kung totoo ba ang lahat ng ito o pawang kathang-isip lamang.

" Zac . . . "

Habol ko ang aking hininga nang muli niyang sambitin ang pangalan ko. Ganun pa rin ang aking nararamdaman. Hawak pa rin niya ang paa ko.

Wala akong ibang magawa. Hindi ko alam  kung ano ang aking napasukan. Unti-unti nadarama ko na lang na meron ng dumadaloy na luha sa aking pisngi at nagsisimula na rin na marinig ang mahihina kong mga hikbi.

Sa gitna ng aking nararamdaman ay pinilit kong lakasan ang aking loob. Dahan-dahan akong pumihit patalikod. Alam kong makikita ko siya ng kabuuan ngayon sa tulong ng liwanag na dumudungaw sa bintana na kung tutuusin ay wala naman kanina.

Magpapasalamat ba ako dahil sa biglang pagliwanag nito upang maaninag ko ng mabuti ang nasa aking likuran o sana ay hindi na lang sa parehong dahilan.

Habol man ang hininga. Nanginginig man ang boung kalamnan at hindi alam kung ano ang dapat gawin sa pagkakataong iyon ay mas nanaig ang dahan-dahan kong pagharap at paglingun sa kung anuman ang nasa aking likuran habang markado parin sa aking mukha ang matinding pagkatakot ......

" ahhhhhhhhhhhhhhhh...................... "

Malakas na sigaw at kasabay ng mabilis na pag-atras ang aking nagawa na siya ring nagpakawala sa kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak sa aking paa.

Nanlaki ang aking mga mata. Parang mas dumoble ang paghabol ko sa aking hininga. Nagulat ako sa aking nakita na siyang nagpadagdag sa aking takot. Nanghihina ang aking mga tuhod na para bang ilang sandali lang ay tuluyan na itong titiklop.

Natutulala at lumilipad ang aking isipan. Hindi ko malaman ang unang dapat gawin. Kung dapat bang umalis na lang ako ng madalian at iwan ang aking nasaksihan o dapat bang manatili ako at siya ay dapat na tulungan.

Isang babaeng nakahandusay, sugatan at punit-punit ang saplot ang tumambad sa akin. Halos hindi na siya maitsura. Duguan, puno ng bugbug na may kasamang sugat  ang kanyang boung katawan. Halos nahihirapan na siyang huminga siguro dahil dala narin ng kanyang natamong mga di kaaya-aya sa kanyang katawan.

Nakakaawang panuorin. Halos hindi mo masikmura ang nangyari sa kanya. Ti-norture. Pinagsamantalahan at kitang-kita na binaboy ito. Hindi ko siya mamukhaan at wala sa isip para kilalanin siya dahil sa sobrang pagkataranta pero alam kong kilala ko siya at tila higit pa dun.

Hindi pa rin ako makakilos dahil sa aking nasaksihan. Kinakapa ko pa rin ang aking sarili at naguguluhan. Brutal, napaka-brutal ng ginawa sa kanya. Walang-awa ang kung sino mang gumawa nito sa babae.

" asdfghjklasdfghjkl................... "

Ang mga katagang yun ang tumunaw sa akin. Alam ko, hindi ko naintindihan ang kanyang pinagsasabi o kung ano ang gusto niyang sabihin. Awa ang labis na aking nararamdaman para sa kanya. Nahihirapan man siya at yun ay alam ko, pinilit parin niyang magsalita. Hindi ko alam kung bakit at para saan pa.

Hirap man, may takot at halos hindi pa makabawi sa pangyayari ay mas minabuti ko na makalapit sa babaeng nakahandusay upang marinig ang kanyang sinasabi. Hindi dahil sa kagustuhan ko kaya ako lumapit kundi dahil parang may nagsasabi sa aking isipan na kailangan kong lumapit rito.

" A-ano? A-no ang gu-gusto mong sa-sabihin? " Putol-putol, nanginginig at may takot kong tanong sa kanya.

" Ta-takbo

  Tu-tumakbo ka-ka na

  Na-nandito na si-sila

  Ma-mamamatay ka, pa-papatayin ka ni-nila.

  Tu-tumakbo ka ha-hanggang ka-kaya mo.

  I-iligtas mo ang sa-sarili mo, ang bu-buhay mo Ka-kam................. "

Unconscious RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon