Tiago's Pov"Ano nanamang problema Mr. Ajello, Mr. Anselmo, Mr. Baiamonte at nako Ms. Polla, kayong tatlong Mister ha pang ilan niyo na itong bisita dito, aba eh baka gusto niyo na ditong tumira sa guidance room," ani ng kalbo naming guidance councelor.
"Eh kasi naman Sir , yung tanim naming mani aba eh ginawang parking lot. Nagsisimula pa lang yun tumubo Sir eh, kailangan pa naman namin yun kasi dun kukunin yung grades namin kung may mani ba o wala," iritadong saad naman ni Polla habang panay irap sakin. Tsk, itong babaeng to talaga lagi na lang.
"Eh di nga namin sinasadya yun,nag kataon lang na wala na kaming maparkingan ng kotse," pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa.
Hindi naman talaga namin yun sinasadya, eh kung alam lang namin na may mani dun eh di sana di na kami nag park dun tsk. Ang liit liit
na bagay pinapalaki, mga ugok. Panay naman ang hagikhik ng dalawa kong kasama, may pa apir apir pa sila sa ilalim ng upuan tsk, nauubos oras namin dito." Eh, patay na ba yung mani mo Ms. Polla ?" Pagtatanong naman ni Sir.
"PPPPFTTTT HAHAHAHAHAHAHAHAHA PUNYETA HAHAHAHAHAHAHAHAH," halos maagaw namin ang atensyon ng lahat ng tao dito sa guidance room dahil sa tawa naming tatlo.
Nakita ko si Clark na pumapalakpak pa sa sobrang tawa. Kasalanan ba namin na iba ang naisip namin matapos sabihin yun ni Sir. Sinulyapan ko rin ang mukha ni Polla at nakitang pulang pula na ito, hindi ko alam kung sa galit ba o kahihiyan ah basta bahala siya.
"Boys, di na nakakatuwa, labas! Siguraduhin niyo na may markang makukuha ang grupo ni Polla, gumawa kayo ng sarili niyong paraan. Kung hindi niyo yan magagawa, pasensyahan tayo, hindi niyo gugustuhin ang gagawin ko."
Bigla naman kaming umayos at pinipigilan pa rin ang tawa.
"Ah ibig niyong sabihin Sir, kami ang mag aalaga ng mani nila Polla?" Pag tatanong naman ni Sev.
"HAHAHAHAHA ang tanong mag papa alaga ba siya? AHAHAHAHAAHHAHAHAHAAA," may pa palakpak pa si Clark habang nag sasalita mga ugok hahahaha.
"Eh pano Sir kapag namatay, tataniman po ba namin? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA," di ko na napigilan at dumugtong na din.
Natigil lang kami sa pagtawa nang biglang tumayo si Sir at inihilamos ang kanyang dalawang kamay sa kanyang kumikintab na mukha. Kitang-kita ko naman ang matatalim na tingin samin ni Polla, tsk.
"Boys, kayo na lang lagi ang laman nitong logbook. Hindi ba kayo nahihiya, first year college na kayo tapos ito pa ang ginagawa niyo. Nakakahiya kayo! Dito sa Campus, kayo ang laging numero uno pagdating sa kalokohan. Ngayon, pag hindi niyo nagawa yung sinabi ko kanina, magpasensyahan tayo. Mga matatanda na kayo,alam niyo na ang mga dapat at hindi dapat gawin. You may now leave." Kaagad naman kaming nag silabasan, naunang lumabas si Polla at sumunod naman kami.
"Polla, kailan ba mag e-evaluate si Prof ng mani ?" Lakas loob na tanong ni Sev na may ngisi sa kanyang labi.
"Next next month, yan kasi puro kalokohan, di gumawa ng matitinong bagay," nakakailang hakbang pa lang si Polla palayo samin nang bigla ko siyang tawagin.
"Polla!" Lumingon naman siya at umirap na sinundan pa ng pag taas ng kanyang kaliwang kilay, tss , arte talaga.
"Pasalamat ka nga, di ko kinain mani mo." Pag katapos kung sabihin yun ay sabay sabay kaming tumakbo patungo sa canteen habang tumatawa.
"PUNYETA KA TIAGO HAHAHAHAHAHAH
HAHAHAHAAAHAHAHAHAHAHAHAHA," may pa tapik tapik pa si Sev sa likod ko habang tumatawa."PULANG PULA YUNG MUKHA NI POLLA HAHAHAHAHAHAHAHAAAHAHA," si Clark naman ay panay palakpak ng kamay at hawak sa tiyan.
Nainis ko na si Polla , tama lang yun sa kanya, mani lang naman yun eh , hirap sa kanya napaka grade conscious tsk. Ikaw, kumusta mani mo?
*wink
*chuckles
Kidding HAHA
BINABASA MO ANG
Too Little, Too Late (Slow Update)
Random"OO, LOKO LOKO AKO! MASAMA AKO! SIRAULO! TARANTADO!BOBO!HINDI AKO PERPEKTO POLLA ! PERO AKO TO EH...SI TIAGO TO! PERO KAHIT GANITO AKO, POLLA NAGDURUGO RIN AKO, YUNG MGA BIRO KO...SIGE, BIRO NA LANG YUN." ...