Clark's PovBusy ako sa pakikipag-usap sa class President namin nang bigla akong tawagin ni Tiago na kadarating lang.
"Clark, gusto mo ng C2?" Tanong niya na may kasamang nakakalokong ngiti.
Tinanguhan ko lang siya at nakita kong nilagay niya lang sa ibabaw ng armchair ko. Di pa din niya inaalis ang nakakalokong ngiti sa mukha niya,tsk, kalokohan nanaman.
Maya maya pa ay dumating na ang Prof namin kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming upuan. Dumiretso ako sa pinaka likod at nakitang nag pipigil ng tawa ang dalawang mokong,tsk sabi na nga ba eh.
"Clark, inom na tayo C2 HAHAHA," saad ni Tiago nang maka upo na ako.
Di na ako nag abalang sumagot at sabay sabay na naming ininom ang C2. Pagkatapos naming uminom ay nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na tumawa ng patago.
"Gago hahahaha" pabulong kong saad habang pinipigilan ang halakhak na gusto ng kumawala punyeta hahahaha.
"Ayos ba? Hahahaha" Pabulong ding tanong ni Sev habang ni shake shake pa ang beer, oo beer kingina hahahaha.
Habang nagtuturo si Prof, tamang inom inom lang kami HAHAHAHAHA punyetaaa HAHAHAHA. Di na kami nakikinig sa mga tinuturo ni Prof ah basta bahala na. Kapag nagkakatinginan kaming tatlo panay tawa lang ang ginagawa namin.
"Okay , get 1/2 sheet of paper"
"Putangina!"
"Nakinig kayo?"
Rinig kong saad ng dalawang ugok.
"Di ako nakinig , alam niyo namang puro tayo tawa kanina hahaha panay tingin nga dito kanina si Prof hahaha" saad ko habang kumukuha ng 1/2.
" Bahala na nga, tsk" bulong naman ni Sev at kumuha din ng papel.
Maya't maya pa ay nagsimula na ang short Quiz. Nangangalahati pa lang kami nang marinig ko si Tiago na nagsasalita sapat na para marinig ni Prof at ng mga classmates namin, putangina HAHAHAHAHAHA.
"Bakit ano lahat letter O nababasha ko?"
Bigla naman kaming nagkatinginan ni Sev at ramdam kong pati siya ay kinakabahan.
"Kingina lasing na si Tiago hahaha , anong gagawin natin Clark?"
"Gago hahha, patahimikin mo , baka mamaya kumanta yan , edi nag kanda letche letche na , baka dun na talaga tayo manirahan sa guidance room kasama si kalbo."
Habang nag te-test kami , panay lingon kami kay Tiago na ngayon ay pulang pula na.
"Ang ashtig ng papel ko heheh ang dami na ng linya, shainyo din ba Clark?"
"Kingina hhahahahaha gago hahha lasing na nga Clark hahha"
Di ko pinansin ang sinabi ni Sev at tumawa na din. Lumipas ang almost 15 minutes nang biglang ....
"Okay pass your papers"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Prof kaya naman dali dali naming tinignan ni Sev ang papel ni Tiago na ngayon ay nakayuko at natutulog.
"PUTANGINA LAHAT LETTER O HAHAHAHAHA"
"KINGINA KA TIAGO HAHAHAHA ,ipasa mo na Sev."
"Luh ba't ako, ikaw na lang, mapagkamalan pang sakin yan , ayoko nga HAHAHAHAH TANGINA LETTER O LAHAT HAHAHHA"
Wala kaming magawa ni Sev kundi ang magbulungan at tumawa.
"Boys at the back , where are your answer sheets?"
"A-ah y-yes ma'am." Nauutal- utal na saad ni Sev at mabagal na ipinasa ang papel naming tatlo.
Hinintay muna namin na lumabas si Prof at maglaho ang iilang estudyante. Nang mangilan-ngilan na lang ang taong nag lalakad, lumabas na kami at inakay si Tiago patungong gate, buti na lang wala na si kuyang guard kaya walang magiging problema sa paglabas namin. Natapos ang araw namin na puro kalokohan nanaman pero naisip ko, hanggang kailan kaya kami ganito? Hanggang kailan kaya kami tatawa?
BINABASA MO ANG
Too Little, Too Late (Slow Update)
De Todo"OO, LOKO LOKO AKO! MASAMA AKO! SIRAULO! TARANTADO!BOBO!HINDI AKO PERPEKTO POLLA ! PERO AKO TO EH...SI TIAGO TO! PERO KAHIT GANITO AKO, POLLA NAGDURUGO RIN AKO, YUNG MGA BIRO KO...SIGE, BIRO NA LANG YUN." ...